Santana’s POV Nagising ako nung bandang alas tres ng madaling-araw. Hubu’t hubad nang magising ako. Napamura pa ako nang matagusan ko ang kama. Napakalimutan kong maglagay ng napkin bago ako natulog kanina. Sa kalasingan ko, hindi ko na naasikaso ang sarili ko. Bumangon ako para magbihis ng damit. Pagkatapos, lumabas ako ng kuwarto para i-check kung tulog na rin ba si Reon. Pumasok ako sa kuwarto niya, pero walang taong nakahiga sa kama niya. Tinignan ko rin siya sa banyo pero wala rin siya doon kaya baka naliligo pa rin siya sa swimming pool o umiinom pa rin ng alak. Bumaba na ako sa ibaba para pumunta na rin sa kusina. Ang totoo, nauuhaw rin kasi ako. Inuna kong pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Malamig na ang tubig nung buksan ko ang fridge kaya na-satisfy na ang pakiramdam ko s

