[ Ciara's pov] "HOY!! Hoy! Teka! bata, akin yan! Cellphone ko 'yan, bumalik ka!!" Sigaw ko do'n sa batang nakapulot ng phone ko na ngayon ay tumatakbo na palayo! Wah! Cellphone ko! "Hoooy!" Pagtawag ko at laking pasalamat ko dahil lumingon siya, pero hindi ko inaasahan na madadapa siya dahil sa ginawa niyang paglingon. Hindi ko alam kung matatawa o maawa ba ako, pero hindi naman 'yan mangyayari sa kanya kung hindi niya tinakbo 'yong phone ko! Agad ko namang nilapitan si totoy at inagaw 'yong phone ko. "Mali ang kumuha ng gamit na hindi mo pag-aari, bata. Mali 'yon, okay?" Pangangaral ko dito, pero tinakbuhan lang ako. Pinagpagan ko naman ang phone ko at bumalik na sa kotse, para makauwi na. Dumidilim na rin ang langit, mukhang uulan pa ata. Nag-drive na ako pauwi at ilang minuto la

