Kausap ko ngayon si Zeke, nandito kami sa bench. Hindi ko alam kung bakit kinakausap na ko ng mga yun.
Baka mamaya kuyugin nalang ako ng chikababes ng mga to e. Jusko! Palagi nalang nga akong pinag iinitan e.
"Life is not unfair. Sadyang hindi lang tayo marunong makuntento sa kung anong meron tayo. Hindi rin tayo marunong maghintay kaya lagi tayong nadidismaya."aniya. Maprinsipyo talaga tong si Zeke. Kahanga hanga ang sense of humor niya mag isip.
Tipong sa whole society siya natingin hindi lang sa part ng society.
Bandang alas tres nanood ako ng practice nila. At gaya ng nauna nilang mga laro. Mas lalo pa silang gumagaling. Marami kaming nanonood kahit practice game palang. Grabe kasi talaga ang tikas ng mga ito.
Maraming nababaliw.
Kasama na ako. Charot!
Lumipas pa ang ilang araw na halos mga mokong na ang nakakasama at nakakausap ko. Minsan na din nila kong niyaya mag foodtrip at magmovie marathon masaya silang kasama. Si Aikee lang naman lagi kong kaaway sakanila. Abnormal eh!
Monday morning nang mabalitaan ko na may namatay nanaman. Natagpuan ito sa room ng Grade 9..
Maraming nakiusyoso. Kabilang na kami nila Jara at Shee.
"Grabe! Nakakatakot. Luwa ang mata nung namatay."ani Jara. Halata mo naman kay Shee ang takot.
Nagsisimula na pala ang show down ng mga mokong. Nagsasalita na si Aikee.
"Nagsimula ang lahat sa class recitation.. Aya Misaki is a bully victim since Grade 7. Ngayong Grade 9 na sila ay ganoon pa din ang nararanasan nito. Her teacher, Lucy Aure ay ang pinaka pasimuno ng pambubully sakanya ngayong Grade 9. Bukod sa solo lagi si Aya kapag may class activity, assignment o project kahit by group o partner. Lagi din itong pinapahiya dahil sa pagiging mahina at tahimik."mahabang litanya ni Aikee. Habang nakamasid sa mga suspects.
Buong section ang salarin at ang guro ni Aya. Bakas ang pagiging iritable sa kilos at muka ni Aikee.
"There's a game called 'f**k, Marry, Kiss, Kill' na nagsilbing Class Recitation na pinagawa ni Miss. Lucy. How ironic right? Since halos lahat galit kay Aya, napagtulungan siya. At ang nakuha niya sa palabunutan ay ang kapirasong papel na may nakasulat na "KILL" this game is not a joke or no ordinary dahil literal na kill sa pamamagitan ng pag papainom ng juice na may halong zonrox ang pinainom."napatiim bagang si Aikee sa sobrang inis.
"No! Hindi yan totoo! Wala kang p-pruweba!"galit na galit na sambit ng nasasakdal. Grabe ang kapal lang ng muka niya! Sayang ang ganda niya! Ang sama sama pala niya! Hindi siya karapat dapat maging teacher.
Pinagbabato tuloy siya ng mga estudyante.
"Stop."malamig na usal ni Cloud. Tumigil naman agad ang mga nambabato.
"The worst part. Alam niyo kung ano? Lahat ng students even the teacher use a drug. Kaya wala sila sa sariling wisyo. Kaya hindi sila nahirapang gawin ang krimen."anito saka sinenyasan si Xavier na ipakita ang ebidensya. Pagdating kasi sa chemical magaling si Xavier dahil hilig niya ang Science.
Pinagbabato nanaman tuloy siya ng mga estudyante. Jusko! Halos sampal sampalin pa siya ng pinsan ni Aya.
"Ang bait bait ng pinsan ko! Hayop ka! H-HAYOP ka talaga!"gigil na pinagsasabunutan ni Yumiko ang adik na teacher. Inawat naman siya nila Ziegler.
Susmaryosep. Pero grabe naman kasi talaga. Hindi makatarungan. Kaya inis na inis ako sa mga bully e. Bakit pa kasi sila nangtitrip? Bakit di nalang sarili nila pagtripan nila. Yung mga inosente at mababait pa talaga. Usong uso to e. Kahit na may Anti-Bullying hindi nawawala dahil minsan mismong teacher nangbubully. Sana lang matigil na kasi masyado ng maraming namamatay dahil sa bullying. Kahit saang lupalop ng mundo.
"Case Closed."iritang sambit ni Aikee. Sila Cross na ang nakipag usap sa mga pulis.
Pinagkakaguluhan nanaman ang Section B. Harap harapan na silang inaadmired ng mga estudyante ng Spring High.
ATTENTION!
Proceed to gymnasium for further announcement.
Narinig ko nanaman ang lintek na announcement. Napapadalas ata.
Pagdating ko sa gym. Kumpleto na ang Student Council na nakaupo sa stage.
Nagmuka silang Elite. Agaw pansin talaga ang muka ng mga mokong.
Napatingin ako kay Aikee na kunot na kunot ang noo. Nang mapansing nakatingin ako nawala ang kulubot sa noo. Tapos biglang umirap sabay ngisi. Ang sexy magsungit! Kagigil!
Maya maya pa tumayo na siya nang mapansing marami ng estudyante.
"Magkakaroon tayo ng Acquaintance party. This party are welcome from in and outsider. Every one are allowed to invite who the f**k you want to be with. Make sure na hindi kriminal ang dadalhin niyo dito. I want to enjoy the party. Every class have a project that will given by your respective adviser. Magkakaroon ng mga booth depende sa theme ng section niyo. That's all. Adios!"nang irap pa bago tumalikod. Nagsitayuan na ang iba pa.
Yun yung napag usapan nila siguro. Alangang siya lang magdecide.
Kumain nalang ako ng ice cream, medyo mainit ngayon. Climate change.
"pwede makiupo?"napaangat ang tingin ko at nandoon si Jake.
"Bawal."seryoso kong sabi. Aalis na sana siya pero pinigilan ko.
"To naman. Di na mabiro. Sige upo kana. Wala din kasi akong kasama."nakangiti kong sabi. Tumawa naman siya. Baliw.
Then maya maya pa dumating na ang mga mokong kaya ang nangyari sama sama kami.
"Nagdedate ba kayo?"asar ni Ark. Umiling lang kami ni Jake.
"Weh?"
"Hindi nga. Ang kulit mo!"asar kong turan. Nagtaas naman to ng kamay. Saka sabing "Chill lang..di ako lalaban!"natatawa nitong sagot.
Inirapan ko nga.
"wag ganon, France. Sinasaktan mo naman heart ko."madramang saad ni Rosh. Sinapak ko nga. Humalakhak naman siya. Siya na may sexy laugh. Kainis.
Kumain kami ng pizza tapos nagkayayaan magjousting.
Yeah right. Marunong kami maglaro nun. Yung parang sa Knight. Kapag natamaan ka may katumbas na puntos.
Nung sumunod na araw ang napagtripan namin ay pangangabayo. Sa dulong bahagi ng Academy. May burol kasi sa likod ng Spring High. Maganda dun mangabayo. Medyo Park Forest style. May windmills pa.
Tapos nun nag shooting kami. Tinuruan nila kong humawak ng baril at bumaril. Pati nga Archery, si Aelon, Rosh at Ark magaling sa Archery. The rest sa pagbaril sila magaling.
Even martial arts tinuruan nila ko. Nakakatuwa silang kasama. Tinuturing nila kong Prinsesa kaya minsan di rin nila sinseryoso yung martial arts. Pero sinasabi kong wag sila maging mabait kaya ayun. Hanggang sa gumaling ako.
Si Aikee lagi kong kaaway. Sila Rosh, Ark at Ashton naman lagi kong kaasaran. Mga abnormal kasi talaga. May mga sapak. Si Chester naman laging seryoso kaya bihira lang biruin yun e ang pikon kasi. Ang manyak pa. Baluga.
Si Xander at Xavier ang gwapo talaga nila. Si Xander na maginoo at medyo madaldal pero sakin lang ah. Si Xavier na minsan masungit, minsan caring, napaka tipid magsalita. Moody din.
Halos nasasanay na nga ako sa kanila e. Ikaw ba naman lagi mo kasama. Kulang nalang magkapalit na kayo ng muka.
Yun nga lang. Marami ang nakakapansin. Madalas binubully na din ako. Pero lagi naman akong pinagtatanggol ni Ziegler at ng kahit sino sakanila. Si Aikee lang talaga walang pake. Kasama ng ugali e.
"Tara na. Nagluto si Cloud."masayang sambit ni Ziegler. Tumango ako at sumabay na sakanila papuntang dorm din ni Zeke. Layo layo sila ng dorm e. Para wala daw invasion ng privacy.
Weh? E araw araw na nga silang magkakasama. Wala pa bang invasion ng privacy yun.
Those eyes can capture a million heart. Even the prey inside the ball game.
