" Tay! bakit nyu ho ako pinigilan? Tuturuan ko po ng leksyon ang mayabang na lalaki na yan!! Walang utang na loob! Itapon mo na yan tay! Ibalik mo yan kung san mo siya nakita!" nag ngangalit na pahayag ni Yanah. Galit na galit siya sa lalaki. Gusto niya tong umbagin at tadyakan. " Anak anu ba! Hindi kita ganyan pinalaki.. Hayaan na natin siya. Baka dala lang ng trauma dulot ng ginawa sa kanya kaya siya nagkakaganyan. Wag kang magmadali anak!" Naiinis na umalis si Yanah at nag punta sa kubo ng matalik niyang kaibigan. " Oh Yanah bestfriend! Andito ka?!" nagtataka ito pero dire diretso sa loob si Yanah. Elementary pa lang sila ni Lupita ay matalik na silang mag kaibigan. " Anung nangyari?! Ha?! may lalaki nanaman bang nangulit sayo? Busangot na busangot ang mukha mo bes. Ui! Kausapin

