Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon.
Walang kaalam-alam kung paano napadpad sa lugar na ito at pinaharap sa madaming nilalang.
Mga kakaibang mata na nagtataglay ng kamaha-mangha na abilidad ang nakatutok sa bawat galaw.
Isa lamang itong masamang panaginip.
Panagip na nilagay ako sa kapahamakan. Panaginip na walang katiyakan kung makakabalik pa ako sa ulirat.
Pero nasa reyalidad ako at nakakahinga pa nang maayos.
Kailangan kong magsakripisyo. Ang sakripisyong iyon ay ang sumali sa karumaldumal na laro na tinatawag ng mundong ito na, "Syxrius Therria".
Madami kaming manlalaro pero mas kakaiba sila kumpara sa akin.
Isa lamang akong mahina at inosenteng tao. Walang kamuwang-muwang sa nangyayari sa paligid. Bigla na lamang naging manlalaro sa delikadong laro.
Hindi ko alam kung magiging maayos ang lagay nito pero pakiramdam ko, hindi ako ligtas.
Dahil hindi lamang basta laro ang sinalihan ko.
Ito'y larong BUWIS BUHAY.
"Ang laro ay magsisimula na! Pagpatak sa isang segundo, lahat ng manlalaro'y maghanda na!"
"Tatlo!"
"Dalawa!"
"Isa!"
"Simulan na natin ang ating laro!"