Chapter Four

1337 Words
"How i wish i can change our past." Nakatingin lamang ako sa labas habang nakatanaw sa kulay asul na buwan ,habang ang aking biaig ay nakapatong sa bintina at malungkot na tinatanaw ang buwan . "Hindi ka pa ba tutulog Rylie" Tumingin ako kay Hamil at muli kong ibinalik ang aking paningin sa buwan. "Hindi pa ako inaantok sige mauna ka ng matulog kaya ko na naman ang sarili ko" Masuyo kong saad rito.Pinigilan kong hindi mabasag ang aking boses dahil sa luhang pumapatak sa aking mukha. Muli akong tumingin sa buwan at isang alala ang bumasag sa aking isipan . Back when i was a kid,i have a perpect life kahit hindi kami mayaman ay mayaman ako sa pagmamahal mula sa aking mga magulang ,napilitan kaming tumira sa isang liblib na lugar dahil sa kakaibang katangian ko na tanging ang mga magulang ko lmang ang nakaalam kong ano ako at kung sino ako pero hindi ko akalain na sisingilin kami ng panahon dahil sa matagal naming pagtakas sa dapat mangyari . Gabi ng mga oras na iyon,bilog ang buwan saksi ang buwan sa naging nakaraan ko.Marahaa kong pinunasan ang aking mukha at bahagya rin akong huminga ng malalim upang maibsan ang bigat na nadarama ko.Siguro ito narin ang lugar ko ,sa wakas siguro ay nahanap ko narin ang magiging tirahan ko.All this time am always looking and searching for my place and now nahanap ko na ito sana ay maging masaya na ako . Sinaraduhan ko narin ang bintana upang hindi na makapasok pa ang malakas na ihip ng hangi at pinatay ko narin ang kandilang naging tanglaw ko sa madilim na silid .Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata habang patuloy na lumalandas sa aking mukha ang ilang butil ng masaganang luha. Salot siya! dapat siyang patayin! Walang siyang karapatang mabuhay! Parang awa na ninyo!Bata pa ang anak ko! Hindi!dapat siyang mamatay! takbo! Takbo! Rylie takbo anak! "Huwaaaaggggg!!!" "hhhuuuuuwaaaagggg!" Agad akong napabangon dahil sa naging panaginip ko at mas lalo pang bumigat ang pakiramdam ko ng bigla na lamang uling maulit ang panaginip at pangyayaring matagal ko ng ibinaon sa limut . Patawad Papa,Mama Pangako hahanapin ko sila... Umiiyak na lamang ako sa aking palad. "Rylie ayos ka lang ba?" Agad kong pinahid ang mga luhang tumakas sa aking mga mata . "O-oo naman bakit mo naman na tanong?" Pinilit kong ayusin ang boses ko upang hindi ni hamil mapansin ang pag iyak ko. "Umiiyak kaba Rylie?" "Ako??!Bakit naman ako iiyak,alam mo itulog muna lang ulit yan hamil mukhang nanaginip ka parin yata hahaha" Idinaan ko na lamang sa biro ang lahat ng sinabi ko sa kanya . "Alam mo Rylie ,hindi mo kailangan sa aking mag sinungaling dahil lahat tayk ay mahihina pagdating ng oras ngunit sana ang kahinaan mo ay maging sandata mo upang lumakas ka,Sige tulog na uli ako" Natahimik na lamang ako. Muli kong inihiga ang aking sarili sa kama at muling ipinikit ang aking mga mata ngunit tila ay sumunod ng aking mga mata dahil sa bawat pagpikit ko ay mukha ng aking mga magulang ang nakikita ko. Bumangon na lamang ako at lumabas ng aking silid ngunit bago yun ay tumingin muna ako kay hamil bago ako lumabas ng aming silid,oo tama kasama ko siya ngunit mag kaiba kami ng tulugan may sarili itong higaan .Mabuti na lamang at ipinasyal na ako ni lily sa buong akademya kahit papaano ay hindi narin ako naligaw pa .Nagtungo na lamang ako sa isang garden at nahiga sa damuhan at tumingin sa kalangitan . Malamig ang ihip ng hangin ngunit hindi ko na lamang ito pinansin dahil sa wala rin naman akong balak pang lumaban sa lamig na dala nito ang gusto ko lamang ay kahit papaano ay mapawi ang lahat ng dinadala ko sa aking dibdib. "Malamig na rito Rylie bakit narito ka?" Napatingin ako sa lalaking bigla na lamang nagsalita. "Wala lang gusto ko lamang mag pahangin ." Tumabi sa akin si shan at katulad ko rin ay nahiga ito sa damuhan at tumingin rin sa buwan . "Kay lungkot ng buwan" "Paano mo naman nasabing malungkot ang buwan?" "Dahil siya lamang