Chapter 15

1030 Words
"I missed you Ysa!" Agad niyang niyakap ang kapatid ng magkaharap sila.Nasa isang deluxe suite sila ng hotel resort na iyon. "Me too! How are you, my dear sister?” Tanong nito at pinagmasdan ng tingin ang kanyang mukha.Mataman siyang tinitigan na parang hinahanapan kung may nagbago sa kanya. Nakataas naman ang kilay niya at hinayaan itong sipatin siya. "I can't say I'm good. I don't know what to do." Aniya at kumawala dito. Pabagsak siyang naupo sa sofa. "Tell me." Sabi ni Ysa naupo din ito sa gilid niya. Mukhang atat itong marinig ang kwento niya. "It's Adam! He's making me crazy! He just told me he likes me." Aniya at napasimangot sa isiping ginu goodtime lang siya ng binata. Hindi pa din niya maisip na gugustuhin siya nito, eh housemaid lang siya sa mansion ng mga ito. "Ivanna have you seen yourself in the mirror?" Nakangiting tanong ni Ysa sa kanya. Kunot noong tumingin siya sa kapatid. "Anong klaseng tanong yan?Of course, I did!"nakasimangot pa din niyang sagot at saka humalukipkip. "So? Why are you surprised? You are beautiful, very beautiful! Magugustuhan ka ng kahit sinong lalaki." Buong katotohanan na sabi ni Ysa. Saglit niyang inalisa ang sinabi nito. Pagkatapos ay tumayo siya at lumapit sa lifesize mirror na nakita. Nakipagtitigan sa salamin. Maari ngang physically attracted si Adam sa kanya. Napabuntong hininga na lang si Ivanna ng mapagmasdan ang sariling mukha. "What should I do? Do you think Mr. Mondragon will approve of Adam?" Desperado siyang naupo sa harap ng kapatid.Nasa tinig niya ang pangamba, dahil attracted din siya sa binata. "He's every girl's dream and probably every family in high society wants to have him as their son-in-law. He's a good catch, my dear sister. Your lucky he likes you. For sure Mr. Mondragon will like him also". Mahaba nitong litanya habang nagpalakad lakad sa kanyang harapan. "I will give him a chance?" Her heart stops beating for a while thinking of Adam. "Or you should say, give yourself a chance?" Ganting tanong ni Ysa sa kanya. Napakunot ang kanyang noo sa tanong ng kapatid. "What's the reason why you run away? Hindi ba to look for someone who will love you for who you are? " Pagsagot nito sa sariling tanong.Mataman siyang nakikinig sa kapatid, very attentive sa mga bawat salita na lumalabas sa bibig nito.Tumango tango siya bilang pag sang ayon.After all hindi siya ipapahamak nito. "So, panindigan mo. Let's see kung hanggang saan ang sinasabi niyang pagkagusto niya sa iyo. Kailangan mong patunayan kung seryoso siya sa iyo. You know Mr. Mondragon,siya pa din ang masusunod if you disobey him you should know what to expect.." bantang totoo nito. Nahulog siya sa malalim na pag iisip. Tama si Ysa,kailangan patunayan ni Adam kung kaya nito siyang tanggapin kahit sino siya. Karapat dapat ba niyang suwayin ang ama para dito? "Ganyan naman ang mga lalaki nakakabaliw talaga!" Halatado ang inis sa boses ni Ysa. At dito naman natuon ang kuryusidad niya. Mas mahirap ang ginagawa nitong pag papanggap. "So, Kapitan making you crazy?" Nakataas pa ang kilay na tukso niya sa kapatid. Kilala niya ito bilang panganay. She's in control and very independent. Ang akala niya talaga siya ang itinakda ng mga magulang na maipakasal,kasi sa kanilang dalawa siya ang walang dereksiyon sa buhay.Mag travel at mag waldas ng pera lang ang alam niya. "He's getting into my nerve! Napakasuplado. Ang arte pa! Mapatunayan ko lang talaga na he's gay! I am very happy not to see his face ever again. " gigil nitong sabi, habang nakakuyom ang kamao. "Aminin mo! He's good-looking!" Tukso niya sa kapatid. Lalong nanggigil si Ysa sa narinig. "Oh my God! Tigilan mo ako Ivanna. Kahit gaano siya ka gwapo kung kapwa niya din lalaki ang type nya.No way!" Pakiramdam ni Ysa tumayo ang lahat ng balahibo niya sa katawan. Thinking she will get married sa lalaki na iyon at lalaki ang ipagpapalit sa kanya. She will be ruined! "No way! No way!" Halos sabunutan pa niya ang ulo sa naisip. "Why are you acting as if it's confirmed his gender preference?" Gusto nang bumunghalit ng tawa ni Ivanna sa matinding stressed na nakikita sa kapatid. "Yes, he is! He thought I'm a man and yet he kissed me!? Ano sa palagay mo siya?" Ysa's face turned red. For the anger or for the thinking that his lips touch hers! Or disappointed? "What? Oh my God!" Bulalas ni Ivanna sa narinig. "Yes, and I almost slap him so hard to come to his senses." Pabalik balik ito sa kanyang harapan habang ikinekwento ang nangyari. "But then I realize I am Uno to him. He's driver. Pag sinampal ko siya baka ako ang isipin niyang bakla." Pagpapatuloy nito sa kwento. Hindi napigilan ni Ivanna ang mapahalakhak sa narinig. "What's so funny? Can't you see how frustrating it is to me?" Tumirik pa ang mga mata nito sa inis. Ivanna can't help but burst into laughter. "Okay fine, laugh your heart out." Naiinis pa din na sabi ni Ysa dito. "I'm sorry, Ysa. I can't help it! Maybe disappointed ka lang kasi he's your ideal man. It just so happens he's not a man but a gay?" Nakangiti na patuloy na pang aasar ni Ivanna sa kapatid. "No! He's not my type!" Todo tanggi ni Ysa. "Are you sure? Bakit masyado kang affected na hinalikan ka niya?" Panunukat nito sa kapatid. "Because...amm.! Ahh. I hate him! Nanggigil talaga ako sa kanya." Sigaw ni Ysa. Lalo naman natawa si Ivanna. "You can still feel his lips? Ahem, he gave you a sleepless night? Haha, you might fall in love with this gay future husband of yours." Panunukso pa niya sa kapatid na sinamaan na siya ng tingin. "Asarin mo pa ako Ivanna, I will tell daddy what's your doing behind his back." Pananakot nito sa kapatid para tigilan na nito ang pang aasar sa kanya. "Okay, I'll stop!" Pagsuko ni Ivanna at itinaas pa ang mga kamay. "I'm sorry." Sincere nitong sabi sa kapatid. Nagkatinginan silang dalawa. Without a word they embrace. Hoping na mabawasan ang agam agam sa puso. Tama ba ang kanilang ginagawa just to have a happy married life?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD