Tumunog ang phone ko.
Napasinghap ako nang makita kung sino ang tumatawag—Yaya Bel.
Agad ko itong sinagot, kahit habol pa ang hininga ko. Naka-loudspeaker na kasi.
“Gia, nasaan ka na ba? Hinahanap ka na ni Sir Ramiro. Kanina pa s’ya nagtatanong.”
Napakurap ako, napatitig sa kisame. Tangina. Reality check. Bigla akong natauhan.
Narinig ni Calix ang boses ni Yaya, at agad siyang napatigil sa ginagawa niya. Nasa pagitan pa siya ng mga hita ko, but now his eyes looked at me with quiet concern.
Hindi siya nagsalita. Tumayo lang siya, kinuha ang panty at dress ko, at isa-isang isinuot iyon sa akin.
Tahimik lang kami habang binibihisan niya ako, pero ramdam ko ang bigat ng atmosphere.
Wala siyang reklamo, walang tanong. He just… helped me dress like it was the most natural thing to do.
Pagkatapos, inayos niya ang buhok ko, tapos hinawakan ang pisngi ko.
“Gamitin natin ‘yung kotse mo,” sabi niya, kalmado ang boses. “Ako magda-drive. Ihahatid na kita.”
Tumango lang ako, pero hindi ko na napigilang mapaluha nang bahagya habang nakatingin sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko. “Hey… don’t cry.”
Pagkarating namin sa tapat ng bahay, akala ko hanggang dito lang si Calix.
“Thank you sa paghatid,” bulong ko, sabay hawak sa kamay niya.
Pero laking gulat ko nang bigla siyang lumabas din ng sasakyan at isinara ang pinto sa likod ko.
“Calix?” gulat kong tanong.
“I’m walking you in,” mahinang sabi niya. “Hindi ako mapapanatag hangga’t di ako sure na okay ka.”
Wala na akong nasabi. Pinilit kong itago ang kaba sa dibdib ko habang sabay kaming pumasok sa mansion.
Pagbukas ng pinto, agad kaming sinalubong ni Yaya Bel. "Nandiyan si Sir Ramiro sa grand sala, Gia," bulong niya.
Napalunok ako. Nasa loob si Papa.
Nilingon ko si Calix—relax ang mukha pero alam kong alerto siya. Pinisil ko ang kamay niya habang papasok kami sa sala.
At ayun si Papa. Nakaupo sa pinakamalaking couch, nakasandal, at may hawak na baso ng whiskey. Nakatingin lang siya sa amin.
Tahimik ang buong paligid, parang mabigat ang hangin.
“Pa…” mahinang bungad ko. “Gusto ko lang ipakilala… si Calix.”
Hindi ko sinabing buong pangalan niya. Ni hindi ko rin binanggit kung sino siya o kung anong meron sa amin. Simple lang.
Tumango si Papa, pero nanatiling walang emosyon ang mukha niya. “You’re late.”
“I know po,” sagot ko. “Nagkita lang po kami sandali ni Calix bago ako umuwi.”
Then tumingin si Papa sa mga bodyguards niya—kay Elmer at Rico. Isang tingin lang, tumango ang dalawa at umalis sa tabi niya.
“Sa office na lang tayo, Gia,” mahinang utos niya.
Nagkatinginan kami ni Calix bago kami sumunod sa private office ni Papa sa loob ng bahay. Tahimik kaming pumasok—ang mga yabag naming parang masyadong maingay sa sobrang katahimikan ng paligid.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ni Papa. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.
Pero sigurado ako sa isang bagay.
Hindi ko na kayang itago si Calix sa mundo ko.
Pinaupo kaming dalawa ni Papa sa leather chairs sa tapat ng office table niya. Tahimik lang si Calix habang naupo ako sa tabi niya. Samantalang si Papa ay naupo sa swivel chair niya sa likod ng mesa—malaki, solid wood, at intimidating na parang laging may board meeting.
“Anong pangalan mo, iho?” tanong ni Papa habang nakatitig kay Calix, parehong seryoso ang mga mata.
“Calix po. Calix Emmanuel,” sagot ni Calix, mahinahon pero firm ang boses. “I run the Davao branch of Rivaxon Automotive.”
Tumango lang si Papa. “So... sino ka sa anak ko?”
Biglang humigpit ang hawak ko sa palad ni Calix. Para akong hindi makahinga habang hinihintay ang isasagot niya. Pero si Calix? Kalma lang. Walang alinlangan. Tumingin siya diretso kay Papa.
“Mahal ko po si Gia,” diretsong sagot niya. “And I intend to be someone permanent in her life.”
