Saydie SUMAPIT ANG SUNOD na araw, at dumating ang gabi. Pumunta kami ni Van sa tinatawag niyang salon bago ang sinasabi niyang party. Kung saan nakaupo ako sa harap ng salamin at may dalawang babae na umaasikaso sa akin. Ang isa ay inaayos ang buhok ko at ang isa naman ay nilalagyan ako ng tila war paint pero hindi ito kulay itim sa mukha. Bagkus ay pinagmumukha nitong bahagyang mapula ang aking mga pisngi. Suot ko na ang costume na binili ni Van para sa akin kagabi. Isang kulay puting damit na makintab. Hapit na hapit ito sa katawan ko at maikli ito na tatlong pulgada bago dumating sa tuhod ko. "Girls, ano na? Hindi pa ba kayo tapos? Naghihintay na si sir sa labas," sambit ng lalaki na babae ang kilos nang lumapit ito sa amin. "Malapit na po, Madam," sagot naman ng babaeng nag-aayos ng