Lahat sila magaling maglaro walang palya yun. Lahat sila hindi pang ordinaryo ang kakayahan pero hindi imposible 'yon.
Kasi may mga tao talagang katulad nila. At sila ang halimbawa nun.
Kung siguro open ang academy. Tipong pwedeng pwede silang lumabas hindi lang sa loob marami silang taga hanga. Sa labas nga na kahit dito lang sa Japan kilalang kilala na sila.
Sino bang hindi makakakilala sa mga yun?
Ang lakas ng karakas.
"baka malunod. Ang lalim ng iniisip mo."napalingon ako ng marinig ang boses niya.
"himala ata di ka inaantok. Si Cloud na ba ang pumalit sayo?"ngayon kasi nandoon si Cloud sa paborito niyang pwesto dito sa garden. Natutulog.
"Hindi ko alam. Kapag nakikita kita hindi ako nakakaramdam ng antok. Mas gusto kong kausap ka."natameme ako sa biglaang sabi ni Cross.
Minsan pala straight forward ang isang ito. Nakakatakot. Di ko tuloy alam kung anong sasabihin ko.
"Curiosity kills a handsome cat, but why would you transfer here?"takang tanong nito. Umakyat siya sa puno at naupo sa sanga. Pinagmasdan ko lang siya.
"Sikat kasi ang Spring High atsaka high standard ang tinuturo. Hindi naman sa maraming sikat na school dito pero mas gusto ko talaga dito sa Spring High. Saka dito na rin lumipat pamilya ko."mahaba kong litanya. Tumango nalang siya.
Sinubukan kong magtanong about sakanya pero wala akong nakuhang sagot.
Sabi ko nga, ang alam lang namin ay pagiging matalino, talented at detective nila nothing more nothing less. For safety siguro. O sadyang ayaw lang nilang ipaalam.
There's a different point of view of our life..
Alam mo kung ano?
Ang panatilihing sikreto ang identity mo. Para sa sarili mong kapakanan.
O ang maging open book sa lahat na lagi kang pinapakielaman..
Siguro mas nakakasakal yung alam na ng lahat ang tungkol sayo tipong kilalang kilala kana nila. Hindi na yun exciting at the same time hindi maganda.
"Kung magkakaroon ako ng pagkakataong pumili ng taong gusto kong makasama habang buhay..pwede bang piliin kita?"halos madulas ako sa pagkakaupo sa sobrang gulat kay Xavier. Nandito kasi ako sa school playground nakaupo sa swing.
"let me.."tinulak niya yung swing ko. Hinayaan ko lang.
"Maraming babae sa mundo, pero sinong mag aakala na ikaw pa yung magugustuhan ko?"aniya habang nakatingin sa kalangitan.
Hindi ko alam pero, alam kong hindi imposibleng magustuhan ako ng kahit na sino. We've been there doing that.
Saka si Xavier ang pinaka bestfriend ko sakanila. He always care for me kahit na sobrang sungit niya.
"Careful, ako na ang magdadala. Ang liit liit mo tapos ganyan karaming libro dala mo. Tsk." minsan nakasalubong ko siya sa hallway ng andami kong dala dala napagalitan pa nga ako. Hays.
"Sa susunod mag iingat ka. Lalo na kung dadaan ka dito. Baka mapano ka. Wala pa naman ako lagi sa tabi mo." nung dumaan ako sa likod ng building ng Section F para maghanap ng halamang gamot sa Forest park muntik na kong pagtulungan ng mga prodigy na nandon. Buti nalang nagroronda sila ni Ziegler.
"C'mon..kumain kana. Anong oras na." may mga oras na ayaw kong kumain dahil busog pa ako. Sadyang mapilit siya.
"Saan kaba nagpupunta? Hindi mo ba alam na halos malibot ko na ang buong Spring High. Just to find you?" nung isang beses pa nakatulog ako sa locker room dahil sa pagod sa PE ayun siya binuhat ako at nung magising ako nasa dorm ko na ko. Pinapagalitan niya. :3
"Mag isip ka nga. Para malaman mong iniisip kita. Kainis. Tss." nung muntik na kong madulas sa hagdan dahil busy ako sa kababasa ng mga post sa f*******:. Hinigit niya ko sa damit kaya hindi ako nahulog.
"matulog kana. Ayokong napupuyat ka."kapag naman magkatext kami ganyan lagi niyang sinasabi. Siya na nagsilbi kong alarm clock.
Madalas masaya kami pareho. Lagi ba naman akong pinagtatawanan kapag nagiging engot ako.. Tsk!
