[ZYAIRE TORRICELLI] Malakas ang kutob kong sa akin ang bata. Nagbalik tanaw ako sa mga nangyari sa nakaraan. Bago kami nagkahiwalay ni Lyresh isang mainit na p********k ang nangyari sa pagitan namin. Kung susundan ang bagay na yun tugma ang edad ng bata. 2 years. Anu nakilala niya agad si Aksel sa mga unang taon? Impossible yun. Pero may nangyari sa kanila ni Caleb ilang linggo pa lang kaming magkalayo. f**k! Hindi ko na alam ang iisipin pero aalamin ko ang lahat. Hindi ito pwedeng gawin sa akin ni Lyresh. Kung sa akin man ang bata gaya ng hinala ko. Hindi niya dapat ako alisan ng karapatan maging ama sa anak ko. Sa sarili ko hindi man ako naging mabuting asawa, boyfriend o partner. Alam kong magiging mabuting ama ako kung bibigyan lang niya ako ng chance. Naisip kong tuloy pat

