[NARRATOR] Matagumpay na napigilan ni Fiero ang pagtatagpo ni Lyresh at Zyaire pero hanggang kailan niya kaya ito mahahadlangan? Ang isang tinadhanang mangyari kahit na anong pigil mo rito magaganap at magaganap pa din. [YANAH MORI] Hindi pa din ako makamove on sa sinabi ni Fiero patungkol kay Zyaire. Paano ko pa itatama ang mga mali ko kung hindi ako bibigyan ng tadhana ng pagkakataon. Paano pa kikilalanin ni Zyaire ang kanyang anak na dinadala ko kung wala siyang maalala.. Habang iniisip ang mga bagay na yun hindi naman mawala sa isip ko si Stefano. Uuwi ba siya ngayon o lalayo? Kahit paano natutuwa ako dahil may pag aalala pa din siya para sa akin. Hindi ako nawalan ng bantay. Nagpadala siya ng taong andyan kung sakaling kailanganin ko pero higit na mas kailangan ko

