SPECIAL CHAPTER I

2027 Words

France Point Of View Napagpasyahan naming labing-lima na mag outing sa katabing isla ng Forbidden Forest sa Batangas. Dumaan pa kami sa mall para mamili ng bagong damit. Simula kasi nang umuwi kami rito sa Pilipinas ay hindi na kami nagdala ng gamit. Dahil babalik pa rin kami agad sa Japan para ayusin ang mga papel na kakailanganin namin once na pumasok na kami ng Kolehiyo. "Ano yang binili mo, Cross?" takang tanong ni Ark rito. "Eto?" pinakita niya naman ang sandamakmak na flavor ng waffles na binili niya. Napasapo ng noo si Ark sa nakita. "Nasaan ang mga gagamitin mo? Wala kang biniling damit o shorts?" dugtong pa nito. Hindi naman siya pinansin ni Cross at nagsimula ng kumain ng Belgian waffles. Hinabol ito ni Ark. "Loko, anong susuotin mo? hubad ka?" napapangiwi nitong untag. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD