Raiza's pov Lumingon lingon muna ako sa paligid para masiguradong walang nakakakita sa akin sa ginagawa ko. Agad akong nagtago sa may halamanan nang pumasok na sa building 'yong lalaking noong isang araw ko pang sinusundan. Sinubukan kong silipin ang tao sa loob at laking gulat ko nang makilala ko kung sino ang mga ito. "Sinasabi na nga ba, ikaw ang may kapakanan ng lahat nang ito." Sambit ko nang makita kung sino ang kausap ng lalaking sumagasa kay Ciara. 'Oo, nakita ko na siya ang gumawa niyon kagabi. Kagagaling niya lang din sa hospital ngayon na sa tingin ko ay si Ciara din ang pakay niya do'n. "Mukhang hindi na mabubuhay 'yon, boss." Natutuwa pang saad no'ng lalaki. 'Ang sama talaga ng ugali niya!' "Asan na siya ngayon?" Tanong ni Soriano habang nakakurba ang ngisi sa labi. G

