Chapter IV

1680 Words
Miguel Ashley Castro   "Sir naniniwala ba kayo sa love at first sight?" Nagulat ako sa tanong na iyan sakin ni Sean. Pinaliwanag ko sa klase ang ibig sabihin niyan sa sarili kong pananaw. Hindi ko kasi alam kung totoo ba yan o hindi eh. Naniniwala kasi ako na bago pa humantong sa pagmamahal ang nararamdam ay attraction muna habang na-a-attract ka ay napaprocess naman yung love. Law of feelings kumbaga. Marami kasing aspeto pagdating sa pagmamahal. Meron kasing kaya mo lang nasasabi na mahal mo ang isang tao ay dahil nasa kanya ang katangian na wala sayo. Meron naman na sa kanya mo nararamdaman ang isang bagay na gusto mong maramdaman at marami pang iba. Iba't-ibang kategorya ang pagmamahal kaya nakakalito yan. Maagang nagpunta sa bahay namin si Matt para sunduin ako. Ngayon na kasi ang camping namin. Hindi ako pwedeng umurong pa kasi naka-oo na ako sa kanya. Alam naman kasi noon kapag nangako ako. Binitbit niya ang gamit ko at nilagay niya sa compartment ng kanyang sasakyan. "Matt nakalimutan ko sa bahay yung alcohol at tissue" sabi ko sa kanya habang nasa daan kami. "Bili nalang tayo sa dadaanan natin" "Huwag na pala. Doon nalang, sigurado naman ako na may malapit na tindahan doon eh" sabi ko sa kanya. Ayoko kasi ng patil-tigil pa kapag nasa daan. Gusto ko na agad makarating sa pupuntahan namin. Excited kasi ako eh. Pagkarating namin sa meeting place ay nagpaalam muna ako kay Matt para bumili ng nakalimutan ko. May nakita kasi akong tindahan kanina dun sa dinaanan namin. Nakikipagkwentuhan kasi si Matt kaya hindi ko na sinama at malapit lang din naman yung tindahan. "Matt!" tawag ko sa kanya nung malapit na ako. Napatingin ako sa lalaking nakatayo malapit sa kanya. Nagulat ako nung mamukaan ko kung sino iyon. Si Sean. Hindi ko na pinahalata kina Matt ang reaksyon ko nung makita ko si Sean. Nginitian ko nalang ito at sinagot ko ang tinatanong sakin ni Matt. "Kumpleto na tayo" sabi ni Matt. Matapos niyang sabihin iyon ay nagsimula na kaming umakyat. Hanggang sa makarating kami sa itaas ay puro kakulitan itong si Matt. Hindi nauubusan ng kwento. Hindi parin talaga nagbabago. Nagkainan kami at nagkantahan kami nung makarating na kami sa itaas. Ang saya nga eh. Nakakawala ng stress. Nakakawala ng pagod. Ang sarap sa pakiramdam ang ganito. Pinakilala sakin ni Matt ang kanyang mga kaibigan. Ayos din ang mga kaibigan ni Matt madaling makasundo at puro kalokohan din. Nagpasya na kaming magsibalik sa kanya-kanyang tent. Nakakapagod din kasi talaga ang umakyat ng bundok. Lumabas ako ng tent ko dahil hindi ako makatulog. Kahit pagod ako ay hindi ako dalawin ng antok. Kumuha ako ng vodka sa mini-cooler na dala namin at naglakad-lakad ako habang hawak ko ang alak. Hoy Sean! Ano yang ginagawa mo!" sabi ko kay Sean nung makita ko siyang halos idikit na ang tainga sa batong nakaharang sa kanya. Nakita kong nagulat siya sa biglaang pagtawag ko sa pangalan niya. Umayos siya ng pagkakaupo at napatitig nalang sakin. "Nakakagulat ka naman Sir!" sabi sakin ni Sean. Naupo ako sa tabi niya. Sakto naman at dalawa ang kinuha kong vodka kanina sa mini-cooler. Iniabot ko sa kanya ang isa at nakipagkwentuhan ako sa kanya. Kinuwento niya sakin sila Mark at ang laging ginagawa ng mga ito kapag nasa loob sila ng classroom. Naikwento ko rin sa kanya sila Reynier at iba ko pang mga nakakasama sa school. Hindi na nga namin napansin ang oras kaya inabot na kami ng umaga sa kwentuhan. "Sir mali ba na magkagusto ako sa..." "Ang tibay mo Sir! Alas kuatro na gising ka pa" sabi ni Matt dahilan ng hindi pagtapos ni Sean sa kanyang sasabihin. "Ano nga ulit iyon Sean?" tanong ko sa kanya. "Wala Sir" mahinang sabi niya. Nag-ayos na kami ng almusal para maagang makababa ng bundok. Mahaba-haba nanaman ang lalakarin namin eh pero ayos lang at pababa nanaman iyon. Hindi na kasing hirap ng pag-akyat paitaas. Natapos ang camping namin na napakasaya. Hanggang sa pagbaba namin ay puro kulitan ang nangyari at puro trippings. Sinabi rin ni Jacob na may kasunod pa raw ang camping na ito na naging dahilan naman ng pagkaatat muli namin. Hinatid ako ni Matt pauwe at si Sean naman ay narinig kong hinatid ni Paul. Magkaibigan naman yung dalawa kaya sigurado akong magiging safe doon si Sean. Teka, teka bakit ba iniisip ko kung magiging safe ba siya o hindi? Wala naman akong pakialam kung anong mangyari sa kanya. Dagdag pa sa isipin ko. Kaasar! Mabilis lumipas ang mga araw. Naging malapit narin ako sa mga kaibigan ni Sean at nakakasama ko narin sila kapag walang klase. Niyayakag nila ako kapag walang pasok at nagala kami. Lagi rin kaming magkakasama sa school kasama nila Reynier. Nagtatampo na nga sakin sila Kurt dahil may kahati na raw sila sa taensyon ko. Pinaliwanag ko naman sa kanila na kailangan ko rin naman maging kasundo ang mga bago kong estudyante. Naku! Bago ko pa nakumbinse ang mga iyon halos sumama pa ako sa tatlong araw na sunod sunod na outing. Grabe! Torture talaga ako! "Tara Sir! Sabay ka na sakin, wala ka namang dalang sasakyan eh" sabi sakin ni Sean habang nakasakay sa kanyang motor. Astig noh! Anyabaaaaang! Tumatanggi ako sa kanya nung una pero hindi siya pumayag na hindi ako sumabay sa kanya. Kinuha niya ang bag ko at isinabit sa unahan ng kanyang motor. "Hawak kang maigi Sir ah!" sabi niya sakin bago tuluyang paandarin ang motor. Habang pauwe kami ay nagsisimula ng umambon. Naririnig ko narin ang dagundong ng langit. Kulog. Jusko! Huwag ka namang kikidlat at baka mapatalon ako dito. Nakakahiya naman sa kasama ko. "Sir tigil muna tayo dito at nalakas na ang ulan" tumigil kami sa ilalim ng isang puno ng mangga na nadaan namin. Malakas na nga ang ulan. Nabawasbawasan naman ang lakas nung sumilong kami sa ilalim ng puno. "Isuot mo ito Sir" sabay abot sakin ng isang makapal na damit niya. "Basang basa ka na kasi" dugtong niya sa kanyang sinabi. Hindi na ako nagpairal pa ng hiya sa kanya. Isinuot ko agad iyon dahil sobrang lamig na ang nararamdaman ko. Hindi pa naman ako sanay sa ganitong pakiramdam. Sigurado ako na mamayang gabi ay sasama na ang pakiramdam ko. "Pano ka?" sabi ko sa kanya nung naisuot ko na ang damit na iniabot niya sakin. "Ako pa Sir! Yakang-yaka ko yan!" sabi niya sakin habang nakaangat ang dalawang braso. Tinawanan ko lang siya at umoo nalang ako. Pinagpatuloy na namin ang paguwe nung medyo humina na ang ulan. Bumaba ako sa kanto ng eskinita namin at dumiretso na siya pauwe sa kanilang bahay. Nagshower na agad ako pagkarating ko sa bahay