Chapter 1

2154 Words
Van   ISANG ORAS NA akong naghihintay dito wala pa rin siya. Nakakainis! Ako pa talaga ang pinaghintay niya, a. Makikita niya lang pagdating niya. Bibigyan ko pa sana siya ng isang buwan, kaso sa ginawa niya ngayon, ayoko na talaga. Ang isang Van Kyle Chua ay hindi pinaghihintay. Ilang minuto pa... wala pa rin siya. Inis na talaga ako. Tatawagan ko na lang siya at tatapusin ko na 'to. Kukunin ko na sana ang phone ko nang may bigla akong may narinig na tumatawag sa akin. "Van!" Paglingon ko, si Bea pala. Ang soon to be ex-girlfriend ko. I raised my left brow at her. "Dumating ka pa?" Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ako sa braso, sabay nagmakaawa na parang pusa. "Sorry na, babe. May tinapos pa kasi akong artwork, e. I'll make it up to you." Inalis ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya at tinignan ko ang itsura niya. Jeez! Ang pangit na talaga niya. Ano ba namang klaseng outfit meron siya ngayon? Dress na black at polka dots, tapos lagpas tuhod? What the F?! Baduy! "H'wag ka na magalit, o? Saan tayo pupunta ngayon? Gusto mo kain tayo?" Muli siyang humawak sa braso ko at pilit niyang niyayakap ito kahit nagpupumiglas ako. "Ano ba?! Bumitaw ka nga! Para kang anaconda." Naalis ko ang braso ko sa pamumulupot niya at pinakita kong inis ako. "Don't bother, Bea. Wala tayong pupuntahan. We'll end this today." "W-What? What do you mean? Babe alam kong galit ka lang. Let me make it up to you please." Nagpapabebe siya at ang sagwa sa kanya. Buyset talaga. "It's not me, Bea. It's definitely you. Ayoko na," madiin kong sambit. Tinalikuran ko siya at agad na umalis. Wala akong pake kung nasaktan man siya o kung hindi niya matatangap na ayoko na. Hindi ko na siya ma-take. Pero ang importante single na ko ulit and it's time to have fun. I texted my buddy Kobe to meet me at our favorite night club tonight. Itinago ko ang phone ko sa bulsa matapos 'yon pero bigla itong nag ring. Tumatawag siguro si Bea para mag pumilit. Well if it's not clear to her, I'll tell her again one more time. Kinuha ko ang phone ko at agad na sinagot ito. "It's over, Bea! Accept it and move on." "Kuya Van! Si Kylie 'to. Don't tell me nakipag-break ka na naman sa girlfriend mo?" "Kylie! Ikaw pala," I said and chuckled. "Sorry kakatapos lang ni kuya makawala. Where are you at now? Kamusta ka diyan sa America?" Hearing my lil sister's voice made me feel excited. Matagal na rin mula nang makausap ko siya. "I'm at home, kuya. Just taking a rest. Tomorrow is my big day to run mom and dad's company. Wish you were here, walang nakakatawa dito, e," sagot ni Kylie sa kabilang linya ng phone. Natawa ako nang bahagya habang naglalakad, "Ikaw, e. You don't have to help that old man. Mas masaya dito sa pinas kaya umuwi ka na lang." "Someday, kuya. I miss you," lambing ni Kylie. Sasagot sana ako pero bigla kong narinig ang masungit na boses ni Dad sa linya ni Kylie. "Ang kuya mo ba 'yang kausap mo? Ha, Kylie?" Nawala ang saya ko. Alam ko kasing aagawin niya kay Kylie ang phone at sesermonan niya ako. "Oh ano Van Kyle?! Ganyan ka na lang? Hindi magtatapos ng kolehiyo at magbubulakbol na lang? Hindi ka man lang ba tutulong sa amin ni Kylie na panatilihin ang negosyo ng Mom mo? You are such a disgrace! Kung buhay pa ang Mom mo malamang ganito rin ang tingin niya sa 'yo!" Sabi ko na. Well I miss you too, dad. But I don't want to hear from you today. I hung up the phone without talking back. I'm sick and tired of him. Ano bang paki-alam niya kung ayaw ko na mag-aral? Bakit ko pa ba kailangan mag-aral kung mas mayaman pa ako sa mga nagtatrabaho? I have enough money for the rest of my life. Palibhasa gusto lang ng matandang 'yon ang minana kong pera kay Mom. Well... he may have convinced my sister, but not me. My life is great already. If only mom still alive... she'll get me. Siya at si Kylie lang ang nakakaintindi sa akin.           PAGDATING KO SA paborito kong night club, sinalubong ako agad ni Kobe. "Yo! What's up my man, Van?" He gave me a high five and grab my hand to pull me closer to him. Then he pat me on my back. "Ano nakawala ka na?" I grinned. "Ako pa ba? Give me some shots, bro. It's time to celebrate." "That's my man!" Inakbayan ako ni Kobe at pumasok pa kami sa pinakaloob ng night club. Marami ng tao sa loob; malakas na ang tugtugin sa paligid, at nagsasayaw na rin ang mga iba't ibang kulay ng ilaw. Dumaan kami sa mga taong nagsasayaw sa gitna at ang mga babaeng nakakakita sa akin ay sinusubukan na agad akong akitin. Umupo kami sa isang lounge at agad na nag-order si Kobe ng martini. "So how it ended with Bea?" tanong ni Kobe. Sumandal ako at nag de-kwatro ng mga hita. "Well, you know me. I broke up with her and skedaddle like what I always do." Pumalakpak habang umiiling si Kobe. "Iba ka talaga, Van! Ikaw lang ang kilala kong pabago-bago ng girlfriend monthly. Hanep!" "Artist si Bea 'di ba? Tapos 'yong bago si Bea, belly dancer naman, si Marsha. Then 'yong before that, 'yong artista... si Paula. Hindi ko na maalala 'yong iba sa dami. Lahat na yata ng klase ng babae naging girlfriend mo na e," dagdag pa niya. Kibit-balikat akong sumagot, "Wala, e. Ewan ko pero kahit anong ganda nila sa unang kita, pagkatapos ng ilang linggo pumapangit na at nakaka-irita na." "Sabi sa 'yo gayahin mo na lang ang style ko. No commitments at purong isang gabing saya lang." "Sus! Mga panget naman nakaka-one night stand mo all the time." Natawa lang siya sa sinabi ko. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit best friend ko itong si Kobe, hindi kasi napipikon at tanggap niya mga panlalait ko sa kanya. "Well, anong magagawa ko. E hindi ako kasing gwapo ng isang Van Kyle Chua. Chinito, maputi, at kissable lips. Minsan nga pa-kiss," nakangisi niyang sambit. "Tarantado." Tumawa siya nang malakas, Ilang saglit pa, dumating ang maritini na in-order namin dala ng waiter na nakalagay sa isang old fashioned glass. "Cheers, my man! Para sa next na magiging girlfriend ng legendary Van Kyle!" We clink our glasses but after I heard how he said my name like how Dad does, I suddenly remember my old man's ugly voice and words to me. Na-bad trip ako at ininom ko nang straight ang martini. Naramdaman ko naman ang tila mahapding pag-guhit nito sa lalamunan ko. "Whoa, are you okay, dude? Inubos mo agad, a," gulat na tanong ni Kobe. "I want more. Give me yours." Binigay ni Kobe ang isang basong martini niya na hindi pa naiinuman. Agad ko naman itong ininom hanggang sa mangalahati. "Kilala kita, Van. What's your problem, bro?" "You know who. Ang peste kong ama," sagot ko habang nakatingin sa basong hawak ko. Bigla namang may dalawang babae na pumunta sa lounge namin at nagpapansin. "Hi boys!" "Want some company?" "Sure!" sambit ni Kobe pero bago pa man maupo ang dalawang babaeng naka-fitted dress na four inches above the knee ang haba... "We don't want to. Get lost." Pinaalis ko sila. Ito ang nakakainis, e. Kapag talaga may sinasabi sa akin ang matandang 'yon nawawala ako sa mood. Umalis ang dalawang babae. Habang si Kobe ay sinusubukan pa rin silang amuhin. "Sorry, girls. I'll see you around na lang. Mamaya okay na 'tong kasama ko." Tulala lang ako at paulit-ulit kong naririnig sa isip ang mga sermon ni Dad sa akin. "Masyado ka talagang affected sa mga sinasabi ng dad mo sa 'yo. Chill ka lang, bro! I mean... h'wag mo siyang pansinin. Magsaya ka lang." Tumagal ng ilang segundo bago mag-sink in sa akin ang sinabi ni Kobe. Well tama siya. Bakit nga ba ako nag papa-apekto sa sinabi ng matandang 'yon? I'm here to celebrate single life again then afterwards maghahanap ako ulit ng pwedeng maging girlfriend kapag sawa na ako maging single ulit. Tumingin ako kay Kobe at ngumiti. "You know what, dude? You're right. Call those girls back. I want body-shots." "That's more like it!" So the party begins. Like what I always do... sumayaw ako, nag party at uminom na parang wala ng bukas kasama si Kobe at ang mga tao sa paligid. Like a crazy guy, I sexy danced with women who showed interest with me. I even kissed some of them. Then both Kobe and I decided to stop at 12 midnight. Lasing na lasing siya kaya't pinabayaan ko siya sa lamesa. Ako naman kahit lasing na, kaya pa tumayo at maglakad. I thought I can still drive. So I decided to go home.           