[NARRATOR] Nang matapos ang lahat sa pagkain nagmungkahi si Emma na siya na ang magdadala ng pagkaen kay Zyaire. "Marapatin mo sana Lyresh may gusto lang akong sabihin kay Don Zyaire.." "No!" Nanlaki ang matang sigaw ni Lyresh. Kinabigla naman ng husto ni Emma. "Ang ibig kong sabihin Emma.. Ano kasi.. amm.." Nahirapan si Lyresh na sabihin ang tamang salita. Tila naintindihan ito ni Fiero kaya ngumisi ito. "Bukas mo na lang siya kausapin, Love.." Makahulugang hayag ni Fiero sa asawa pero nakatingin kay Lyresh. Namula naman bigla ito dahil sa pagkahiya kay Fiero. "Hmm thanks.." Tanging naisagot niya. Ilan sandali pa nga at dinalhan ni Lyresh si Zyaire ng pagkaen. "Mabuti naman at naisipan mong bumalik!" Agad na salubong sa kanya ni Zyaire. Bakas sa tinig nito ang pagk

