"Wow!"hindi mapigilan na bulalas ni Ivanna ng humantong sila sa villa na nasa mataas na bahagi ng Calamba laguna. Mula sa itaas nakikita niya ang siyudad.
Nasa harap ng bahay ang isang malawak na pool. Tumingala siya sa bahay na literal na puro salamin.
"Ang ganda dito. Ang sarap pa nang hangin." Sabi nito at pumikit habang sinisinghot ang sariwang hangin.
"Hindi pa polluted ang lugar na ito. Come, let's go inside!" Yaya niya sa dalaga. At sumunod naman ito papasok sa loob ng bahay.
Kung gaano ka kaganda sa labas wala din siya masabi sa loob ng bahay. Kakitaan ng karangyaan ang bawat kasangkapan.
"Every piece speaks dollar bill!" Mahina niyang komento, she is sure that all of them are imported abroad.
"Come here!" Tawag ni Adam na nasa ikalawang palapag na nang bahay. Nagmamadali siyang umakyat.
"Sir?" Nakatapat siya sa nakabukas na kwarto nito.
"Ilagay mo ang papeles na yan dito." Utos nito sa mga papel na nasa drawer.
"Wala kayong secretary Sir?"hindi niya napigilan na tanong. Aba last time she checks housemaid siya ah!
"Meron,pero me emergency siya kaya hindi siya pwede ngayon. I have a very important client to meet here. Since this is my favorite place. I want to spend my weekend here. Dinala kita dito para may mag luto para sa akin at mag asikaso. " mahaba nitong paliwanag na hindi tumitingin sa kanya.
"Get's ko Sir!" Sabi niya dito at alanganing ngumiti.
"Okay na?"tanong nito. Tumango naman siya.
"So,pwede ka na lumabas." Sabi nito,lumapit ito at sinilip ang mga papeles na pinalagay nito sa attache case.
"Okay sir!"napakadali naman niyang kausap. Muli siyang bumaba at nagtuloy sa sala. Naupo siya sa mahabang sofa. Dahil sa salamin na dingding ng bahay,kita niya sa labas ang magandang landscape ng garden.
"Walang magluto sa kanya? Eh mukha naman alaga ang lahat,kahit mga appliances wala man lang alikabok?" Nagtataka niyang tanong.
"Whatever!"balewala niyang sabi at sumandal sa sofa at kinuha ang isang throw pillow at niyakap.
"Tsk! Mapasandal,tulog?" Napapailing na bulong ni Adam. Nang pagbaba niya ay nakita na nakatulog na ang dalaga na yakap yakap ang throw pillow.
"Paano kang naging katulong?" Hindi niya makapaniwalang tanong sa sarili.
Malakas siyang tumikhim,pero wala pa din reaction ang dalaga. Niyugyog niya ang binti nito gamit ang kanyang binti.
Nagmulat ng mga mata ang dalaga. Nang makita siya ngumiti ito na parang nahuli na may ginawang kasalanan. Ang kamay na nakahawak sa unan ay itinaas at nag peace sign.
"Napagod sa byahe sir!" Sabi pa nito na nakangiti pa din habang nakatingala sa kanya.
"Palusot ka pa antukin ka talaga! I will meet my client. Maiwan muna kita dito, help yourself. Ikaw na ang bahala. I won't be long." Sunod sunod nitong sabi at agad na nag about-face. Naiwan siyang nakatanga.
"May kakaiba sa amo kong iyon?" Bulong ni Ivanna habang sinusundan ang lalaki na naka formal attire at bitbit ang attache case na palabas ng bahay.
Pag alis nang lalaki,naglibot siya sa buong bahay. Hanggang maghapunan na at nagtungo siya sa kusina.
Napataas ang kanyang kilay ng makita na may laman ang fridge at the freezer. Nagluto siya ng para sa hapunan.
Tiningnan niya ang wall clock alas syete na ng gabi. Nagtungo siya sa minibar. At isa isang ininspeksyon ang mga alak.
"Hmm, I like you a lot!"nakangiti niyang sabi at kinuha ang mamahaling alak.
Binuksan niya ang TV at nanood. Hindi na niya napansin ang oras.
Nang makaramdam ng pagkabagot,lumabas siya sa poolside. Hinubad ang damit, tanging panty at bra lang ang itinira. Nagbabad siya sa tubig. Para siyang na relieve ng maramdaman ang tubig. Nag init ang kanyang pakiramdam dahil sa nainom.
"Ivanna!"tawag ni Adam nang pagpasok niya sa living area ay makita ang mamahaling alak na kalahati na lang ang natira.
Umakyat siya sa itaas ng bahay pero ang kwarto lang niya ang bukas ang iba pang silid ay naka lock. Nagtungo siya sa veranda na tanaw ang swimming pool.
Nawalan ng kulay ang kanyang mukha nang makita na nakalutang sa gitna ng pool ang dalaga. Hindi niya alam kung gaano niya kabilis nakarating sa ibaba at nag dive sa pool.
Bigla naman lumubog si Ivanna ng may maramdaman na tumalon. Pero agad din siyang umangat ng hawakan ni Adam ang kanyang katawan.
Marahil sa epekto ng alak hindi siya masyado naka react. Nang itaas siya sa gilid ng pool,bahagya siyang gumulong pataob.
"Ivanna!"tawag ni Adam at itinihaya siya nito. Naniningkit ang mga mata na tiningnan niya ito. Suot pa din nito ang damit kanina marahil kadarating lang nito.
" Sir bakit kayo tumalon?"aniya na sinipat ito complete outfit ito including leather shoes. Umayos siya ng upo,ang kanyang binti ay ibinaba sa pool.
Napasalampak naman si Adam at parang inis na inis.
"Akala ko dahil sa kalasingan mo nahulog ka at nalunod na dito sa swimming pool!" Hindi pa din normal ang hinga nito.At matalim ang tingin sa kanya.
"Nag floating lang sir.Pasensya na pinakialaman ko ang alak ninyo pati na swimming pool." Sabi niya,nawala ang kanyang lasing dahil sa lamig ng tubig.
"Alam mo ba magkano yon?" Tanong nito,nilingon niya ito at umiling siya.
"Ilista mo lang Sir,makakabayad din ako."
Hindi niya inasahan ang sumunod nitong ginawa. Hinawakan nito ang kanyang mukha at hinalikan siya sa labi.
Para siyang tinamaan ng kidlat ng maglapat ang kanilang labi. Parang tumigil ang kanyang mundo.
Lumalim ang halik nito,hindi niya alam kung paanong napasunod nito at gayahin ang bawat galaw nito. It was her first kiss. At ganito pala iyon, mas nakakalasing pa kesa sa alak!
Pareho nilang habol ang hininga ng maghiwalay ang kanilang mga labi.
"Bayad ka na."nakangiting sabi ni Adam at iniwan siyang nakatulala.