PUMUNTA AKO NG car park na nasa lower ground floor ng night club para kunin ang kotse ko. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse ko nang biglang may humawak sa braso ko. My heart skipped a beat, agad kong iniatras ang braso ko. Pagtingin ko... isang matandang babae ang nakita ko kaya't agad akong napaatras. Nakakatakot siya. Kulay abo at kulot ang kanyang buhok na buhaghag. Wala siyang ngipin at kulubot ang kanyang mukha. Ang kanan niyang mata ay tila bulag na parang puting holen. Nakakadiri rin at the same time dahil ang baho niya at ang mga kuko niya ay marurumi't matutulis. Sira sira pa ang itim na daster niya. "Pogi... Palimos naman pang-kain lang." Ikinairita ko agad ang itsura niya. "Umalis ka nga dito! Ang baho mo!" sambit ko kasabay ng pagsenyas ko sa kanyang umalis. Nakita ko na susubukan niya ulit akong hawakan pero umatras ako. "Sige na, kaunting barya lang. Pambili ko lang ng gamot." "Wala akong paki-alam sa 'yo! Lumayo ka sa akin at sa kotse ko," sigaw ko sa kanya. Gusto ko na sanang sumakay sa kotse ko kaso nakaharang siya sa pinto at ayaw ko siyang hawakan, kaya't tumawag na ako ng tulong. "Guard!!" Tumawa nang malakas ang matandang babae. Animo'y mangkukulam pa ang tono ng tawa niya. Mukhang baliw pa yata 'tong matandang 'to. Naisip kong dumukot ng pera sa bulsa para umalis na ang matanda at makasakay na ako. "Oh heto na! Get away from me and my car." Tinapon ko sa harap niya ang isang libong pisong buo. Hindi niya pinulot ang pera at nakangiti lang siyang nakatingin sa akin. Tumayo ang mga balahibo ko at bahagyang nanginig ang katawan ko sa ‘di malamang dahilan. "Maghanda ka... dahil nakatakda kang dalawin... ni kamatayan." Iyon ang mga salitang binitawan niya bago siya tumalikod at naglakad palayo habang tumatawa nang matining. Jeez! What the hell is wrong with that crazy old hag? Lagot talaga sa akin ang may-ari ng night club na 'to bukas. He shouldn't let beggars and crazy people get inside this facility. Sumakay ako sa kulay pula kong sports car at nagmaneho pauwi. Aaminin ko, parang nawala ang tama ng alak sa akin dahil sa baliw na matandang 'yon. But I was able to safely get home to my condo unit and rushed myself to bed.           NAPANAGINIPAN KO NANAMAN. Ang araw na naaksidente ako sa pagmamaneho ng bago kong kotse when I was 17 years old. Since then, hindi na naging maayos ang pakikitungo sa akin ni Dad. He doesn't even care kung ayos lang ba ako nuon. That nightmare... I've been seeing it again lately. But why? I woke up feeling nauseous with a headache. Kahit matagal na akong umiinom ng alak, mahirap pa rin masanay sa hangover. Nakatingin lang ako sa kisame at iniisip ang mga gagawin ko ngayong araw. But first, I gotta get up and look for some hot soup. Pag-upo ko mula sa pagkakahiga, nagulat ako nang may isang babae ang nakaupo sa lazy boy chair ko na nasa tapat ng paanan ng kama ko. "W-Who the hell are you? Anong ginagawa mo dito sa condo ko?" Kutis porselana siya at ang buhok niya'y kasing itim ng kadiliman, hangang leeg ang haba, tuwid at makapal. Gothic-look ang make-up niya sa mukha dahil sa makapal na lipstick na kasing kulay ng dugo at eyeliner na itim, at ang suot niya'y itim na itim na ripped knitted hood. Hindi siya sumagot sa tanong ko. Blanko ang ekspresyon ng mukha niya at nakatingin lang siya sa akin. Tumayo siya at nang ipakita niya sa akin ang palad niya... bigla siyang nagkaroon ng isang mahabang karit. Iyong parang armas ni kamatayan sa mga palabas. Sa isip ko gusto kong gumalaw pero 'di ko magawa. Para bang nanigas ang buo kong katawan. Hinawakan niya ang karit at iniambang ihahataw sa akin. "Van Kyle Chua, your time in this world is up."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD