Pagpasok pa lang ay agad na may babaeng sumalubong sa kanila. Ito ata ang pinagbilinan ni Zyaire patungkol sa magiging trabaho niya. "Good morning Ms. Yanah.. I'm Evette from the HR Department.." Iniabot nito ang kamay kay Yanah para makapag shake hands sila. Tumugon naman ng bati si Yanah. "Let's go?" tanung nito at bahagyang napapatingin kay Stefano. Mukhang napapaisip kung pati ba ang lalaking kasama niya ay susunod sa kanila. "Umuwi ka na Stefano.." bulong ni Yanah ng maintindihan ang confusion sa mukha ni Evette. "Okay bye.. sunduin kita mamaya ah.. Hmm Ms. Evette tama? Mga anung oras ba ang out ng girlfriend ko?" tumaas ng bahagya ang kilay nung Evette na tila nadismaya sa narinig ganung kabaliktaran naman si Yanah. "Hindi! Hindi kami.." pagtatama ni Yanah kay Evette pero ma

