Chapter 3

2211 Words
Van   NAGISING AKONG NAGHAHABOL ng hininga at iniisip ang nangyari kanina. What the hell was that? Panaginip ba 'yon? Bakit parang totoo? Luminga ako sa paligid at wala namang gothic look na babae. Tumingin ako sa dibdib ko at kinapakapa ko ang buong katawan ko at wala rin namang sugat. Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko talaga katapusan ko na. Buti na lang hindi totoo at mukhang panaginip lang. But I never seen that woman before for me to dream of her. She's definitely not my type of girl kaya no way in this world that I could have met her before. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at pumunta sa kusina. Naghilamos ako ng mukha sa may lababo at kumuha ng isang bote ng gatas sa refrigerator. Agad ko itong ininom at dadalhin ko sana sa mesa pero pagharap ko... "Ay putang'na!" Nagulat ako nang makita ko ulit ang gothic look na babae at nabitawan ko ang bote na hawak ko. Kaso napaatras ako at tumama ang likod ko sa refrigerator. Nakaupo siya sa isa sa mga upuan ng dining table ko at nakatingin siya sa akin. Her face seems so very serious and her gray eyes gave me the chills. "S-Sino ka? A-Anong ginagawa mo dito?" Hinintay ko siyang magsalita pero hindi siya sumagot. Kinusot ko ang mga mata ko at pagmulat ko... wala na ang babae. What the hell? Ano 'yon? Guni-guni ko? Tumayo ako at nilinis ang natapon kong gatas. Mabuti na lang at hindi ito nabasag. Tingin ko may hangover pa ako hindi lang sa alak kundi pati na rin sa panaginip ko. I think I have to take a bath. Kinalimutan ko muna ang mag breakfast at agad na naghubad ng damit. Pumasok ako sa shower room at naligo. Habang naliligo, tumatayo ang mga balahibo ko, kinikilabutan ako dahil pakiramdam ko parang may nanonood sa akin. Pagkatapos nu'n ay humarap ako sa salamin upang mag sepilyo. Nagmumog ako habang nakatingin sa sink pero nang titignan ko na ang ngipin ko sa salamin... Napasinghap ako at tila huminto ang puso ko saglit nang makita ko doon na nasa likod ko ang babae. Humarap ako at naroon nga siya. Kasama ko sa loob ng banyo habang wala akong saplot. Nanlaki ang mga mata ko at napatitig sa mga mata niyang tila nakatingin sa kawalan. Nanginig rin ang mga labi ko at ako'y napahiyaw nang ilang ulit nang malakas habang natatarantang umaatras palayo sa kanya. Nadulas ako at napaupo sa sahig kasabay ng paghawak ko sa shower curtain na agad namang nasira sa lakas ng paghila ko. Nalaglag sa ulo ko ang shower curtain kaya't wala akong nakita... Nang alisin ko ito wala na ulit ang babae sa banyo. Humawak ako sa aking dibdib dahil sa sunod-sunod na kabog nito na parang tinatambol. Tila kinakapos pa ako ng paghinga habang hinahanap ang babae sa paligid. Anong nangyayari? Minumulto ba ako? Tumayo ako at muling hinilamusan ang mukha ko nang paulit-ulit. Humarap ako ulit sa salamin at walang babae. Kaso nakakapagtaka, dalawang beses ko ng guni-guni 'yon and there's no way in the world that ghost are real. Kahit pa hindi ako naniniwala sa mga multo-multo, nagmamadali akong lumabas ng banyo at nagbihis. Tapos ay lumabas din ako ng unit ko at agad na pumunta sa kotse ko. Tingin ko dahil sa hangover kagabi kaya kung ano ano nakikita ko. I better have some nice soup.             I DECIDED TO go at a ramen house. The salty, savory, and replenishing taste of a ramen soup will definitely kick the hangover on me. Matapos ibigay sa akin ang order ko, dahan dahan kong hinigop ang sabaw at sa pagdaan nito mula sa bibig ko papunta sa tiyan ko, damang dama ko ang ginhawa. Ang sarap! Muli akong humigop ng sabaw pero bigla ko itong nadura nang makita ko ulit ang babae na nasa labas ng ramen house mula sa glass wall. Nakatingin siya sa akin at nakakatakot talaga. Nakita ko siyang aalis kaya't agad kong pinunasan ang bibig ko ng tissue at umalis ng table. "Hoy sandali!" pagtawag ko. Pero paglabas ko ng ramen house... wala na siya sa paligid. "Hey you!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Isang lalaking naka-bihis kusinero, mukhang hapon, at tila galit. "Wer aru yu going? You running awayo widawto paying? Manroroko ka!" Nagpintig naman ang tainga ko sa akusa niya sa akin at tila umakyat ang dugo sa ulo ko. "What?! H'wag mo akong aakusahan ng kung ano-ano, a! Do you even know what you're talking about, crazy Japanese?" "I du nat care. You need to pay," sambit niya ulit at pumalad siya. Kinuha ko agad ang wallet ko at nilagay ko sa palad niya ang buong isang libong piso, "Here! Take this and get lost. Your ramen was bad anyway." May sinabi siyang lengwaheng hapon bago umalis kaya't binawian ko siya bago ako sumakay ng kotse, "Whatever that means, go back to Japan. You crazy old fool!" Inambangan ng hapon na papaluin ng sandok ang sasakyan ko kaya't pinaandar ko ito at kumaripas paalis. Habang nagmamaneho naalala ko 'yong babae. Damn! That's the third time I saw her and disappearing like a ghost. Who is she? And why is this happening to me? Naisip kong tawagan si Kobe. Baka kasi nilagyan niya na naman ng bawal na gamot 'yong inumin ko kagabi kaya't nakakikita ako ng nakakatakot na babae. That a'hole! I remember the time when he did that to me. I broke up with a girl that I didn’t even know. Nakakahiya talaga at nasampal pa ako nu’n. Lagot siya sa 'kin kapag gano'n na naman ang ginawa niya. Matapos ang ilang segundong pag-ring ng phone, sinagot din ni Kobe ang tawag ko. "Hey douche! Where the hell are you?" "Hey... uh... Van? My man? I'm at uh..." Ibang klase hangang ngayong lasing pa rin ang gago. "...Uh I'm still here at the club." What a loser. Hindi nakauwi ang loko. "Stay right there, dude. I'm gonna pick you up."               PAGDATING KO SA night club, naabutan kong humihigop ng soup si Kobe. Umupo ako sa tapat niya. "Hey Van. What's up? Bakit mo ko iniwan kagabi dito?" "You're not my responsibility, dude," sagot ko. "Okay ka na?" "Ako pa! Vitamins ko yata ang alak kaya saglit lang ang hangover sa 'kin," sambit niya at tinungga niya ang mangkok hanggang sa tunog slurp na ang hinihigop niya. "Aaah! Anong balita?" Nang maipatong niya na sa mesa ang mangkok, kinwelyohan ko siya at inambangang susuntukin. "Balita?! Sabihin mo sa akin kung anong balita! Did you put bad stuff on my drinks again last night?!" "Whoa! Chill the f out, my man," taas kamay niyang sagot. "I didn't do anything bad last night. I swear!" "Oh yeah! Then why am I seeing a gothic look girl everywhere? Huwag mong sabihing multo kundi ba-black-eye-yan kita!" Hinawi ni Kobe ang kamay ko sa kwelyo niya at inayos niya ang damit niya. "Calm down, dude. Anong gothic look girl ang pinagsasabi mo? Wala akong nilagay na kung ano sa inumin mo kagabi. Tsaka paanong nakikita mo kahit saan? Do you see that girl right now?" Luminga-linga ako sa paligid. Wala ang babae at tanging mga taga linis lang ng club ang naroon. "No." "See. You may be hallucinating, my man. O baka naman minumulto ka ng isa sa mga naging girlfriend mo," sambit ni Kobe sabay tawa. Tapos ay nag kunwari siyang multo, "Awooo! Van Kyle Chua mumultuhin kita." Tinignan ko siya nang masama at tumigil naman siya sa pang-aasar. Uminom siya ng tubig at sumandal sa upuan. "Why are you picking me up, Van? May pupuntahan ba tayo? Maghahanap na ba tayo ng bago mong chika babes?" "I don't really know, dude. Pinuntahan lang talaga kita dito para tanungin kung may nilagay ka nga sa inumin ko kagabi," sagot ko. "Sigurado kang wala, a?" "Wala nga, dude. Hindi na talaga mauulit 'yong dati." "Okay. Maybe I just need some rest. Pupunta ako sa isang sauna. Magkita na lang tayo mamayang gabi sa bowling center," sambit ko at iniwan ko si Kobe.             SA SAUNA PARLOR, nakapag-relax ako at wala akong nakitang gothic look girl. Though may mga oras na pakiramdam ko may nakatingin sa akin, pero baka masyado lang akong nag-iisip ng kung ano-ano kaya't 'di ko na pinansin. Nagawa ko rin makatulog ulit sa condo matapos 'yon at wala rin gothic girl. Mukhang hangover nga lang talaga 'yon. Nagkita kami ni Kobe sa bowling center kinagabihan. May kasama siyang babae. Naglaro kami ni Kobe ng bowling habang ang babae ay nanonood lang sa amin. "Mukhang dadali ka na naman ng panget a," pang-asar ko kay Kobe. "Hayaan mo na, dude. Ni-level ko lang naman sa itsura ko, e. Sino bang magandang babae ang magkakagusto sa akin, e chubby ako, kalbo, at may mga butas-butas pa sa mukha. Kainis kasi 'yong mga