Van I WAS CAUGHT off guard. But I can't say if it's good or bad. Mixed emotions. Ang sakit kasi sa ilong ng pag-akyat ng ininom kong juice doon. Parang gumuhit sa nostrils ko at tila ba dumikit ang amoy ng lemon. Tapos parang nasundot ng kung ano ang lalamunan ko kaya't naubo ako. Pero ang matindi dito... 'yong dibdib ko rinig na rinig ko ang malalakas na kabog na parang kinakatok. Did I heard it right? She asked why she love me. Mahal niya ako? How is that possible? Nang humupa ang nararamdaman kong bahagyang sakit sa ilong at pangangati ng lalamunan, hindi huminto ang malalakas na kabog ng puso ko. Nadagdagan pa ng pag-init ng mukha ko at para bang hindi ko alam ang gagawin na napapangiti pa ako. Her words echoed in my head and it's giving me a feeling of floating in the air. I turne

