Dumating ang sunod na araw at umaga pa lang bumangon na ako para simulan ang pagpasok ng trabaho. Pagdating ko ng building wala ako sa aking sariling tinahak ang aking opisina. Hindi nawawala sa tabi ko si Fiero simula pa kanina sa sasakyan pero hindi nito ibinuka ang bibig kahit para sa isang salita. Marahil dama din niya kung ano ang nasa kalooban ko. Marahil batid niyang kailangan ko ng katahimikan at mag isang harapin ang sariling kinatatakutan. "Mrs. Torricelli.. I'm so sorry to disturb you but your meeting will start in 30 minutes.." Si Suri ito ang aking assistant. "Sabibin mo cancell ang meeting.." Ikinagulat namin pareho ang pagsingit ng isang pamilyar na boses. Si Zyaire ngayon ay nasa harap ko. "Susunod na ako, Suri.. Ako ang boss mo kaya ako lang ang pakikinggan

