Ako ang huli na in-interview ng Managing Director and I am more nervous now dahil ito na ang final assessment. Yong mga nauna sa akin, may lumabas na umiiyak na, yong iba masaya dahil hired sila pero iilan lang ‘yon. Kung bakit naman kasi ako pa ang huli, nadagdagan tuloy ang kaba ko at sana naman hindi masungit ang Managing Director. Siya pala ang half brother ni Griffin and I am hoping that he would be fair with me lalo na ay may mataas na pangalan na nakakabit sa akin. ‘Yon ay kung alam niya kung sino talaga ako. Pinagsalikop ko ang aking mga kamay at bahagya p akong nagulat nang tawagin na ang aking pangalan. Tumayo ako at lumakad papunta sa kanyang office. Kumatok ako sa pinto, binuksan ito at pumasok na ako. Natigilan ako nang makita ang isang malaki na lalake na nakaupo sa kanyang

