Nakarinig ako ng tunog mula sa waterfalls, lumingon ako at nakita ko nga ang parehong waterfalls na pinagdalhan sa akin ni Arthur nang mag-hiking kami. It was like I remember before, a beautiful place like a paradise, and I am wondering kung bakit nandito ako ngayon. Nasa farm ako ah, bakit ako nandito? Lumakad ako palapit sa falls at natigilan ako nang may familiar figure na kilalang-kilala ko na lumalangoy sa tubig nito. Napangiti ako at tinawag ko siya ng ilang beses. Tumigil naman siya sa paglangoy tapos ay lumingon siya sa akin. Muntik na akong mapaluha nang makita ko ang kanyang mukha. Umahon siya sa tubig at mabilis siyang lumapit sa akin. Agad ko siyang niyakap at pinupog ko ng halik ang kanyang mukha sanhi ng kanyang pagtawa. “Baby, nagbalik ka na…” tuwa niyang sabi sa akin. Tul

