"Unfulfilled Echoes A Tale of Love and Loss" Part-2

1833 Words
"Habang pinagmamasdan kita kanina wearing that dress, I can't help it but remind me of her to you," dagdag ko pa. "Hindi naman, Tita. May mga tigyawat nga po ako, eh. Si Chiara wala po siyang mga tigyawat. Ang kinis-kinis pa ng mukha," nagulat naman ako nang biglang lumungkot ang tuno ng kanyang pananalita. "Alam mo, Anak. Ang kagandahan ay hindi nakabasi sa panlabas na anyo. Napakaganda ng kalooban mo, Anak, kaya napakaganda mo sa loob at labas. Hindi porque may tigyawat ka hindi ka na maganda. Tandaan mo, hindi masusukat ang kagandahan ng panloob sa panlabas, Anak," nakangiting saad ko naman sa kanya habang hinahawakan ang kanyang mukha. Lumiwanag naman agad ang kanyang mukha pagkatapos kong sabihin iyon. At siguro dahil sa mga tigyawat ay nawawalan na siya ng self-confidence. We all have insecurities, and even I've had a lot of insecurities. That's why we should be shrewd enough about how we judge people. "Salamat, Tita. I was bullied a lot in our school because of my acne; some said that I was living proof that people came from monkeys, and as years went by, I evolved." I was taken aback by what she said. Despite the beautiful smiles she always wore, there's a sadness hiding deep down within her. I can't imagine my Chiara experiencing this kind of pain. I'll never let people bully my precious daughter. "You know what, Jane? Huwag mo silang pansinin. You're beautiful. External beauty doesn't matter if your internal beauty is as ugly as the words they've thrown at you. So just keep on smiling, okay? Don't let them bother your peace because you are you and it'll always be you," mahabang litanya ko habang tinitingnan siya. "Tara na, baka mag-iyakan pa tayo rito. Ang dami nang nakatingin sa atin. Nakakahiya," aya ko sa kanya sabay ngiti at hawak sa kamay niya. Inabot naman sa akin ng cashier ang card ko and I immediately took it and we made our way out of the boutique. "Thank you for visiting KaiJames Boutique, Ma'am. Come and visit us again." I just smiled at the guard and the sales lady and we made our way out. "Ang ganda at bait niya Chelsea, no?" "Yeah, how I wish na sana ganyan lahat ng mayaman." "Kaya nga, eh. Ang simple lang niya manamit pero mayaman pala, sobrang bait pa." "Kung magiging mayaman ako soon, pinapangako ko...” Narinig ko pang bulong-bulongan nila. Iyong huling binulong ang hindi ko na narinig. Malayo-layo na rin kasi ang nalakad namin. "Oh, siya, Jane. Uuwi ka na ba?" tanong ko sa kasama kong tulala pa rin. "Hoy, Jane!" napatawa ako habang tinapik ko siya. She's spacing out. Hahaha. "Ay, sorry po, Tita. Hindi ko lang po mapigilang isipin na ang mahal po nitong dress." "Just like what I've said, it doesn't matter, it suits you well. And it's a Christmas gift from me, okay?" She just nodded and then she smiled. I patted her head and then we made our way to the parking lot. Nang tumunog ang cellphone ko sa loob ng bag, kinuha ko agad ito. "Yes, manong?" "Nandito na po kami sa parking lot, Ma'am. Pasensya na po at nag-jeep lang kayo kanina." "It's okay, Manong. Papunta na rin ho kami diyan." "Sige po, Ma'am." Pinatay ko na agad ang kabilang linya at nagmamadali na kaming pumunta sa parking lot. Pagkarating namin ay agad ko namang nakita si Manong Jun na halatang kinakabahan. Hindi naman ako mangangagat. "Ma'am, pasensya na po talaga," agarang saad niya pagkarating namin sa kanyang kinaroroonan. "Okay nga lang haha. Manong, pakikuha na lang ako ng mga pinamili namin ni Jane doon sa pinag-iwanan. Napakabigat kasi no’n.” "Sige po, Ma'am." Agad naman siyang tumungo sa supermarket nang makuha na niya iyong number ng mga pinamili namin. Pagkabalik ni Manong Jun ay agad naman kaming umuwi, nang sa ganoon ay makapagpahinga na rin ako. Excited na talaga akong makita ang anak ko. "Ma'am, nandito na po tayo." Nakaidlip pala ako. "Manong, pakipasok na lang po nito sa loob." Sabay turo ko sa mga pinamili namin ni Jane. "Sige po, Ma'am." "Ahmmm, Tita, maraming salamat po talaga. Hindi ko po kalilimutan iyong mga sinabi niyo sa akin kanina," saad niya habang nakangiti. I just hugged her and then we wave our goodbyes. Nasa kabilang subdivision lang naman ang bahay nila. Naaalala ko talaga si Chiara sa kanya, napakabait na bata at napakaganda. Magkasingtangkad lang din sila at kapag ngingiti silang dalawa, may mga dimples na lalabas. Sa magkabilang pisngi. I was so blessed to have my Chiara and I am so grateful that Chiara had her. She's so genuine and beautiful. Nang matapos si Manong Jun, agad ko naman siyang sinalubong para bigyan ng pamasko. "Manong, ito, oh. Pang-Noche Buena niyo. Pasensya na manong 'di na ako nakapag-withdraw kanina sa pagmamadali na rin, kaya iyan lang muna talaga maibibigay ko." "Maraming salamat po, Ma'am. Malaking tulong na po itong naibigay niyo sa akin." "Sige, Manong. Papasok na po ako. Ikaw na pong bahala sa sasakyan." "Opo, Ma'am," nakangiting saad niya. Nginitian ko na lang siya at pumasok na. Inaantok pa rin talaga ako. Gusto ko nang humilata sa higaan. ----------------ONE WEEK LATER-------------- "Ma, uuwi na po ako mamaya." Hearing her voice like this melts my heart. I can't hide my excitement this time because, after a month, I visited her there, magkikita na ulit kami and I am so excited to show her the gift that I prepared for her. I want to tell Jane later na rito na siya matulog dahil susurpresahin namin si Chiara mamaya. Ipasusuot ko kay Chiara ang nabili kong dress for her. Si Jane din ay nakasuot noon, pero magtatago muna siya, saka na siya lalabas kapag tapos na si Chiara na magbihis. My excitement right now was overflowing dahil makikita ko na ulit ang anak ko. I wanna see her emotions after niyang malaman na same dress sila ng bestfriend niya. "Sige, Anak. Maghihintay ako sa'yo rito. Excited na akong makita ka, Anak. I've miss you so much," saad ko sa kaniya. "Pero, 'Ma, magsisimba po muna ako bago ako uuwi. I've planned sana na maagang uuwi pero it's Sunday naman. Magsisimba muna ako before I'll go home." Napangiti naman ako nang marinig ko ang kanyang sinabi. "Oh, siya, sge na. Maghanda ka na diyan para makapagsimba ka nang maaga at nang sa ganoon ay makauwi ka nang maaga dahil miss na kita." Napahagikhik naman siya sa kabilang linya. "Opo, 'Ma. Miss na rin po kita. Bye, po. I love you. Muahh" "I love you too, Anak. Mag-iingat ka." Agad niya namang pinatay ang tawag. Ako naman ay nagbihis na para makapunta na rin ng simbahan. I wanna give thanks to the Lord for taking care of my daughter. Pagkarating ko sa simbahan ay kinakabahan ako pero binalewala ko lang baka guni-guni ko lang iyon. Imposibleng si Christopher iyon. Siguro nga guni-guni ko lang iyon. Ipinagsawalang bahala ko na lang ang nararamdaman ko at mabilis na pumasok sa simbahan. Natapos na ang 2nd mass kaya uuwi na agad sana ako nang may pamilyar na boses ang tumawag sa akin. Nanginig at naestatwa ako nang makita ko si Christopher na may dalang batang lalaki na kamukhang-kamukha niya. "Cristy, ikaw nga! Kumusta ka