Chapter 1

1246 Words
"Bye." "Bye,din."  Nakangiting kumaway si Creza sa kanyang boyfriend matapos siya nitong ihatid sa opisina. Maya-maya pa ang duty nito kaya nahatid siya.  Nang makalayo ang kotse ni Shan ay tumalikod na siya at pumasok. "Morning po!" bati niya sa mga guards na nginitian lang siya.  Ini-scan niya ang kanyang ID  at nag-time in sa biometrix bago nagtungong elevator. Pagkabukas ng lift ay pumasok na siya at pinindot ang 4th floor.  "Nako, Miss Crez nakita na naman namin si Doc kanina! Yie nakakakilig po talaga kayo!" Tila kiti-kiting sinabuyan ng asin ang kasama niya. Nataa na lang siya. Ito na yatang HR nila ang maituturing niyang number one fan nila ni Shan.  "Kailan ba ang kasal, Crez?" tanong naman ng company secretary.  "Nako, wala pa. Mag re-residency pa si Shan after ng board," sabi niya na lang.  "Nako! Kung ako sa'yo, hindi ko na pakakawalan si doc no! Big catch iyon! Gwapo, mayaman, matalino, doctor, mahal na mahal ka pa! Jusko, buhay reyna ka kapag nagkataon! Ang swerte swerte mo!" hirit pa ng HR. Tipid siyang ngumiti at hindi na lang sumagot.  She gets that a lot. Hindi na niya mabilang kung ilang tao na ang nagtatanong sa kanya kung kailan sila magpapakasal ni Shan. Hindi niya naman masagot kasi ayaw niya namang pangunahan ang panahon. Isa pa, bata pa naman sila. Ayaw niyang magmadali. Marami siyang kakilalang nagpakasal nang maaga pero agad din namang naghihiwalay o kung hindi man, puno nang away. Ayaw niya nang ganoon. Gusto niya settled na siya bago sila magpakasal ni Shan.  Wala rin namang problema iyon kay Shan. Kung saan siya, todo suporta naman ito. Kaya siguro tama nga ang mga sinasabi ng iba. Ang swerte niya kay Shan. Sobrang swerteng wala na talaga siyang mahihiling pa.  Bumukas ang elevator at nagkanya-kanya na sila. Kinawayan niya na lang ang iba niyang kasama bago nagtungo sa kanyang cubicle.  "Hi, Crez!" bati ng workmate niya na si Jane. Ngumiti siya. "Hello."  Inilagay niya ang kanyang bag sa kanyang swivel chair bago kinuha ang mug na nakapatong sa desk niya.  "Punta kang pantry? Sabay na ako!" Si Jane. Tumango na lang siya at sabay silang umalis ni Jane.  "Kumusta ka na pala?" tanong niya rito. Bumuntong-hininga ang babae. "Ito, medyo okay na." Malungkot itong ngumiti.  "Bakit kasi hindi mo pa iwan?" sabi niya pa habang kumukuha ng kape.  Hindi sumagot ang kanyang kaibigan. Nilingon niya ito. "Jane." "Ha? Ah sorry." Napakamot ng ulo si Jane. Napailing na lang siya.  Sa tuwing in-open niya ang topic ng pambubugbog ng nobyo nito ay iniiwas nito. Gustong-gusto niya itong tulungan, pero ayaw naman nito. Ilang beses na niya itong sinabihan na manghihingi siya ng tulong sa mga abogadong kakilala ni Shan para sampahan ng kaso ang nobyo nito, pero tumatanggi si Jane.  Hindi niya tuloy alam kung martyr ba ito o ano. Sino naman kasing babaeng nasa katinuan ang papayag na gawing punching bag? Napailing na lang siya.  "O, ito na ang kape mo," sabi niya sabay abot ng mug ng kaibigan.  Ngumiti si Jane. "Ay! Salamat! Una na ako ha."  Bumuntong-hininga si Creza at pinagmasdan na lang ang papalayong likod ng kaibigan. She badly wants to help her. Pero ayaw naman nitong magpatulong. Anong magagawa niya? Napailing na lang siya at sumunod na rin dito.  Maghapong subsob sa trabaho si Creza dahil marami siyang naiwan noong nakaraang linggo. Marami ring deadline ang dapat niyang ma-meet sa pagpasa ng financial reports. Sobrang busy ng kanilang opisina dahil balita niya may bagong businesa venture na naman ang kanilang mga boss.  Mag-aalas siyete na ng gabi nang makawala siya sa trabaho. Marami pa siyang dapat asikasuhin, pero nagpasya siyang tapusin na iyon doon. Bukas naman ang iba.  Inayos niya ang kanyang lamesa tsaka kinuha ang kanyang bag. Habang pasakay ng elevator ay tinext niya rin si Shan na papunta siya sa hospital na pinagta-trabahuan nito. Sabay kasi talaga silang nagdi-dinner.  Nag-time out siya at nag-book ng angkas. Panigurado kasing aabutin siya ng siyam siyam kung hindi siya magmo-motor. Nang dumating ang kanyang ride ay itinago niya na ang kanyang cellphone at sumakay doon.  Halos thirty minutes bago sila makarating sa hospital. Inabot niya ang bayad pagkababa tsaka dumiretso sa usual na kinakainan nila ni Shan na katabi lang ng mismong hospital.  Isa iyong mini restaurant. Mga lutong pinoy ang naroon.  "Good evening po, Miss Crez." Nginitian niya ang isang waiter. Kilala na sila ni Shan dito sa dalas nilang kumain.  "Si Shan nandito na?" tanong niya. Tinuro ng waiter ang dulong lamesa. Tumango siya rito at nagpasalamat.  Kitang-kita niya ang boyfriend niyang seryosong nakatutok sa librong binabasa. Naka scrub suite pa ito. Napangiti siya.  "Hi."  Hinalikan niya ito sa pisngi. Agad namang bumaling si Shan sa kanya. Bumalandra ang ngiti nito sa labi at hinalikan siya nang mabilis sa labi. Ngumisi ito nang namula siya. Napairap na lang siya at umupo na sa tapat nito.  "Um-order ka na?" tanong niya habang inaayos ang bag. Tumango ito at itinago na rin ang librong binabasa.  Shan reached for her hand. Hinalikan nito ang kanyang mga kamay. Napakunot tuloy ang noo niya. "May problema?" she asked him. Umiling-iling naman ito. Nakasubsob pa rin ang mukha sa kanyang kamay. "I just need some energy booster. I'm so tired." Napangiti si Creza.  "Aww. Kaya mo yan, doc! Fighting!" pag-cheer niya pa. Ngumisi naman si Shan. Natawa siya.  Ang cute cute ng boyfriend niya minsan.  "Ito na po ang order niyo." Sabay silang nag-angat ng tingin nang may nagsalita.  Kinuha niya ang kamay mula sa pagkakahawak ni Shan at tinanggap ang mga orders nila. "Thank you,"sabi niya bago umalis ang serbidora.  Siya na mismo ang naghain ng pagkain sa boyfriend. Pinaghimay niya pa ito ng isa at kung minsan ay sinusubuan. She just likes taking care of him. Pakiramdam niya kasi hindi na nito naaalagaan ang sarili dahil sa pamatay oras nitong mga duty.  "Kumain ka nang marami para may lakas ka. Tsaka as much as possible kung break, matulog ka. Wag ka nang tumawag sa akin," bilin niya rito. Pag break time kasi nito ay tinatawagan siya imbis na matulog kaya pinapagalitan niya.  "You're sounding like my mom," ani pa ni Shan at ngumisi. Sinamaan niya ito ng tingin. "Tumigil ka, Shan Andrew. Seryoso ako. Iyang katawan mo ang naabuso kaya makinig ka," sermon niya.  Tumango-tango lang ito habang nakangisi pa rin. Umirap siya. Minsan ang kulit din talaga, e. "Anyway, baby, how's work?" tanong naman nito pabalik. Nagkibit-balikat siya. "Okay naman. Medyo maraming ginagawa, pero okay lang."  "Don't forget to take care of yourself, too. You always take care of me. Baka ikaw naman ang magkasakit." Bahagya siyang napahinto sa paghihimay ng isda.  Nag-angat siya ng tingin at hinawakan ang mukha ng nobyo. "I'm fine as long as you're fine. Tsaka doctor ka naman." She chuckled. Shan just hissed.  "Seryoso ako, Crez." Napairap si Creza.  "Oo nga! Ito naman. Oh sige, kain na tayo at nang makabalik ka na at makauwi na rin ako," sabi niya na lang.  They finished their dinner quietly. Pagkatapos ay nagkwentuhan muna sila ng ilang minuto bago maghiwalay ng landas.  Bukas pa ang uwi ni Shan dahil may evening shift ito. Sanay na rin naman siya. E, nagboyfriend siya ng doctor, e.  Hindi mapawi ang ngiti ni Creza pagkauwi. She's just too happy. Kahit na paulit-ulit ang ganito nilang routine, hindi siya napapagod. Feeling niya nga mas naiinspire pa siya. Shan Andrew Yñiguez is everything for her. He's too good to be true, but he is real.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD