Chapter 1- Barksdale Organization

1663 Words
I've always dreamed a life that is free from stress and worries, pero alam ko namang walang perpektong buhay kaya lahat ay makakaranas ng ups and downs. "Cavite po, Ma'am?" tanong sa akin ng isang driver. Hindi ko alam kung bakit after arguing with Dad about that stupid arranged marriage ay naisipan kong lumayas. I just can't fathom the fact na ipapakasal niya ako sa hindi ko manlang kakilala just to get that position. Sumakay na ako sa loob ng bus at pumwesto malapit sa bintana. Hindi ko alam kung saan ako mapapadpad, pero I just want to unwind. Sinabihan ko na naman si Kelly na hindi muna ako uuwi sa bahay. "Saan po kayo, Ma'am?" tanong sa akon ng konduktor. "Cavite," maikli kong sagot sabay bigay ng bayad sa kanya. Hindi ko kasi talaga alam kung saan ako pupunta ngayon, pero as long as may matutuluyan ako ayos lang sa akin. Pagkatapos ng halos isang oras na byahe ay nakarating narin ako. Bumaba na ako sa bus at nag-umpisang maglakad sa terminal. Hindi ko naman alam kung saan ako tutungo ngayon kaya naisipan ko munang umupo sa benches nila. Kinuha ko naman ang phone ko sa gucci satchel ko nang biglang may dumampot nito. Nanlaki naman ang mga mata ko nang mapagtanto na tinakbo na pala ng isang lalaki ang cellphone ko. "Magnanakaw!" sigaw ko naman sabay habol sa kumuha ng cellphone ko. Nainis naman ako ng wala manlang akong makita guwardiya dito sa terminal o kahit enforcer manlang. Wala ring ni isang civilian ang tumulong sa akin sa paghuli kaya pahirapan akong tumatakbo. "Give me back my phone, I swear that you're going to jail after this you jerk!" sigaw ko naman habang patuloy parin sa paghabol sa magnanakaw. Mga ilang minuto pa ang nakilipas ay nadatnan kong nasa isang makitid na lugar na ako tumatakbo. Humina naman ang pagtakbo ko nang makaramdam ng kakaibang presensya sa lugar. “I swear to God, malilintikan ka talagang magnanakaw ka sa akin. I still have my important files stored in that phone,” galit kong sabi habang naglalakad sa makitid na lugar na ‘to. May naririnig naman akong may nagbabagsakang mga bagay sa kabilang kanto kaya agad ko itong pinuntahan. Nadatnan ko naman ang tatlong tao na binubugbog ang lalaking kaninang kumuha ng cellphone ko. “Ilang beses ka na ba naming nahuli ditong gago ka, hindi ka parin ba susuko?” tanong ng isang lalaki sa kanya. Nagulat naman ako ng may kasama silang babae na hinahawakan ang braso ng magnanakaw. Napatingin naman sila sa akin at nagulat ako nang ngumiti sa akin ang babae. “Pasensya na po, hindi ko na po uulitin. Huwag niyo lang akong papatayin,” pagmamaka-awa naman ng magnanakaw sa kanila. I feel pity for the thief kahit na ninakaw niya pa ang cellphone ko. Bugbog sarado kasi talaga siya sa tatlo kaya lumapit na ako para pigilan sila. “That’s enough,” mahina kong sabi sabay lapit sa kanila. Kinuha naman ng babae ang cellphone ko na nasa kamay ng magnanakaw sabay lapit sa akin. Her presence is kind of intimidating to me, nakakatakot dahil parang isang maling galaw ko lang ay papatayin nila ako. “Here’s your phone, next time huwag ka ng maglabas ng phone sa mga public places ha?” saad niya naman kaya nagulat ako. Sobrang lambing kasi ng boses niya sa akin. Napangiti naman ako. “Salamat sa inyo,” wika ko sabay kuha ng tatlong-libong piso galing sa wallet ko. Iniabot ko naman ito sa kanya, pero agad niya naman akong tinaggihan. “You don’t need to do that, tinulungan ka lang naman namin.” Napangiti naman ako. “Uhmm, by the way, I’m Andrea,” pakilala ko naman sa kaniya at napatingin din ako sa mga kasama niya sabay ngiti. Iniaabot niya naman ang kamay niya sa akin sabay ngiti. “I’m Elaine Lopez, a rookie member of Barksdale Organization,” pakilala niya naman sa akin ng bigla niyang hinampas ng mahina ng kanyang kasama kaya nagulat ako. Bigla naman akong nagulat dahil narinig ko na ang tungkol sa Organization na ‘to. Hindi ko lang maalala kung saan at kailan. “You’re not supposed to say that,” sambit ng isang lalaki sabay tingin sa akin ng seryoso. “You can leave now,” dagdag niya pa. “Can I ask?” tanong ko naman sabay taas ng kamay ko. The guy in red hair nodded. “Ano?” “What is this Barksdale Organization thingy?” deritso kong tanong sa kanila. Nakapagtataka lang kasi dahil kanina habang pinagmamasdan ko ang combat skills nila ay sobrang galing. Black belter na ako sa Taekwondo at wushu since high school kaya