na?" Hindi ko magawang ngumiti nang makita ko kung gaano niya iniingatan ang batang nasa mga bisig niya na natutulog. Hawig na hawig talaga sa kanya. Siguro anak niya na ito. "Cristy, you're spacing out." He waved his hands kaya napabalik ako sa realidad at tiningnan siya nang masama. Nawala naman agad ang ngiti niya nang makita niya kung gaano ko siya katalim na tingnan. "I'm okay and I will always be okay kahit wala ka," pagkatapos ko iyong sabihin ay agad akong umalis nang walang paalam. Tinawag niya pa ako pero hindi ko na pinansin. Bumigat ang dibdib ko kaya dali-dali akong pumasok sa kotse. Habang nakatitig sa kawalan hindi ko na napansin na may mga luha na pa lang tumutulo sa pisngi ko. "Paano kaya kong ganoon niya rin hawakan si Chiara? Paano kung ganoon din niya pinahalagahan si Chiara?" Napahikbi na lang ako habang iniisip ang mga bagay na hindi man lang naranasan ni Chiara sa kanyang ama. I know she's longing for the love of the father pero hindi ko iyon pinansin. Binigay ko naman ang lahat ng pagmamahal ko para maramdaman niyang ang pagmamahal ko ay sapat na at hindi niya na kailangan ng ama. "Anak, Chiara, I'm so s-sorry. Your mommy is so selfish.bmay ibang pamilya na ang tatay mo," humihikbi kong saad habang nakahawak sa dibdib ko. Parang naramdaman ko ulit iyong sakit at hinanakit ko para kay Christopher noon. I thought wala na meron pa rin pala. Umuwi na lang ako kaysa makita ko pa siya roon. Pagkarating ko sa bahay ay agad akong uminom ng tubig at binuksan ang TV. Babalik na sana ako sa kusina kaso nagpantig ang tainga ko sa narinig. Iyong kabang naramdaman ko kanina ay dumoble pa. "Apat ang naitalang patay, mahigit 40 ang sugatan sa pagasabog sa loob ng simbahan." Tutok na tutok ako sa telebisyon habang iyong puso ko ay nagkakarera sa kaba. Sinubukan kong tawagan si Chiara pero hindi sumasagot. "The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try again later" "Anak, malapit sa paaralan mo ang sumabog na simbahan sana hindi ka roon nagsimba," umiiyak kong aniya. "Manong! Pumunta po tayong Metro Manila. Manong Jun maawa ka sa akin bilisan mo!" sigaw ko kay Manong Jun. Nagulat naman siya nang makita niyang umiiyak pa rin ako at hindi na maitsura ang mukha ko. "Ma'am, ano pong nangyari?" tanong ni Manong Jun habang nagmamaneho palabas ng subdivision. "S-Si C-Chiara, Manong Jun. Ayokong mawala siya. Siya na lang ang meron ako," humihikbing saad ko puno pa rin ng luha ang mata ko. Makalipas ang ilang oras ay nakarating naman agad kami. Pinuntahan ko agad iyong simbahan na malapit lang sa university ni Chiara. Pagkarating ko nga roon ay kay raming police. Nagmamadali akong pumunta sa dagat ng tao. "Ma'am, bawal po kayong pumasok dito," saad ng police na nagbabantay sa entrance ng simbahan. "N-No, p-please. I wanna make sure my daughter is alright. P-Please." nagmamakaawang sabi ko sa police na nagbabantay. "Pasensya na, Ma'am. Bawal po talaga." "Sir, maawa naman kayo sa akin, siya na lang ang meron ako. I wanna see my daughter," sabi ko habang pinupunasan pa rin ang luha na patuloy na umaagos. Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko naman agad ng makitang si Chiara ang tumawag. Sinagot ko naman agad at agad akong naestatwa sa narinig ko. "Hello, Ma'am. Is this Ms. Cristy Mae Lopez? If this is you, Ma'am, I regret to inform you that Chiara Marie has passed away due to the recent bombing incident. Our deepest condolences to you and your family." TO BE CONTINUED......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD