Akala ko kung anung balak niya. Mali naman pala kaya sumunod na ako. Dahan kong hinubad ang t shirt ko at tinulungan pa niya ako. Nagtama ang mga paningin namin pero sandali lang yun dahil ginaw na ginaw ako. Niyakap niya ako, ikinulong sa mga bisig niya. Ang sarap sa pakiramdam na kasama ko siya ngayon pero tuwing maiisip ko na wala siyang nararamdaman para sakin nasasaktan ako. Hindi ko maiwasan maging mahina. Si Zyaire pa din ang laman ng puso at isip niya at parang nawawalan na ko ng pag asa hindi pa nga nagsisimula ang laban. Hindi ko pa nasusubukan ang lahat. Kahit lamig na lamig ako pilit akong kumawala sa yakap niya, humarap ako at tumingin sa kanya. Nakatingin lang din siya sakin. Nanginginig pa ang palad kong dumampi sa pisngi niya. "Stefano.." sambit niya.. "May sakit