alam ko ang mga galaw nila. “Gusto mo bang sumali?” pahayag naman ng isang lalaki na nasa likuran nila na ngayon lang nagsalita. Parang nag-regret tuloy ako kung bakit ko pa tinanong ang tungkol sa Organization nila since halata namang isa itong Gang Group. “Nope, I’m good,” agad na sagot ko naman sa kanila. Napanguso naman sa akin ang babae sabay tingin sa isang kasama niya. “Kuya, don’t be harsh,” wika naman nito. “She’s asking, I just answered her question,” saad pa ng lalaki. “Miyembro kami ng isang Mafia Gang na naka base dito sa Cavite. If you want to join us, pwede ka ng sumama sa amin ngayon din,” wika naman ng lalaki kaya napa-atras ako. Marami na kasing tao ang manloloko ngayon and possible that they’re just making this up for a trap para ma kidnap ako or something just for a ransom. Hesitant naman akong tatakbo na sana, pero nagulat naman ako ng may biglang inilabas na identification card si Elaine sa akin. “We aren’t here to kidnap you. This is our official badge para maniwala kang miyembro nga talaga kami ng Barksdale,” sambit niya sa akin sabay pakita ng badge. Hindi ko naman alam kung matatawa ba ako dahil ang bilis nilang basahin ang iniisip ko. Tiningnan ko naman ang badge nilang tatlo. Ang isang lalaki ay ilang taon ng miyembro ng grupo, pero itong dalawa ay mga ilang buwan palang. “So, what’s the goal of this organization?” tanong ko pa sa kanila. “We can’t tell you that unless you’re an official member,” sagot naman sa akin ni Elaine. Tumango naman ako bilang tugon. “So, I think I should thank you guys for giving back my phone. It’s nice to meet you all. This is where I’ll say farewell,” pahayag ko naman sa kanila. “You really won’t try it out?” tanong sa akin ng lalaki kaya nagulat ako. Hindi ko akalain na sa pag-alis ko ng bahay ay magkakaroon ng recruitment dito ng Mafia gangs na mapupuntahan ko. “Hindi ka ba taga-rito, Miss?” tanong din sa akin ng lalaking pula ang buhok. Umiling naman agad ako. “No, sorry. I’m from BGC and I went here ot unwind sana, and when I was about to text my family earlier, that jerk snatched my phone,” paliwanag ko sa kanya. “Oh sorry for not being able to introduce myself. I’m Kyril, Kyril Montenio, also a rookie member and Elaine is my sister,” pakilala niya naman sa akin kaya nagulat ako. Curious naman ako kung bakit sumali ang mga kapatid na ‘to sa isang Mafia gang, pero hind ko nalang tatanungin dahil private lives na nila ‘yon. Tinapik naman ni Elaine ang isa pa niyang kasama na lalaki na seryoso lang na nakatingin sa akin. “This is LJ, sorry if you think that he’s being rude to you Andrea, ganyan lang talaga ‘yan,” saad naman ni Elaine. Ngumiti naman ako. “No, it’s fine.” “So, what’s your decision?” tanong sa akin ni Kyril. Hindi ko alam kung bakit sobrang eager nilang papasukin ako sa grupo nila. Medyo natagalan din ang paggiging tahimik ko kaya naglabas nalang si Elaine ng isang calling card. “Sorry, but we have to go back now. Ilang oras narin kasi kami dito and we still have a mission to do. Kindly call me lang, this is my calling card if you’re interes in joining our Organization,” wika niya sabay abot sa akin ng card. Tinanggap ko naman ito. “Okay, I’ll let you know.” Ngumiti naman sina Elaine at Kyril sa akin samantalang poker face parin si LJ. Ngumit rin ako pabalik at kanila at nag-umpisa na silang maglakad papalayo. Umalis narin ako sa makitid na lugar na ‘yon at tumawag ng grab. Nag book nalang din ako sa pinalamalapit na hotel para may matulugan ako ngayon gabi. Nandito na ako ngayon nakatambay sa verand ng isang five-star hotel sa Cavite ng biglang nag vibrate ang cellphone ko kaya dali-dali ko itong tiningnan. Nagulat naman ako ng makita ang pangalan ni Kelly sa screen. “What is it?” tanong ko sa kanya. “Girl, your parents are hiring their men para hanapin ka. Go home now bago ka paman pauwiin by forced,” saad naman ni Kelly galing sa kabilang linya. Napatayo naman agad ako. “There is no way I’m going back right now. I’m already an adult kaya my life is my decision, please relay that message to the both of them,” saad ko naman sabay patay ng tawag. Ayokong ma stress ngayon kaya ayoko munang kuma-usap sa kanila. Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko at napansin ang calling card na nasa side table. Maya-maya pa ay kinuha ko naman ito at dinial na ang number na nakalagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD