Santana’s POV Napamura ako nang makita ko kung gaano karaming tao ang nag-aabang sa labas ng mga bake shop at cake shop ko. Sabi nila Sassa at Mimi, halos lahat daw nung cake shop at bake shop ko, dinumog ngayon ng mga tao. Marami sa mga ito ay nag-aabang sa aming dalawa ni Kyson Monteverde. Ang balak ko, sa isang cake shop at sa isang bake shop lang ako pupunta. Pero nahiya naman ako sa mga taong naglaan ng oras na pumunta sa mga shop ko kaya nagpa-announce agad ako kay Mimi na pupuntahan ko lahat ng shop ko para ma-meet ko silang lahat. Bahala na kung mapagod man, babawi na lang ako ng pahinga sa mga susunod na araw. Mangiyak-ngiyak ako kasi maya’t maya, panay ang check ni Kuya Luis sa social media. At ang sabi niya, hindi pa raw nag-start ang opening ng mga business ko, trending na ang

