Ciara's pov Habang prenteng naka-upo at pinagmamasdan ang mga sumasayaw sa gitna, ay hindi ko maiwasang mapangiti. Naalala ko nanaman ang pag-sayaw namin kanina ni Tyron. 'Bakit ba ang gwapo niya kanina?' "Aish!" Asik ko, at binura siya sa isipan ko. 'Bakit ko ba siya iniisip! Mali 'to, mali!' Hindi ako pwede magpadala sa mga galawan niya, kaya nga ako nagpanggangap na may amnesia, dahil gusto ko siyang kalimutan para makaganti, hindi 'yong ganito. 'Nagiging marupok na naman ako.' "Bakit ba kasi ang rupok ko pagdating sa'yo." Nakangusong bulong ko sa sarili. Binalingan ko naman ng tingin si Hannah na hanggang ngayon ay kumakain pa rin. 'Teka, may sasabihin nga pala ako sa kanya.' Ang kaso nagaalinlangan ako, hindi ko alam kung bakit. Bumuntong hininga muna ako bago siya tawagin