"kung nagkataon lang siguro na noon pa kita nakilala. Matagal na kong in love sayo. "hindi ako nakapag react sa sinabi ni Rosh. Humalakhak nanaman siya ng mapansing tameme ako.
Tapos kinulit niya nalang ako ng kinulit. Tapos kapag naiirita na ko tawa siya ng tawa. Abnormal.
"wag kana dyan kay Rosh, baka mahawahan ka pa niya."si Ark naman ngayon ang tawa ng tawa.
"Tara, pwede mo ba kong tulungang magligpit? Niaaway nanaman nila ko, Prinsesa.."paawa effect ni Ark. Tawa naman ako ng tawa kasi muka siyang paslit na laging binubully ng kalaro.
"Tumigil ka nga, hindi ka naman inaaway parang pinagliligpit ka lang."masungit na sambit ni Jake. Minsan lang siya magsungit ha. Nakakatawa siya. Ang kulit magsungit e.
"Tingnan mo oh. Niaaway ako."sabay kapit sa braso ko. Sinamaan ko naman ng tingin si Jake.
Napangiwi naman siya. Naglakad na kami ni Ark papuntang kusina para magligpit.
"Who told you to make our Princess, wash that dishes? Diba ikaw lang?"halos mapapitlag kami pareho sa gulat nang may magsalita mula sa likod. Nandoon si Cloud na seryosong nakatingin samin.
Naawa naman ako kay Ark parang iiyak na siya. Hahaha. Seryoso paiyak na siya. Ang cute lang.
"Wag mo namang pagalitan, Cloud. Kawawa naman si Ark oh. Andami daming nililigpitan."katwiran ko. Nag iwas naman to ng tingin at muling nagsalita.
"why? Kami din naman nagliligpit pero di mo kami tinutulungan."hindi ko narinig yung huli niyang sinabi dahil parang binubulong niya nalang yun.
"Bakit by schedule kaya yan!"iritableng saad ni Aikee. Tapos na pala siyang lambingin si Meteor.
"Kahit na."
Pareho silang nag walk out ni Cloud. Mukang nagtatampo. Kaya naman nakaisip ako ng pampalubag loob.
Nagluto ako ng curry nung dinner. Chicken Curry Ala France Style..paborito ni Aikee ang curry.
Tapos mahilig sa matamis si Cloud kaya ginawan ko siya ng Chocolate Cake.
At tuwang tuwa ang mga mokong nang matikman. Nahili pa sila Ashton..
"kapag ba hindi na ko nambabae pwede na kita lambingin?"halos maibuga ko yung iniinom kong kape sa gulat sa lumalabas sa bibig ni Ashton.
"Baliw kaba?"napasimangot naman siya.
"tulungan na kita.."ani Lance, tumango ako kasi hindi ko kaya mag ayos ng mga files ni Ma'am Jessa. Ang dami kasi.
"Kapag kailangan mo ng tulong wag kang mahiya sakin ah. Kapalan mo muka mo."natawa ako sa sinabi niya. Langya talaga. Ewan ko pero napangiti ko siya dahil sa tawa ko.
"Lagi kang ngingiti at tatawa ah. Bagay kasi sayo. Lalo kang gumaganda..
sa paningin ko."nginitian ko nalang siya.
"gusto mo? I don't want to share pero kung sayo ko naman ibabahagi. Ayos lang.."ani Xander.. Nandito kami sa tree house na ginawa niya. Inabutan niya ko ng mansanas na agad ko namang tinanggap.
Nagkuwentuhan lang kami. At masasabi kong ang sarap niyang kasama.
"France, gabi na ah. Bakit nandito kapa sa labas? Delikado na ngayon. Lika hahatid na kita sa room mo."ani Chester na tinanguan ko nalang.
"Wait lang, Camille. Hahatid ko lang si France.."inirapan naman siya nung Camille. Abno! Yung Camille iniwang mag isa. Ako yung hinatid. Siraulo! Kasasabi niya lang na delikado e.
"next time wag ka lalabas mag isa tawagan mo kami."aniya bago tuluyang umalis.
"don't force yourself. You'll get hurt.."bilin ni Zeke, sinusubukan ko kasing patamaan yung balloons na nasa puno ng palaso. Kaya lang nanakit na ang kamay ko.
Nagulat ako ng hawakan niya yung kamay ko at siya ang nagbigay ng pwersa para matamaan yung lobo. Then I hit it!
"Wow!"mangha kong sabi ng nakangiti. Napangiti din siya.