Chapter Fourteen

1172 Words
Pagka labas ni Miya ay wala si Kirby. Akala niya na natulog na ito or nasa kitchen pero wala talaga. Inaantok na din siya. Medyo late na na din kasi kaya tumayo na siya sa inuupuan nang magbukas ang door. "Saan ka galing?" tanong ni Miya. "I went up to smoke," sagot naman ni Kirby. "Wait, naninigarilyo ka?" Na surprise doon si Miya. She never thought he would. "May marami kang hindi alam saakin. Never trust a guy you barely know," sagot ni Kirby na naka smirk at nilagpasan si Miya. "Bakit ngayon mo lang ito sinasabi saakin? After mo maging romantic ay ganito lang? Do you plan to leave me hanging?" Sunod-sunod na tanong ni Miya. Nakasunod siya kay Kirby, hindi niya hahayaan na hindi sila magkakabati ngayong gabi. "Didn't say anything like that," sagot ni Kirby. Habang kumukuha ito ng tubig sa refrigerator at uminom, not using a glass. Yong adam's apple ni Kirby gumagalaw. Nagsisimula nanaman na mairita si Miya. "Seriously Kirby! Gusto ko na umuwi saamin. Hindi na kita maintindihan!" Tuluyan nang nairita si Miya. He stared at her for a while. "Alright, first thing in the morning," sabi ni Kirby at iniwan nanaman ulit si Miya. Sinundan ni Miya si Kirby. "Iyon lang iyon? Kirby pakiramdam ko ay pinag lalaruan mo lang ako. All this Melody thing atsaka you being good and all mean to me! Feeling ko I have truman syndrome! Ang feelingera ko na! Hindi naman kasi malinaw saakin. You go from romantic to all of a sudden this mo-" Hindi natuloy ni Miya ang kanyang sasabihin nang halikan siya ni Kirby. Hindi man lang niya maitulak si Kirby, parang nahihigop ng lalaki ang lakas niya. Saglit lang ang halik. Ginawa lang iyon ni Kirby para tumigil si Miya. "I don't like loud girls so keep it down," sabi ni Kirby at kinindatan si Miya na bumalik nanaman ang galit. Tumalikod na si Kirby at ready na to walk away nang marinig niyang humikbi si Miya. He turned back and saw Miya in tears. "Kailan mo ba ako seseryosohin?" Tanong ni Miya. Nakatingin siya kay Kirby with blurry vision dahil sa tears niya. "To be honest, hindi ko na talaga alam kung sino at ano ang paniniwalaan ko eh. It's frustrating na hini ko malaman kung ano ang totoo. Idagdag mo pa na sinasabi mong ako si Melo-" Niyakap ni Kirby si Miya at pinatahan. "Shh. I'm sorry. I really am." Pinahiran ni Kirby ang mga luha ni Miya. "It's pretty late. Let's call it a night and talk tomorrow okay?" Tumigil na sa pag iyak si Miya at tumango. "I'll sleep on the couch and you sleep in the bed. Just call me, when you have those memories again," sabi ni Kirby sabay halik sa noo ni Miya. Nag good night si Miya saka pumunta sa room. Naka ngite siyang ipinikit ang mga mata niya praying it'll all be okay tomorrow. Mga 2 am na nang humiga si Kirby. Nag update pa kasi siya tungkol sa mga magulang ni Miya. Nakakuha na siya ng mga info about it. Pero hindi niya malaman, how she ended up to them. Ang raming iniisip ni Kirby hanngang sa makatulog ito. Around 4 am nang makarining si Kirby ng iyak kaya siya gumising at nagulat siya na makita si Miya. Umiiyak ito sa harap niya at bigla nalang siyang niyakap na ikinabigla niya. Pinakalma ni Kirby si Miya. "Hey, it's okay. I'm here with you," bulong ni Kirby kay Miya habang hinahagod niya ang likod nito. Pareho na silang nakahiga sa couch. Siksikan silang dalawa doon. Si Miya ay nakahug at ginawang unan ang kamay ni Kirby. Si Kirby naman ay nakahug kay Miya. Buti nalang pareho silang hindi malikot. *** Kinabukasan ay unang nagising si Miya. Early bird siya kaya nauuna talaga siya magising. Hindi naman siya makaalis dahil baka magising si Kirby. Tinitigan niya lang ito. Ang gwapo ni Kirby. Mataas at makapal ang pilik mata, ang tangos ng ilong, ang full ng lips, ang cute ng brows. He was just so perfect. Hinawakan niya ang mukha ni Kirby. It felt so familiar, she's sure na ginawa niya na ito dati. Nakahawak parin anh kamay niya sa mukha bi Kirby while she close her eyes. She wants to remember where. Her memories from that day came back. Waking up with hangover, she stared at his face like that. He was much younger with less the bristle about the mouth. She was convinced that she was Melody. She wanted to remember more pero wala na siyang maalala. Her tears fell on their own. Kirby saw her tears and wiped it. Then she opened her eyes and saw Kirby staring at her. "You okay?" Tanong ni Kirby. "Oo. Okay lang ako," sagot ni Miya then nag get up siya. Ayaw niya namang naka ganun sila palagi at alam niyang nahihirapan din si Kirby sa ganoong posisyon. Ang necklace nanaman nila ang nag lock. Alam niya na ang gagawin, hahawakan lang niya iyon at mag lelet go na ito. Lageh na lang kasi itong gumaganoon eh. "Okay lang ba kamay mo? Hindi ba nag numb?" Nag aalalang tanong ni Miya. Nginitian ni Kirby si Miya. "Nope, my arm isn't numb," pagsisinungaling ni Kirby. Siyempre naging numb ang arm niya ilang hours din iyon. "I'll get breakfast for us. You stay here." Akmang tatayo na si Kirby nang i hug siya ni Miya. Nagulat siya doon. "Unti-unti ko nang na-aalala ang lahat. Salamat, dahil kung hindi saiyo ay, I'll remain the same," Miya said emotionally. Gusto niya lang talaga gawin iyon. Kirby tapped her back. "Don't thank me. You haven't recall the last part of your memory," mahinang sabi niya. Miya moved away. "Ano ibig mong sabihin?" Tanong ni Miya na nakakunot ang noo. "You'll see," tanging sabi ni Kirby. "Tayo ka na jan at magluto tayong dalawa." Tumayo nga si Miya at sabay sila sa kitchen. Pero hindi parin mawala sa isipan ni Miya ang sinabi ni Kirby. Ano ba ang dulo ng kanyang past? Ano ba talaga nangyari sa kanya. Ang naalala niya na so lucid ay ang pag bukas ng mata niya then she saw her mom crying. Tinatawag siyang Miya together with her father. Then after weeks sinabihan siyang na disgrasya siya with her brother. Wala na siyang maalala prior to that, nananaginip na lang siya. "Aray!" Sigaw ni Miya. Nakalimutan niyang nag cut pala siya ng vegies. Ayan tuloy ang finger niya na nahiwa niya. Agad kinuha ni Kirby ang kamay niya. Hinugasan ito ni Kirb with the running water sa sink. "Be careful," ani ni Kirby habang kinukuha ang kit sa upper cabinet. Linagyan niya ng band aid ang finger niya. "You stay in the living room. I'll do it." Walang nagawa si Miya kundi mag thankyou lang kay Kirb. Nanood niya ng movie sa Netflix nang may mag door bell. Tumayo siya at tinignan kung sino. Pag bukas niya ay bumungad agad ang nakakainis na mukha ni Rafaela kaya isinara niya ito again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD