KINAUMAGAHAN>>> [YANAH POV] Paggising ko nasa tabi ko na si Stefano. Naalala ko ang unang gabi namin. Tama ba tong ginagawa ko?! Tama bang sa kanya ko ipaako ang anak namin ni Zyaire??! Mahimbing siyang natutulog at ngayon ko lang namasdan ng malapitan ang mukha niya. Napakagwapo din talaga ng taong to. Ang amo ng mukha niya. Ang tangos din ng ilong niya gaya ni Zyaire at mapula ang labi. Huminga lang ako ng malalim at akma na sanang babangon. "San ka pupunta?Hmm. Stay here for a while, please...!" malambing na saad nito. Idinantay ang kamay niya saking tyan saka isunubsob ang mukha saking leeg malapit sa balikat. Napalunok ako dahil naramdaman ko ang mainit niyang hininga. Mabuti siyang tao at hindi mahirap mahalin kaya tama lang din siguro ang naging desisyon ko. Mas mabuti