tagyawat ko dati, e. Ang sarap tirisin," nakangiting sagot ni Kobe. "Aaah dahil ba sa tagyawat 'yan?" Tanong ko sabay tira ng bowling ball papunta sa mga bowling pins. "Akala ko inuntog mo mukha mo sa durian, e." Tumawa ako nang malakas at nakipag-palit ng pwesto kay Kobe dahil siya na ang titira. "Langya ka! Pasalamat ka talaga dugong Chinoy ka, kaya gwapings ka, e," sambit ni Kobe at inihagis niya ang bola sa lane papunta sa mga pins. Natawa naman ako nang kaunti. "Okay lang 'yan. At least absorbent ka, parang si spongebob. Papasok 'yong tubig diyan sa mga butas mo pag bumaha." "Yes!" Naka-strike si Kobe sa tira niya. Taob lahat ng bowling pins. "Beat that, Chua boy." "Sus! 'Yan lang pala e. Bibigyan kita ng sunod sunod na strike," sambit ko at kumuha ako ng bowling ball. Handa na sana akong tumira nang makita ko sa peripheral vision ko sa kanan ang gothic look girl. Napalingon ako sa kanya at nabitawan ko ang bowling ball. "W-What the..." Tumawa nang malakas si Kobe at inakbayan ako. "Ano'ng ginagawa mo, dude? Napunta na sa canal 'yong bola mo, o. Ano bang tinitignan mo diyan?" This time, hindi ko inalis ang tingin ko sa gothic girl na nakatingin din sa'kin. "K-Kobe. T-That's her... Siya 'yong sinasabi ko sa 'yo. Iyong g-gothic look girl." Tinuro ko ang babae at bigla akong sinampal ni Kobe sa pisngi. "Wake up, Van! Anong pinagsasabi mong babae. E wala namang tao sa tinuturo mo." Napalingon ako sa lakas ng sampal ni Kobe. Ramdam ko ang sakit kaya't napahawak rin ako sa pisngi. Pero tumingin ako ulit sa direksyon kung nasaan ang babae at nandoon pa rin siya. Binatukan ko si Kobe at itinapat ko ang mukha niya sa direksyon kung nasaan ang babae. "Bulag ka ba?! Ayun, o!" Iniwas ni Kobe ang ulo niya kaya't nabitawan ko siya. "What the f, Van? Tulog mo na lang 'yan. Tumitira ka ba ng impektos?" Tila umakyat ang dugo ko sa katawan. Hindi ko alam kung pinag ti-trip-an ako ni Kobe o kung nagsasabi ba siya ng totoo na hindi niya talaga nakikita 'yong babae. Hindi ko siya sinagot at hindi ko inalis ang tingin sa babae habang lumalakad ako nang mabilis palapit sa kanya. Nang makalapit ako sinigawan ko ang babae. "Hoy sino ka ba?! Stalker ka ba?! Kanina mo pa ako sinusundan, a! I-re-report kita sa pulis." Naramdaman kong may humawak sa balikat ko kaya't napalingon ako. "Van, anong ginagawa mo? Bakit mo kinakusap ang pader? Malala na 'yan, a," boses ni Kobe. Hindi ko siya pinansin at muli akong bumaling sa babae. "Kung kasabwat mo itong si Kobe para pag-trip-an ako, pwes lagot kayong dalawa sa akin." Hahawakan ko sana sa balikat ang babae pero laking gulat ko nang tumagos lang ang kamay ko sa kanya. "What the hell?" Tatlong beses kong inulit ang paghawak sa kanya pero tumatagos lang ang kamay ko na para bang humahawak ako sa ilaw. Napaatras ako habang gulat na gulat. Ang babae ay biglang naglabas ng isang kulay itim na pocket book at tumingin siya dito. Hindi ako namamalik mata, I can see her but why can't Kobe see her and why I can't touch her? Nakita ko ang isang janitor na naglilinis ng sahig at pinuntahan ko siya. Tinuro ko sa kanya ang babae. "Hey. Nakikita mo ba 'yong babae?" "Saan po, sir? 'Yong matabang kalbo po? Babae po ba 'yan?" Nakaramdam ako ng pangingilabot sa aking katawan kasabay nang pagtayo ng mga balahibo ko. Anong nangyayari? Bakit nakaka-kita ako ng hindi nila nakikita? Tila hindi ko alam ang gagawin. Nag-panic na ako na parang umiikot ang isip ko, at napasigaw nang malakas habang tumatakbo palabas ng bowling center. Hindi ko na napansin ang mga taong nababangga ko. Ang gusto ko lang ay ang makalabas at makalayo. I was running blindly when I heard the sound of a car horn. Napahinto ako at napa-pikit nang makita ko ang isang sasakyan na may nakakasilaw na headlight sa harap ko na mabilis ang takbo. The next thing was... nakaramdam na lang ako na parang may pwersa o kung sino na nagtulak sa akin nang mabilis. Tapos ay naramdaman ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa kalsada matapos magpagulong nang dalawang beses. Pagmulat ko ng aking mga mata, nakita ko sa ibabaw ko ang gothic-look girl at mukhang siya ang nagligtas sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD