1 year later
“Congratulation Anak,” aniya ng aking ina sabay yakap sa akin
“Congrats” nakangiting sambit ng aking ama habang ang mata nito ay namumula
Pinakamasayang araw ng buhay ni Ziammel dahil sa kabila ng disappointment na dinulot niya sa kanyang mga magulang ay natupad pa rin niya ang pangako niyang magtatapos ng pag aaral at maging pulis.
Hindi niya maiwasan na makaramdam ng lungkot dahil konting konting araw na lang ay maibibigay na sana niya ang nais na kasal ni Mave kung sakaling nakapag hintay ito ngunit, ano man ang gawin niya ay wala ng pag asa pa at hindi na ‘yon mangyayari pa dahil may pamilya na ito ngayon.
“Hays” aniya sabay isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan.
“Ang lalim n’on ah,” tinig mula sa kanyang likod. Tinig ng taong tapat siyang minamahal na walang hinihinging anumang kapalit.
“H-hindi naman hehe napagod lang.” tipid niyang sagot dahil bigla siyang nakaramdam ng hiya dahil sa kanyang hitsura. Nangitim siya, pumayat ng bahagya at gupit panlalaki.
“Makakabawi ka rin dahil tapos na ang training n’yo at saka bagay naman s’yo walang pagbabago you’re so gorgeous and beautiful.” nakangiting sambit nito at bahagya pang lumitaw ang maputi at pantay pantay nitong mga ngipin.
Wala na siyang maisip na maaaring isagot sa kanyang kaharap kaya bilang sagot ay ngumiti na lamang siya ng matamis at yumakap bilang pasasalamat sa pagliligtas nito sa kahihiyan nung mga panahon na lugmok na lugmok siya sa lungkot at pinanghihinaan ng loob.
Dapat ay nakatakda na silang ikakasal ayon sa kagustuhan ng kanyang mga magulang ngunit hinayaan muna siya ng binata na magawa at matupad ang kanyang pangarap.
“Salamat, Perry” pasasalamat niya na kaagad naman siyang ginantihan ng yakap ng huli.
“Shh wala ‘yon basta para sa’yo.” anito sabay abot sa kanya ng isang pumpon ng bulaklak na nakatago sa likod nito.
“Congrats baby,” muling bati nito at hinalikan ang kanyang ulo
“Salamat ulit”
“Oh tama na ‘yan baka mabigyan niyo kaagad kami ng apo.” masayang sambit ng mga magulang ni Perry sa kanilang dalawa habang sila ay magkayakap
“Oo nga,” segunda naman ng kanyang ina
Napakabait ng mga magulang ng binata. Nakilala ito ni Ziammel n’ong makalabas siya mula sa hospital dahil ipinatawag ito ng kanyang magulang para sa magaganap na kasalan ngunit hindi muna ito natuloy.
“Kailan ang kasal mga anak?” tanong ng ina ng binata
“Soon, mom,” anito sa ina
“Bilisan niyo na.” dagdag pa nito
Tahimik lamang na nakikinig si Ziammel sa usapan ng kanilang mga magulang dahil sa pagkakataong ito ay mukhang hindi na siya makalusot pa.
“Lets go may inihanda kaming konting salo salo bilang selebrasyon.” pag anyaya ng kanyang ama na agad namang sinang-ayunan ng lahat.
Hinawakan ni Perry ang kanyang kamay kaya nagpatianod na lamang siya.
Iginaya siya nito kung saan nakaparada ang sasakyan nito habang ang kanilang mga magulang ay tungo naman sa kani-kanilang mga sasakyan.
“P-perry?” tawag niya sa atensyon nito sa mahinahong tinig
“Yes, baby gutom kana ba?” malambing nitong tanong
“Ah eh hindi pa naman masyado. M-may gusto lang sana akong sabihin sa’yo.” nauutal utal niyang sambit
“Ano ‘yon?” anito
“Ahm pwede bang wag muna tayong magpakasal?” alangan n’yang tanong
“Bakit?” anito at bahagya pa itong natigilan sandali
“Bakit? Nakapag tapos kana. Ano pa ba ang gusto mo?” mahinahon ngunit seryoso ang awra nito habang nasa daan ang atensyon. Hindi kaagad siya nakasagot dahil hindi niya alam kung ano na naman kanyang irarason.
“Bakit? May problema ba?” muling tanong nito at sa pagkakataong iyon ay binalingan siya nito ng nangungusap na mga tingin
“Ah eh hindi pa ako handa, Perry.” aniya sa mahinang tinig
Hindi na ito sumagot pa sa tinuran niya ngunit seryoso naman itong nagmamaneho.
Nakaramdam siya ng awa at konsensya.
“Kung pwede lang sana turuan ang puso bakit hindi kita mamahalin Perry.” piping usal niya sa isip habang nakatingin sa labas ng bintana.
Hanggang makarating sila ay walang naging kibo ang binata.
“May pupuntahan lang ako.” paalam nito ng makarating na sila sa tapat ng kanilang gate
“Hindi ka man lang ba kakain?”
“Hindi na.” anito na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
“Sige mag ingat ka.”
“Salamat.” anito sabay paharurot ng sasakyan. Alam niyang masama ang loob ng lalaki ngunit nais lang niyang magpakatotoo dahil aminin man niya o hindi ay alam niya sa sarili na mahal pa niya ang dating kasintahan na si Mave.
“Oh, Hija asan na si Perry.” tanong ng ginang sa dalaga
“May pupuntahan lang daw po siya.” magalang niyang sagot. Nakita niya itong kinuha ang cellphone sa bulsa sabay pindot.
“Pambihirang bata ‘yon sabi ko naman kasi sa kanya na magfocus na lang sa firm, eh.”
“Perry, anak asan ka ba?” narinig niyang sabi ng ginang sa kausap mula sa kabilang linya.
“Okay. Bilisan mo.”
Umakyat muna siya sa kanyang kwarto para magbihis at bumaba din kaagad ng matapos.
Naririnig niya ang ingay ng kanyang mga magulang sa garden marahil ay nagiinuman na ang mga ito. Naka oversized t-shirt lamang siya at shorts na maikli, nagtungo siya kung saan naroroon ang mga bisita.
“Anak kumain kana sabay na kayo ni Perry.” imporma sa kanya ng kanyang ina sabay turo sa lalaki
“Sige po.” magalang niyang tugon at saglit niyang binalingan ng tingin ang huli. Nakita niya itong tahimik na umiinom kaya napag desisyonan niyang lapitan ito para ayain na kumain.
“Kain na tayo,” nakangiti niyang anyaya rito agad naman itong nag angat ng paningin ngunit seryoso ang awra ng mukha nito.
“Kain na tayo ikukuha na kita ng pagkain bago ka uminom d’yan.” anyaya niya ulit ngunit tanging tango lamang ang sagot nito sa kanya hindi na lamang niya iyon binigyan pa ng pansin dahil alam naman niya ang dahilan kung bakit. Matapos kumuha ng kanin at ulam ay agad siyang bumalik kung saan naroroon ang binata at kumuha na rin siya ng kanilang maiinom.
“Kanin mo pa ba?” tanong niya rito
“No. Sige na kumain kana.”
Matapos nilang kumain ay kaagad siyang umakyat para magpahinga dahil sa loob ng halos isang taon ay nasa tatlo hanggang limang oras lamang ang nagiging tulog niya.
“Akyat na po ako.” paalam niya sa mga magulang nila at dahil ligang liga ito sa kwentuhan ay hindi siya nito napansin. Kaagad siyang hinila ng antok at hindi niya namalayan ang pagtabi ng binata sa kanya.
****
Naalimpungatan si Ziammel dahil sa bisig na yumakap sa kanya sabay lamas ng kanyang dibdib.
“s**t” mura niya sa isip kaya naman kaagad siyang napabalikwas ng bangon.
“Perry naman.” tanging usal niya ngunit nanatili itong nakapikit
“Perry naman, hoy!”
‘Hoy. Gising dahil pag nalaman nina papa at mama na nandito ka, nako!” taranta niyang sambit ngunit walang pakialam ang lalaki dahil niyakap pa siya nito kaya napahiga siya ulit.
“Perry naman, eh.” maktol niya
“Shhh inaantok pa ako, baby.”
“Baka malaman nina papa at mama. Hoy! Gising naman na.”
“Sige pero may gagawin tayo.” hamon nito sa kanya kaya naman mabilis niyang itinikom ang kanyang bibig
“Yakapin mo ko.” utos ‘yon
“Perry naman, eh.” tutol niya sa nais nito
“Ikaw ang yayakap sa akin o ako ang yayakap sayo?”
“Sige ikaw din,” dagdag pa nito kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang sundin ang nais nito. Niyakap niya ito ayon sa gusto nito at hindi nila namalayan na muli silang nakatulog na magkayakap kung hindi pa sila kinatok ng kanyang ina ay hindi pa sila magigising
“Anak, bangon na anong oras na.” tinig mula sa labas ng kanyang kwarto kaya nataranta siya ng marinig iyon.
“s**t!” mahinang mura niya
“Perry gumising kana baka makita ka nila mama.” pukaw niya rito ngunit wala pa rin itong pakialam sa mga pinagsasabi niya at mukhang sinasadya pa nga nito.
“Kainis ka Perry.” irita niyang sambit dito
“Ziammel”
“Anak nariyan pa ang sasakyan ni Perry, andiyan ba siya sa loob?” mahinahong tanong ng kanyang ina
“Ah eh,” hindi malamang sagot niya
“Mama,” tanging usal niya ng binuksan niya ang pinto ng kanyang kwarto
“Nariyan pa ang sasakyan ni Perry, anak wala ba siyang pasok ngayon?”
“Wala po ‘ma,” sagot ng binata sa kanyang ina
“Sige bumaba na kayo dahil kanina pa nakahain ang pagkain.”
“Sige po.” sabay nilang sambit
“Nakakainis ka bakit ba kasi dito ka pa natulog? Ano na lang ang iisipin ng mga magulang ko na ginawa natin, huh?”
“Is that so?”
“Perry naman,” naiiyak niyang sambit ngunit hindi siya nito pinansin at wala itong pag aalinlangan na naghubad sa kanyang harapan kaya kitang kita niya ang p*********i nitong tayong tayo na animoy lalaban sa gera sa sobrang tigas.