[ Ciara's pov] "TYRON!!!" Bumagal ang lahat at para akong nabingi nang mabalot ng malalakas na putok ng baril ang lugar na ito. Agad kong dinampot ang baril at hindi na nagdalawang isip pa na itinapat ito kay Hannah. "WALANGHIYA KA!!!" BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! Hinabol ko ang hininga ko ng sinimulan ko itong tinadtad ng bala, pero hindi rin ako nakaligtas, dahil ilang beses rin ako nitong pinatamaan. Kahit hinang-hina na ako ay agad akong tumakbo sa kinaroroonan ni Tyron, hindi ko muna ininda ang sakit dahil sa nangyari kay Tyron, kailangan ko siyang makita! "Tyron, Tyron dumilat ka!" Pagpilit ko dito, napahagulgol na lang ako nang maligo ito sa sarili niyang dugo. "T-tyron, lumaban ka! Hindi ito pwede, dumilat ka!" Naiiyak na paggising ko rito at agad siyang