ang tumatanglaw sa kadiliman ng gabi siya lamang ang mag isang lumalaban sa kadiliman na bumabalot sa atin,hindi ba't parang kay hirap noon na ikaw na lamang ang lumalaban?" Bahagya na lamang akong natawa ngunit naisip ko rin naman tama ito. "Tama ka shan mahirap talaga kapag ikaw na lamang yung lumalaban dahil kahit anong kapit mo kung talagang wala siyang balak na ipaglabn ka wala rin namang silbi" Muling namagitan sa aming dalawa ang katahimikan. "Rylie Masaya ba sa kabilang mundo?" Isang buntong hininga ang aking ginawa bago ako tumingin rito,kahit saang anggulo mo itong tingnan ay napakaperpekto parin ng mukha nito. "Hindi rin" "Bakit naman?" "Masyadong magulo hindi katulad dito na tahimik ,walang maingay na mga sasakyan walang mga lasengero na kapag na lasing na ay iiyak na lamang at magwawala dahil sa hindi malamang dahilan" "Pero alam mo Rylie hinihiling ko na lamang na sana naging normal na lamang ako" "Bakit naman ayaw mo ba ng may Power cool kaya yun" Natatawa kong saad sa kanya ngunit tumingin lamang ito sa akin ng isang seryosong tingin. "Malalaman mo rin pagdating bg panahon ang dahilan ko at kahit ikaw hihilingin mo rin na sana ay naging normal ka na lamang" Muli sana akong magaaaalita ngunit tumayo na lamang ito at agad ring umalis sa aking tabi . "Oo Tama ka shan ,hiniling ko narin na sana ay normal na lamang ako pero hindi ngayon dahil may kailangan pa akong gawin" "Bumalik kana sa iyong silid hindi maganda sa katulad mong baguhan ang nakatambay lang" Saad nito ngunit wala na akong ginawa pang reaksyon mula rito at tumingin na lamang akong muli sa buwan. "Sana ay katulad mo na lamang ako" Muli ay ipinikit ko ang aking mga mata at isang malamig na ihip ng hangin ang dumampi sa akin katawan na nagbigay sa akin ng kaginhawahan. Matapos kong damhin ang ihip ng hangin ay agad rin akong tumayo mula sa pagkakahiga ako umalis na hindi muna ako nagtungo sa dormitoryo ,naglakad na lamang ako patungo sa likurang bahagi ng akademya kong saan maraming mga punong nakatanim at maging ang liwanag ng buwan ay wala ring nagawa upang tanglawan ang mdilim na bahaging ito . Sadyang kahit anong gawin mo y my mga bagay na hindi mo kayang gawin kahit ibinigay muna lahat ng makakaya mo pero kulang parin. "Huwag ka ng magtago!Lumabas kana sa pinagtataguan mo!" Seryoso kong wika at agad akong humarap sa lalaking nakasuot ng itim na hoodie at ang mapupulang mga mata nitong nakatingin sa akin at ang mga labing walang kasing pula na halos ka kulay na ng dugo. "Masyado mo akong pinahanga bata ,hindi ko alam na mararamdaman mo ang enerhiya ko kahit na itinago ko na ito" "Hindi mo ako maloloko,trantado!" Mabilis akong gumawa ng dark magic sa aking kamay at agad ko itong inatake sa lalaki ngunit nagawa lamng nitong iwasan ang atake ko. "Hindi ko akalain na isanh batang katulad mo ang magtataglay ng ganoong kalakas na atake ngunit kulang pa bata" Isang fire ball ang ginawa nitong atakr na agad ko namamg iniwasan na huwag akong tamaan ng bawat na atake nito .Mabuti na lamang at masyadong madilim ang aming luagr at malayo sa mga dormitoryo na maaring makarinig ng mga pagsabog dulot ng pagbabanggan ng kapwa naming mga atake sa isa't isa . Agad kong kinagat ang dulo ng aking daliri at lumabas roon ang aking dugo . "Died!" Mabilis akong gumawa ng isang kakaibang mahika sa aking kamay  at agad kong ipinatama ito sa katawan ng lalaki na hindi na nito nagawa pang iwasan ang bawat atake ko sa kanya. Kitang kita ko ang hirap sa mga mata nito dahil sa ginawa kong atake ngunit kulang pa . Mabilis akong gumawa ng isang espada at agad akong tumakbo papalapit sa pwesto nito at agad kong hiniwa ang ulo nito dahilan upang lumipad sa ere ang ulo nito at ang ilang dugo nito ay tumama sa aking mukha na nagbigay sa akin ng matinding inis.Ilang saglit lamang ng lumapas ay tuluyan ng na abo ang katawan nito at wala ng iniwang palatandaan pa .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD