Chapter One

1996 Words
|"If you wish for peace prepare for war" | Naglalakad lakad lamang ako sa gitna ng kalsada ,Madilim narin kung kaya tanging ilaw na lang ng poste ang naging tanglaw ko,Napaupo na lamang ako sa gilid ng kalsada at unti unting pumatak ang ilang butil ng luha sa aking pisngi,hindi ko na alam kung saan ako pupunta sa ngayon. Sarado narin ang ilang bahay na nadaanan ko na maaring hingan ng tulong ngunit mukhang sa lagay ko ay  tiyak na pagkakamalan lang nila akong isang magnanakaw. Napahawak na lamang ako sa laylayan ng suot kong jacket at pilit nilalaban ang malamig na ihip ng hangin at ang kumakalam kong sikmura,Napatingin na lamang ako sa kalangitan at mukhang pati ang langit ay mukhang hindi rin ako pakikisamahan dahil kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang pagpatak ng ilang butil ng ulan hanggang sa tuluyan ng bumuhos ang malakas na ulan,Napatakbo na lamang ako at nagtungo sa isang lugar na maari kong silungan.Napadaan ako sa isang malaking puno na may malaking butas sa ilalim nito kahit medyo nakakatakot ay napilitan na rin akong sumilong.Nanginginig kong yinakap ang aking sarili at mas lalo pa akong nakaramdam ng matinding lamig ng umihip ang isang malamig na hangin .Napapikit na lamang ako at hinayaan ang aking sarili na kainin ng madilim na sulok. Umaga na ng magising ako at salamat narin at tila na ang ulan na pahikab ako bahagya at agad lumanas mula sa pinagtataguan ko ngunit hindi pa ako nakakalabas ng tuluyan ng makariniv ako ng mahinang kaluskus sa damuhang malapit sa pwesto ko.Isiniksik ko ang aking sarili sa lokb ng puno ng marinig ko ang isang pamilyar na boses . "Brando sigurado kabang dito mo nakita kagabi nagpunta ang ungas na yun!" "Opo boss siguradong sigurado ako" Napapikit na lamang ako habang patuloy sa pagkabog abg aking dibsib sa sobrang kaba sana'y wag nila akong mapansin tiyak na sakit na naman ang makukuha ko sa kanila.Sila lang naman ang mga bandido na nakalaban ko sa isang paligsahan ng labanan,at isang supot ng pilak ang premyo mabuti na lamang ako ang nanalo dahil may ipinangbili ako ng pagkain pero hindi ko naman akalain na yun pala ang magiging mitsa ng buhay ko upang tugisin nila ako. "Hoy batang paslit!Kung naririnig mo ako!Lumabas kana kong ayaw mong gawin kitang bulalo!" Gigil na wika ng boss nila mas lalo ko pang isiniksik ang aking sarili sa loob ng puno upang hindi nila ako makita,ramdam ko ang papalapit nilang pesensya na mas lalong nagpakabog sa dibdib ko at ng muli kong umatras ay isang madulas na bagay ang aking naapakan at ng tumingin ako sa aking ibaba ay halos maputulan na ako ng hininga ng isang natutulog na ahas ang aking nakita . "Aaahhhhhhh!" Malakas kong sigaw ng bigla na lamang itong tumingin sa akin ,mabilis kong sinipa ang ulo ng ahas bago pa nito ako tangkain tuklawin at isang mabilis n pagkilos ang ginawa ko para lumabas ng punong iyon . "Ayon siya boss!" Napatingin ako sa limng bandido na malapit lamang sa aking pwesto,agad akong tumakbo papalayo sa kanila upang hindi nila ako maabutan. "Bilisan ninyo mga tanga!Habulin siya!" Mas lalo kong binilisan ang aking pagtakbo at ng makita ko ang dulong bahagi ay isang bangin at isang malakas na hampas ng tubig ang nagmumula sa ibaba,napatigil na lamang ako ng wala na akong matakbuhan at mas lalo akong kinain ng aking kaba ng makita ko ang limang bandido na lumabas ng gubat. "Ngayon bata wala ka ng pupuntahan ibigay mo na lamang sa akin ang pinanalunan mo para mabuhay kapa!" Bahagya akong napatigin sa aking likuran upang tingnan ang bangin na nasa aking likuran at napalunok na lamang ako ng makita kong wala na akong atrasan pa at tiyak na direstong kay kamatayan ang bagsak ko. "bibilang ako bata kapag hindi mo parin ibinibigay ang hinihingi ko sayo ay mapipilitan ka naming patayin at sapilitang kunin sayo!" Nakangising wika ng amo nila habang ang mga kasamahan nito ay kapwa nakangisi . Napapikit na lamang at inalis ko na lamang sa aking katawan ang nakapulupot na lalagyan ko ng pilak at naluluhang iniangat ko sa aking kamay ang supot ng pilak. "Ibibigay kona parang awa ninyo" Naiiyak kong wika sa kanila. "Bogart kunin mo na alam mo na ang gagawin mo" Bigla akong kinabahan sa akin narinig . "teka anong gagwin n----" Hindi ko pa natatapos ang sasbihin ko ng bigla na lamang akong itinulak ng lalaking nagnangangalang bogart,matapos nitong kuhanin sa aking  kamay ang supot ng pilak na hawak ko. Ramdam ko ang malakas na paghampas ng mabalasik na hangin sa aking likuran at mula sa itaas ay rinig ko ang malalakas nilang tawanan na parang ang saya nilang malamang mamatay ako mula sa pagtulak nila sa akin sa bangin .Napaluha na lamang ako at napatingin sa kalangitan maging ang sarili ko ay hindi ko narin pa kayang sagipin .Siguro ay hanggang dito na lamang ako .Ipinikit ko na lamang abg aking sarili at hinihintay na bumagsak ako sa malalaking batong nas ibaba ko ngunig ilang minuto narin akong nasa himpapawid at kahit isang sakit ay wala akong maramdaman ,ganito na ba ako kamanhid at kahit ang sakit na natamo ko ay hindi ko maramdaman ,naisipan ko naring buksan ang aking mga mata at halos lumabas na ang aking mga mata sa lalagyan nito ng makita ko ang aking sarili na nakasakay sa isang malaking ibon. Teka totoo ba ito!O na nanaginip lamang ako! [Sinampal ang sarili] Napahawak na lamang ako sa aking pisngi ng marqmdaman ko ang sakit mula sa pagkakasampal ko sa aking sarili . OH holy Cow! Napakapit na lamang ako ng mahigpit sa balahibo ng ibon ng bigla na lamang itong lumapag sa lupang kanina lamang ay kinaluluhodan ko at nagmamakaawa sa mga bandido na ngayon ay wala na sa kanilang pwesto at mukhang pinagpyestahan na nila ang pera ko . Bumaba ako sa katawan ng ibon at nang makababa na ako ay napatingin na lamang ako sa ibong nasa harapan ko at laking gulat ko ng bigla na lamang may bumagsak na maliit na supot sa aking harapan at isang scroll,nagtataka akong tumingin sa knya ngunit tumingin lamang rin sa akin ang ibon at walang sabi sabi ay lumipad muli ito sa himpapawid kasabay ng malakas na hangin ay ang unti unti nitong pagkawala sa kalangitan.Matapos nitong mawala ay agad kong kinuha ang supot na binitiwan nito at halos mapamura ako sa aking sarili ng makita ko ang ilang pirasong bato ng ginto at ng buksan ko ang scroll na kasama ng supot ay agad akong nagtaka dahil isang mapa lamang ang nakalagay roon at isang kulay gintong papel na may selyo ng dalawang dragon . Apat na araw ang lumipas salamat narin sa ilang gintong nakalagay sa supot at nakahanap ako ng pansamatalang matutuluyan ko at makakain ,matagal narin bago ko napagpasyahan na tahakin ang nakasaad sa mapa hindi ko maintindihan pero may kong anong bahagi sa akin nag nag nanais na mapuntahan ang lugar na nasa dulo ng mapa at ang kakaibang selyo sa sobre ay gusto ko ring malaman. Matapos kong maimpake lahat ng gagamitin ko ay nagpatuloy na ako sa paglabas mula sa inupahan kobg bhay panuluyan. Nagtungo ako sa isang gubt sa gilid ng bayan Esebas.May apat na pook ang aming lugar at isa na ang Esebas sa malaking lugar at dito matatagpuan ang gubat na sinasabi ng mapa,bumili narin ako ng ilang kagamitan kong saka sakaling matagalan ako sa aking paglalakbay .Apat na oras akong nakasakay sa isang kalesa na naghatid sa akin aa boundry ng gubat . "Sigurado ka ba bata dyan ang punta mo?" Napatingin ako sa matandang naghatid sa akin at nagtatakang tumingin rito. "Oo naman po bakit po?" Magalang kong tanong rito. "Hindi mo ba alam ng lahat ng nagtatakang pumasok dyan sa gubat ay hindi na nakakalabas ng buhay at kung makalabas man ay tila wala naring buhay" Napalunok na lamang ako sa iniwang balita ng matanda at nagdadalawang isip kong papasok parin ba akobsa loob ng gubat ngunit tila may nag uudyok s akin na magpatuloy parin. "Salamat po sa paalala" Nagpatuloy na lamang ako sa aking paglalakbay. "Siguro ay ikaw na ang hinahanap nila" Napalingon muli ako sa aking likuran bg marinig ko ang mahinng boses na dala ng hangin na na nagmula sa matanda ngunit ng tumingin akobsa pwestk nito ay wala ng bakas pa na naroon ito Siguro ay guni guni ko lamang ang aking narinig .Muli kong pinalibutan ng tingin ang gubat ,kahit tanghalina na ay mataas parin ang hamog at ang misteryosong pag ihip ng hangin na tila nagbibigay babala. Taas balikat akong pumasok sa gubat at isang buntong hininga ang aking iniwan bago ako nagpatuloy sa angking gagawin. Madilim ang loob ng gubat at mabuti na lamang at tanghali ko na isipang pumunta dahil sa ilang sinag ng araw na tumatagos sa siwang ng maliliit na dahon ,malamig din ang klima ng hangin sa gubat muli kong tiningnan ang mapang hawak ko at ang susunod kong destenasyon ay sa gitna ng gubat kong saan matatagpuan ko ang isang punong magiging palatandaan ko.Hindi ko alam pero parang may mhika ang mapang hawak ko dahil kusang nagbabgo ang larawan sa tuwing makakarating ako sa destinasyon na nakasaad sa mapa. Lumakad lakad ako,patingin tingin sa paligid at nakakahalinang tanawin kahit medyo creepy ang desinsyo ng ng puno ay maganda paring tingnan. [Crick] Agad akong tumingin sa aking likuran ng makarinig ako ng mahinang pagtapak sa mga tuyong dahon at laking gulat ko ng makita ko ang isang  malaking oso na may mapupulang mga mata .Kulay itim ang balahibo nito at matatalas rin ang mga kuku nitong may bahid pang dugo at kahit ang bibig nito ay may bahid din . "Mukhang may bunos yata ang ang tanghalian ko ngayon" Kinilabutan ako sa narinig ko sa oso at mukhang ako yata ang magiging bunos nitong sinasabi . Sa bawat paghakbang nito ay siya namang pag atras ko at ng bumilis ang pahakbang nito ay siya namang pagtakbo ko. Hingal na hingal akong nagtago sa lokuran ng isa puno upang hindi nito ako mapansin ,tagaktak ang pawis ko na pumapatak sa aking noo at maging ang aking dibdib ay tumatambol parin . "Diyos ko ano ba itong napasukan?" "Ahhhh!" Malakas kong sigaw ng bigla na lamang may kumalmot sa aking balikat ang tingnan ko kong anong bagay na kumalmot sa akin ay halos manlaki ang aking mga mata ng makita ko ang oso na humahabol sa akin at mas lalo pa akong kinabahan ng dilaan nito ang kanyang kuku ng may bahid ng king dugo. "Ang sarap!" Napaatras na lamang ako habang hawak ko ahg duguan kong braso at nanginginig rin ang king katawan dala ng matinding takot at mas lalo pa akong kinabahan mapasandal ako sa isang malaking puno. "Patay ka ngayon bata!" Nakangisi nitong wika at kasabay nito ang malaking paglundag nito patungo sa akin at tanging nagawa ko na lamang ay ipikit ang aking mga mata at hintayin ang aking kamatayan. [Aarrgghh] Napamulat agad ako ng aking mga mata ng makarinig ako ng mahinang pag ungol at ng tumingin ako sa bahaging narinig ko ay laking gulat ko ng isang umuusok na katawan ng oso ang nakita ko at ng muli itong tumayo upang umatake ay isang kulay berdeng liwanag ang tumama rito dahilan upang mahati ang katawan nito hanggang sa tuluyan na itong maging abo. Napaluhod n lamang ako dala ng matinding takot at ng ilibot ko ang aking paningin ay doon ko lamang napagtanto na nasa harapan ko na pala ang hinahanap kong puno. Kahit medyo nanginginig ang aking tuhod ay pinilit kong makatayo at lumapit sa puno at doon ko lamang napagmasdan na may desenyo ito na katulas ng napapel.May kong anong nagtulak sa akin na kunin ang papel na nasa bulsa ko at itapat ang selyo sa papel at sa desinyo na nasa puno at isang nakabubulag na liwanag ang lumabas mula sa pinaglapat na selyo at ilang sandali lang ay nawala ang liwanag at kasabay nito ang matinding paggalaw ng lupa dahilan upang matumba ako at ilang sandali lang ay isang hagdanan paiibaba ang bumungad sa aking mga mata sa mismong ilalim ng puno ay naroon ang isang daanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD