Ciara's pov 'KRING! KRING! KRING!' Pareho kaming napalingon ni Hannah sa phone ko nang mag-ring ito habang nasa byahe kami pauwi. "Hello?" Pagsagot ko sa tawag. "Espreeeeeen!" Nalayo ko agad ang cellphone ko mula sa tenga ko nang sumigaw ito, sino ba 'to? "A-ah eh, hi hehe." Nasabi ko na lang, sino ba kasi 'to? "Espren ha, nakakatampo! Nakalimutan mo na ko, 'no? Huh, unamin ka nga?" Tanong pa nito. "G-ganun na nga, sino ba 'to?" Tanong ko, tumingin ako kay Hannah at nakakunot ang noo, tila ba'y nagtatanong kung sino ang kausap ko. Nagkibit balikat na lang ako, dahil hindi ko rin naman kilala kung sino. "I knew it! Hindi mo na nga ko kilala, hmp! It's me, Jennifer ang bestfriend mong maganda, nakakainis ka naman Ara! Kinalimutan mo na ako!" Nanlaki ang mata ko nang tawagan ako nito

