[FIERO] Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko kay Stefano. Ano na lang ang mararamdaman ni Lyresh sa oras na lumabas lahat ng katotohanan. Ang pagkakaroon ni Zyaire ng amnesia, tanging si Luna ang laman ng puso't isipan sa mga oras na ito pagkatapos ngayon naman nakabuntis pa pala siya ng ibang babae? Masaklap si Yanah ito, kilala ni Lyresh at pinakitaan ng maganda. Mabuti na lamang at napakiusapan ko si Stefano na itikom na muna ang kanyang bibig. Isang bagay ang pinagtataka ko kung bakit hindi ito sinabi ni Yanah kay Zyaire noon. Pwede din na alam ito ni Zyaire at marahil pinagbantaan si Yanah. Kapalit ng pananahimik niya ay magandang bahay lupa at trabaho. "s**t KA TALAGA ZYAIRE!!" Singhal ko. Hindi ko alam kung ano ang totoo. Tanging si Zyaire ang nakakaalam non pero wala s

