Santana’s POV Galit si Reon pag-uwi ko sa bahay. Akala ko pa naman ay matutuwa siya kapag nakita niyang may uwi akong diamond necklace. Nagalit siya kasi nalaman niya na may gamit akong ibang account. Kasi hindi raw niya nakita sa isang account ko na kausap ko si Renlen. “Anong account ‘yun, Santana? Bakit kay may gamit na ibang account? Saan mo kausap si Renlen?” sunod-sunod niyang tanong. Galit na galit ang mukha niya habang nandito kami sa kuwarto ko. Parang nakikita ko sa mukha niya ang pagiging boyfriend ko. Ganito kasi magalit ang mga lalaki sa babaeng minamahal niya. Ganitong-ganito yung kapag nahuli ng lalaki na may kalandian ang syota niya. “Gusto ko kasi ng privacy. Gusto ko, may account ako na hindi mo nabubuksan. Iyon ang totoo. Bakit, bawal ba?” “Tang-ina. Sabi na eh.” Nap

