Van
THAT GOTHIC GIRL was really crazy. Hindi ko alam kung bakit ako nagising sa ibabaw niya pero tama bang itulak niya ako? She could have told me to get up. Pero ang lakas niya. Hindi nga siya tao. Jeez! Ang sakit tuloy ng batok ko. Hindi pa nga nakaka-recover 'yong likod ko sa paghagis niya akin sa kisame kanina sinaktan niya na naman ako. Pero bakit kaya parang natataranta siya? At saan naman kaya siya pumunta?
Tumayo ako at napansin ko sa mesa ang death threat sa akin kaya't pumasok ulit sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Saydie tungkol sa Vengeful Spirit, sa kaluluwa ko, at higit sa lahat ang nakakasindak na impyerno.
Mukhang hinimatay ako kanina dahil na-imagine ko ang itsura ng impyerno habang sinasabi niya iyon sa akin na may kasamang nakakatakot na pagtitig. Jeez! Iyon lang hinimatay na ako? That was really lame.
Biglang tumunog ang landline phone ng condo unit ko kaya't agad ko itong pinuntahan at sinagot.
"Hello?"
Walang sumagot sa kabilang linya at kaonting static noise lang ang naririnig ko.
"Hello?" muli kong sambit pero wala pa ring sumagot.
"Papatayin kita!!"
Agad kong nilayo ang tainga ko sa phone matapos kong marinig ang isang garalgal na sigaw mula sa kabilang linya. Pero rinig ko pa rin ang sinasabi niya.
"Papatayin kita!! Papatayin kita!!"
Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan at tila ba biglang tumalon ang puso ko kaya't nabitawan ko ang telepono.
Napaatras ako at natulala. Tila ba nag paulit-ulit sa isip ko ang mga salitang narinig ko.
What the hell? Sino 'yon? Bakit parang boses demonyo?
Nanginig ang mga kamay ko at naisip kong ilagay ang telepono sa babaan nito para mahinto ang paulit ulit na pag sigaw ng kung sinong nasa kabilang linya.
Pero matapos ang ilang segundo, muli itong nag ring. Pinabayaan ko itong mag-ring nang ilang ulit hanggang sa napagdesisyonan kong dapat ay hindi ako magpasindak.
"Hoy! Kung sino ka man hindi ako natatakot sa 'yo! Magpakita ka sa akin at malalaman mo kung sino kinakalaban mo!" sagot ko sa phone nang buong tapang.
"Uh... Hello Mr. Chua? Si Leivy po ito, concierge ng condo. May I request po na pumunta kayo dito sa lobby? May detective po rito na gusto kayong makausap."
"Ay akala ko kasi-- s-sorry. Sige, I'll be there in a minute."
"Sige po. Thank you, Mr. Chua. Have a nice day."
Jeez! Akala ko 'yong kung sinong sumisigaw kanina. Iyong concierge lang pala. Pahiya ako, a. Teka... bakit kaya ako gusto makausap ng detective? At sino kaya 'yong siraulong tumawag na 'yon kanina?
Nagbihis ako ng t-shirt at ripped jeans para palitan ang pantulog kong boxer shorts at sando na black. Palabas na sana ako ng unit ko nang maalala ko bigla ang death threat sa akin. Naisip ko na ibigay ito sa detective kaya't inilagay ko ito sa bulsa.
Bumaba ako sa ground floor ng condo kung nasaan ang lobby at lumapit ako sa concierge.
"Miss, nasaan 'yong detective?"
"Nasa show room po, Mr. Chua," nakangiti niyang sagot.
Pumunta ako sa show room at pagpasok ko, isang lalaking itim ang buhok na naka-pony tail ang tumayo sa kinauupuan niya sa harap ng babasaging bilog na lamesa. May suot siyang black leather jacket at mukhang 30’s something na siya. Kayumanggi ang balat at matipuno.
Lumapit siya sa akin at nakipag-kamay. "You must be Mr. Van Kyle Chua? Ako nga pala si Detective Rio Ignacio." Malamig na parang bass ang boses niya na parang DJ ng radio.
Bahagya akong tumingala nang sagutin ko siya. "How can I help you detective?"
"May itatanong lang ako tungkol sa isang kaso na hinahawakan ko. Pero bago 'yon maupo muna sana tayo."
Naupo kami ng magkatapat sa harap ng mesang babasagin at naglabas siya ng isang notebook na may kasamang ballpen.
"Mr. Chua, hihingin ko lang sana ang kooperasyon mo para sa kaso ng artistang si Paula Fuentes at isa pang babaeng nag ngangalang Marsha Uy."
Tumango ako at sumingit, "Nabasa ko nga ang nangyari sa kanilang dalawa kagabi. What exactly happened? Sino ang may gawa sa kanila nu'n?"
"Kukumpirmahin ko dapat kung kilala mo sila, pero mukhang kilala mo nga sila, tama ba?"
Tumango ako ulit. "Ex-girlfriends ko sila."
Kinuha ni Detective Ignacio ang notebook at ball pen niya, at tila may isinulat siya doon.
"Okay... Sa initial autopsy, lumalabas na nag pakamatay sila tatlong araw mula ngayon ang nakakalipas. Pero may mga ebidensya kasi akong nadiskubre na nagsasabi na pinatay ang isa sa kanila... si Marsha. Kaya hindi malayong pinatay rin si Paula. Higit sa lahat napag-alaman ko rin na hindi sila magkakilala para magkasamang magpakamatay."
"T-Talaga? Sino naman ang gagawa nu'n sa kanila?"
"Iyan ang inaalam ko ngayon. Mr. Chua... nasaan ka maghapon at anong ginagawa mo four and three days ago? Kung maaari ay sabihin mo ang buong detalye," tanong niya.
"Four and three days ago? Teka..." Inisip ko kung ano nga bang ginagawa ko nung araw na 'yon at ilang saglit pa, naalala ko naman. Four days ago 'yong nakipag break ako kay Bea at three days ago naman ang araw na nag papakita sa akin si Saydie na akala kong nababaliw na ako. "Uhm four days ago, nasa bahay lang ako at nanonood ng movies. Late na ako nagising nu'n dahil nakipag-date ako sa ex-girlfriend kong si Bea, the night before that day. By the afternoon, nagkita ulit kami ni Bea sa mall pero nakipag-break na ako sa kanya. Pagkatapos nu'n dumiretso ako ng night club at nag-party kasama ang kaibigan kong si Kobe. Nang malasing ako, diretso ako uwi ng bahay at natulog."
Tila ba sinusulat ni Detective Ignacio ang mga sinabi ko sa notebook niya kaya't hinintay ko siyang matapos.
"And three days ago, Mr. Chua?"
"Bandang umaga nasa bahay lang ako at may hang over. Tapos nag almusal ako sa isang ramen house. Then I went to the night club where my friend Kobe is. Naiwan kasi siya doon sa sobrang kalasingan. Pagdating ko doon, may pinag-usapan kaming babae. Then--"
"Teka..." singit niya. "Pwede ko bang malaman kung sinong babae ang pinag-uusapan niyo?"
"Uhm..." Dahil si Saydie ang tinutukoy ko, bigla kong naalala na hindi nga pala ako pwedeng umalis ng condo unit ko. Patay yari ako nito. "She's just a new girl na pinopormahan ko. Detective is that all your questions? I need to go back."
"Please wait, Mr. Chua. May ilan pa akong tanong. Bakit nagmamadali ka yata?"
Detective, kung alam mo lang kung ano sasapitin ko kapag naabutan ako ng Grim Reaper na wala sa bahay ko, tiyak ko pati ikaw magmamadali na pabalikin ako.
"I uh... I just need to be there before my new girl comes home," katwiran ko.
"Siguro naman maiintindihan niya kapag sinabi mo na kausap mo ang isang detective para sa isang kaso. Why don't you send her a quick message?"
"Ah hindi na. Sige I'll stay for your questions." Siguro naman hindi magpapakita si Saydie ng powers niya kapag naabutan niya akong may kasama. Mukhang kaya pa naman niya akong sundan kahit saan. Gaya nu'ng bigla na lang siyang nasa labas ng bahay ni Aling Nona. Pero dapat ko pa ring bilisan. I guess I have to tell this detective everything I know.
"Thank you, Mr. Chua. P'wede mo bang ituloy ang statement mo kanina?"
"Yea, sure. Bali... after naming mag usap ni Kobe, nagpunta ako ng sauna tapos balik sa condo at natulog. Kinagabihan nagkita kami ni Kobe at nung girlfriend niya sa bowling center. Tapos uhm... uh... nahimatay ako kasama 'yong new girl ko. Siya nag uwi sa akin kasi nagising na lang ako kinaumagahan sa condo unit ko."
"Okay... salamat, Mr. Chua. Ang rason kung bakit kita natanong ay dahil ang litrato mo ang nakita sa phone ni Paula bago siya mamatay. Mukhang bago siya nagpakamatay tinignan niya ang litrato mo. O kaya naman ay kung pinatay siya, marahil ay ipinakita muna sa kanya ang litrato mo gamit ang mobile phone niya."
"L-Litrato ko? Bakit?"
"Iyan ang hindi ko sigurado," kibit-balikat na sagot ni Detective Ignacio. "Pero nang sabihin mong ex-girlfriend mo siya, baka hindi pa siya nakaka-move on sa 'yo o kaya naman ay kung sino ang pumatay sa kanila, baka may galit sa 'yo."
Bigla kong naalala ang death threat dahil sa sinabi ng detective kaya't kinuha ko ito sa bulsa ko. "Actually, baka may kaugnayan ito sa kaso." Iniabot ko sa kanya ang papel. Agad niya namang kinuha ito at binuklat.
"Natanggap ko 'yan kanina. Dinala ng mail man ng condo, galing daw sa mailbox."
Tinignan niyang mabuti ang papel at inamoy niya pa ito. "Nalaman mo ba kung sino ang nagpadala nito?"
Umiling ako. "Walang information ng sender, e. Tapos kanina may tumawag sa akin at binantaan niya akong papatayin niya ako."
Nanlaki ang mga mata ni Detective Ignacio na napatingin sa akin. "T-Talaga? Nabosesan mo ba? Lalaki ba o babae?"
Bahagya akong yumuko at napaisip. "Hmm... Garalgal 'yong boses na malalim, e. Parang demonyo o halimaw."
"You mean tunog galit na lalaki tama ba?"
Tumango na lang ako sa tanong niya dahil 'di ko sigurado kung tama ba.
"Sige iimbestigahan ko rin 'yan. Pero dahil sa letter na ito at tawag sa telepono mo, malaki ang posibilidad na baka may kaugnayan din ito sa pagkamatay ni Marsha at ni Paula." Niligpit niya ang mga gamit niya at tumayo siya. "Mr. Chua, iyon lang ang mga katanungan ko. Iimbestigahan ko rin kung sinong nagpadala sa 'yo ng death threat at tumawag sa telepono mo. Kung makatanggap ka ulit ng death threat, tawagan mo lang ako," sambit niya at namulsa siya. Tapos ay may inalabas siyang maliit na card at iniabot niya ito sa akin. "Heto ang calling card ko. Mag iimbestiga pa ako at babalikan kita dito kapag may nadiskubre pa ako."
Tumayo ako at kinuha ito.
"Sa ngayon, mag doble ingat ka, Mr. Chua. Kung ako sa 'yo kumuha ka ng body guard. O kaya... kung naniniwala ka naman sa mga pamahiin o anting anting..." Tinanggal niya ang kanyang kwintas na gawa sa manipis at itim na lubid at iniabot ito sa akin. Tinignan ko ito at napansin ko na ang pendant nito ay isang maliit na hour glass na nasa gitna ng bilog na bakal. Tila ba isa itong mekanismo. Kusang bumabaliktad kasi ang hour glass sa gitna kapag napupunta na sa ilalim ang laman nitong buhangin.
"Ano 'yan?"
"Anting-anting ng pamilya ko, Mr. Chua. Pinapahiram ko talaga ito sa mga taong kagaya mo na may nagtatangka sa buhay. Ang sabi ng lola ko, oras ang kahinaan ni kamatayan. Kaya't hangga't tumatakbo ang oras sa anting-anting na ito, hindi ka malalapitan ni kamatayan. Kung baga hangga't may oras ka, may buhay ka. So far, lahat naman ng naniwala sa family heirloom naming ito ay nakaligtas sa kamatayan. Kung gusto mo ipapahiram ko sa 'yo 'to hanggang sa mahuli ko ang gustong pumatay sa 'yo."
"Sus kalokohan lang 'yan," sambit ko. Naisip ko kasi na hindi ko na kailangan ng body guard o kung ano pa dahil kasama ko si Saydie. "Balitaan mo na lang ako kapag nalaman mo na kung sinong hayop ang gustong pumatay sa 'kin."
"Sige, Mr. Chua. Maraming salamat sa oras mo," sagot niya at muli niyang isinuot ang kanyang kwintas. Ako nama'y nagmadaling lumabas ng show room at tumakbo ako papunta sa elevator. That crazy gothic girl will surely do something terrible to me if she found out that I wasn't at my unit.
Buti na lang at nasa baba ang elevator kaya't agad akong nakasakay. Solo ko pa, kaya tiyak kong tuloy-tuloy lang ito sa 20th floor kung nasaan ang unit ko.
"Van Kyle Chua!"
"Ay putang'na!" Tila tumalon ang puso ko sa gulat nang marinig ko ang pamilyar at malamig na boses mula sa likod ko. Paglingon ko...
"Saydie!"
Siya nga at wala ng iba.
"Saan ka galing? Bakit hindi mo sinunod ang utos ko sa 'yo? I've been looking for you everywhere. Gusto mo bang parusahan kita ngayon?"
Sasakalin niya dapat ako pero umatras ako at hinarang ko ang mga palad ko. "Wait! Wait lang! Let me explain!"
"Hindi ko gustong umalis ng unit ko! Pinatawag lang kasi ako sa baba para kausapin ng isang detective! Kapag 'di ko siya kinausap baka ikulong ako nu'n. Alam mo ba 'yon?" nakapikit kong sambit habang nakaharang pa rin ang mga kamay ko.
"You could have waited for me. Bumalik naman ako agad," sambit niya. Napansin kong ang tono ng pananalita niya ay tila ba may emosyon na. Mataas ito at parang naiinis siya. Hindi na kagaya ng dati na akala mo isang cold blooded killer. At teka... kung bumalik siya agad, bakit hindi siya sumulpot kanina nu'ng kasama ko 'yong detective?
"S-Sorry." Dumilat ako at tumayo nang tuwid. "Bakit 'di mo ko pinuntahan? You can teleport or whatever to where I am, right?"
Hinintay ko siyang sumagot pero tila ba hindi niya pinansin ang tanong ko. Hanggang sa tumunog ang elevator at bumukas ang pinto.
Bakit nga kaya 'di siya nag teleport kanina? And if heard it right, she said she was looking for me everywhere. Which means she really don't know where I was. Hindi kaya dahil du'n sa anting-anting ni detective kanina? Only one way to find out... dapat ko ngang hiramin ang anting-anting na 'yon. At baka susi din 'yon para matakasan ko ang kamatayan.