Napatingin ako sa kanya. Hindi ko akalain na sasabihin niya 'yon—lalo na sa harap ni Papa. Pero si Calix, magaling talaga magsalita. Hindi siya nauutal. Hindi siya natitinag. Yung boses niya buo, may respeto, pero may conviction.
Tahimik si Papa. Ilang segundong parang walang gustong magsalita sa aming tatlo. Tapos tumikhim siya.
“Hmph. You’re young. And my daughter still has a future to build. You’re aware of that, right?”
“Yes, Sir. That’s why I’m not standing in the way of her dreams. I support everything she wants to do. I only want to be beside her while she chases them.”
Napayuko ako. Hindi ko mapigilan ang ngiti. Ramdam ko ang kabang hindi ko mailarawan, pero sa gitna nun, may kakaibang sense of pride—sa sarili ko, at lalo na kay Calix.
Hindi ko alam kung tanggap na siya ni Papa.
Pero at least ngayon, alam na niya.
I felt Calix slightly squeeze my hand under the table. Huminga siya nang malalim bago sumagot.
Sumunod pa ang ilang tanong. About sa family, sa negosyo, sa plano sa buhay. Sinagot naman lahat ni Calix nang maayos. Kaya habang tumatagal, mas lalo akong napapahanga sa kanya. Kahit ramdam kong hindi friendly si Papa, hindi siya natinag.
Pero pagkatapos ng lahat ng tanong, biglang tumahimik si Papa.
Nagtagal ‘yung katahimikan.
Then finally—
“I don’t like you for my daughter.”
Napakagat ako sa labi. Tinignan ko agad si Calix, pero steady pa rin siya. Walang galit, walang gulat—parang inaasahan na niya.
“You know why?” tanong ni Papa, this time mas malamig ang boses. “Because your father ruined someone very important to me.”
Nagkatinginan kami ni Calix. What?
“Your father—Sebastian Rivas—he used to date my sister. Amara.”
Nanlamig ang buo kong katawan.
“She was the only girl in our family na hindi naging parte ng negosyo, dahil may sarili siyang pangarap. But then he came along. Your father.” Tumigil siya saglit, at doon ko lang napansin na nanginginig ang kamay ni Papa habang nakatukod sa desk. “She loved him too much. She gave everything. But what did he do in return? Niloko siya. Nabuntis ang ibang babae habang sila pa.”
My mouth went dry. Hindi ako makagalaw.
“Your father broke my sister. She spiraled. Depression. Isolation. Then one day… she ended her life. Do you know who was born the same year she died?” Tumingin si Papa nang diretso kay Calix. “You.”
Napatakip ako ng bibig. “No… no way.”
Calix didn’t say anything. Tahimik siya, pero alam kong nabigla rin siya. Mahigpit ang pagkakakuyom ng kamao niya sa lap.
“Gusto mo ng totoo?” patuloy ni Papa. “I’ve known your last name since day one. Rivas. Akala mo ba hindi ako mag-iimbestiga kung sino ang laging kasama ng anak ko sa Davao?”
“Sir…” mahinang sabi ni Calix. “I didn’t know.”
“I’m not surprised,” sagot ni Papa. “But that doesn’t change what your bloodline did.”
Tumingin sa’kin si Papa.
“Gia, I forbid this. Hindi ko hahayaan na ulitin ang nangyari noon. Hindi ko hahayaang masaktan ka rin gaya ng kapatid ko.”
Napakapit ako kay Calix. “Papa… please…”
Pero matigas ang tingin ni Papa. “No.”
That moment, parang biglang bumagal ang lahat. Ang dami kong tanong. Ang dami kong gustong sabihin. Pero isa lang ang alam ko—
Hindi ako susuko sa amin ni Calix.
Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko habang nakatitig lang ako kay Papa. Parang may naninikip sa dibdib ko habang nakaupo lang kami ni Calix sa harap niya, wala nang ibang ingay kundi ang mahinang tik-tik ng wall clock sa likod.
Hanggang sa…
"You may go home," malamig na sabi ni Papa kay Calix. "Wag ka nang makipagkita sa anak ko."
Parang may sumampal sa’kin ng sobrang lakas.
“Papa!” hindi ko napigilang sigaw. “Grabe ka naman!”
Si Calix, tahimik lang. Kita ko sa mga mata niya na nasaktan siya, pero pilit niyang pinapanatiling kalmado ang sarili niya. Hindi siya agad tumayo. Tiningnan lang niya si Papa ng diretso.
“I understand your anger,” mahinahong sagot ni Calix. “Pero sana, bigyan n’yo ako ng pagkakataon. I’m not my father. At lalong hindi ko balak saktan ang anak n’yo.”
"You're still a Rivas," madiin na sabi ni Papa. "And that alone is enough."
“Ramiro,” bulong ni Calix. “Wala akong alam sa nakaraan nila. Pero mahal ko si Gia. Handa akong patunayan sa inyo na hindi kami pareho ng tatay ko.”
Tumayo si Papa, tanda na tapos na ang usapan. Tumingin siya sa’kin, matigas ang boses.
“Gia, umakyat ka na sa kwarto mo. Ayokong makitang kasama mo pa siya.”
“Papa, please…”
Pero hindi siya nagpatinag. “Now.”
Hinawakan ni Calix ang kamay ko. “Gia…”
“Don’t,” warning ni Papa. “Wag mo nang hawakan ang anak ko.”
Doon na tumayo si Calix. Lumapit siya sa pintuan ng office pero bago siya tuluyang lumabas, humarap siya ulit.
“Thank you for your time, sir,” mahinahon niyang sabi. “I won’t disrespect your wishes, pero hindi rin po ako susuko.”
Tumitig siya sa’kin, and for a moment, nakalimutan ko kung gaano kabigat ang mundo.
“Wait for me, I love you wag mong kalimutan yan.” Sabi nya sa akin. Tapos lumabas siya.
Ako? Naiwan akong tulala. Halos manghina ang tuhod ko. At si Papa? Umupo ulit sa swivel chair niya. Tahimik. Walang ibang sinabi.
But I saw it.
I saw the pain in his eyes.
This wasn’t just about hate.
This was about grief—pain that never healed.
And now… kami ni Calix ang naaapektohan.
"Umakyat ka na sa kwarto mo, Gia," malamig na utos niya.
Hindi ako gumalaw. Nakatingin lang ako sa kanya, nanginginig ang baba ko sa pagpipigil ng luha.
"Yaya Bel," tawag ni Papa. "Samahan mo ang anak ko sa kwarto niya."
Narinig ko ang marahang paglapit ni Yaya Bel. “Tara na, iha,” bulong niya, hawak ang braso ko.
Para akong robot na sumunod. Pagpasok sa kwarto, doon na ako tuluyang naiyak.
Pagkaalis ni Yaya, agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Calix.
Isang ring lang at sinagot na niya.
"Gia?" agad niyang sagot, halatang nag-aalala. "Baby, are you okay?"
“Calix…” mahina kong tawag habang tuluy-tuloy ang luha ko. Hindi ako makapagsalita basta iyak lang ako ng iyak.
“Shhh... hey, don't cry baby. We'll get through this ok? Trust me,"
Napaluhod ako sa kama habang yakap ang unan ko. “Hindi ko alam anong gagawin ko. Ayokong mawala ka.”
“Hindi ka mawawala sa akin,” madiing sabi niya. “We’ll figure this out, okay? Calm down muna. Just breathe.”
Habang dinadama ko ang tinig ni Calix sa linya, unti-unti akong humigpit ng kapit sa phone. Kahit wala siya sa tabi ko, kahit hindi ko siya mahawakan ngayon—naramdaman ko ‘yung yakap niya sa boses pa lang.
"Gia, makinig ka muna sa akin," mahinahong sabi ni Calix mula sa kabilang linya habang patuloy ang paghikbi ko. "Alam kong nasasaktan ka ngayon. Ako rin. Pero... kailangan nating harapin ‘to nang maayos."
Napapikit ako habang hawak pa rin ang phone. “Hindi ko kaya, Calix… Hindi ko alam kung paano…”
"Alam ko. Pero hindi mo kailangang kayanin mag-isa. Hindi kita iiwan, okay?" Ramdam ko ang sincerity sa boses niya. "Bukas, pupuntahan kita sa school niyo. Gusto kong makausap ka nang harapan."
Napabuntong-hininga ako, pinilit maging kalmado kahit patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko.
“Sigurado ka?” tanong ko, halos pabulong. “Paano kung malaman ni Papa?”
“Hayaan mo muna si Ramiro,” madiin pero kalmadong tugon niya. “Ang importante, tayo. Kailangan nating mag-usap ng masinsinan. Ayokong matulog ka ngayong gabi na puro lungkot ang iniisip mo.”
Napakagat ako sa labi. Hindi man niya ako kayakap ngayon, pero sa mga salitang 'yon—pakiramdam ko, safe ako.
“I love you, Calix…” mahina kong sambit.
Narinig ko ang mahinang paghinga niya bago siya sumagot, “I love you more, baby. Magpahinga ka na. Bukas, ako ang bahala.”