namin at mabilis na nagpalit ng damit. Ayoko kaya magkasakit. Ayoko yung pakiramdam na masakit yung ulo at mahirapan sa paghinga dahil sa sipon. Kahit walang pasok bukas ay gusto ko maging maayos ang pakiramdam ko. Magmomovie marathon ako bukas eh. Papanuorin ko yung The Walking Dead. Hahaha! Maganda daw kasi iyon. Tanghali na akong naging kinabukasan. Wala kasing makukulit na pumunta sa bahay. May educational tour kasi sila Reynier. Niyakag nga akong sumama pero tinanggihan ko na muna. Gusto ko muna kasing makapagpahinga at maenjoy ang buong araw ko. Planado na ako eh. Movie marathon buong araw habang nakain ng marsmallow with cold coffee. Ansarap nun! Inayos ko na sa terace namin ang dvd player ko at dvd cd's ko. Ready na talaga. Isinalang ko na agad ang nakapilang papanuorin ko. Itsura palang nakakatakot na. Lalo na nung nasa kalagitnaan na ako ng palabas, napapasigaw talaga ako. Imagine yung zombie nanghahabol! Tumatakbo! Astig! "Sirrrrr......" napabalikwas ako sa pagkakaupo ko nung marinig ko yun. Parang boses kasi ng zombie. Mabilis akong tumingin sa may gate namin at nakita ko si Sean na nakadungaw sa gate. Pinapasok ko siya at pinaupo at tinuon ko na uli ang atensyon ko sa pinapanuod ko. Inaabutan ko siya ng kinakain ko sa tuwing alam kong magugulat ako sa pinapanuod ko. Tawa siya ng tawa sakin at iniikot niya ang ulo ko sa screen ng tv. "Paano mo maiintindihan sir ang pinapanuod mo kung hindi ka titingin sa screen?" sabi niya sabay tawa. Napapasandal nga ako sa kanya sa tuwing nagugulat ako sa pinapanuod ko eh at alam ko na nagugulat din siya. "Oh tingnan mo nagugulat ka rin" "Atleast ako nakatingin ako' sagot niya na may halong pang-aasar. Napakahaba pala ng movie na ito. Jusko apat o limang oras yata ito. Mahaba-habang sigawan pa ang mangyayari sakin neto. Hahaha! "Sir yung cellphone mo nagriring" sabi sakin ni Sean habang nakikikuha narin ng kinakain kong marsmallows. "Sagutin mo muna, sabihin mo busy sa ginagawa" sabi ko sa kanya at tinuon ko na uli ang mata ko sa pinapanuod ko. Nakakatawa kasi yung mga zombie na tumatakbo. Kung ako nga nasa katayuan ng mga taong hinahabol ng mga zombie baka tumatakbo palang ang zombie eh himatayin na ako o kaya saksakin ko na ang sarili ko. Beh nakakatakot naman talaga. Hindi ko na tinanong kay Sean kung sino ang tumawag. Iniwan ko na muna siya sa terace at naghanda ako ng hapunan naming dalawa. Gabi na kasi. Bongga talaga yung pinapanuod namin. Talagang pang-marathon. "Oh kain na muna tayo, ako nagluto niyan. Huwag ka mag-alala hindi kita lalasunin" sabi ko sa kanya habang nakatawa. Kumain kami habang nanunuod ng zombie. Ang morbid diba? Hahaha! Yakness! Hindi na namin pinanuod yung nakapila pang papanuorin namin baka kasi abutin pa kami ng madaling araw sa panunuod eh. Tinulungan niya akong iligpit ang mga gamit na ginamit sa panunuod at ipinasok niya iyon sa kwarto ko. "Sir.." sabi niya sakin habang palabas na siya ng gate. "Oh ano yun?" sagot ko naman sa kanya. Parang bengol kasi tong taong ito. Titingin tapos biglang iiwas ng tingin. Kapag naman kausap hindi makatingin ng diretso. Ganoon na ba kasama ang mukha ko para hindi matitigan ng ilang segundo? Ohmaygod! "Ah wala..." mahinang sagot niya bago tuluyang lumakad palabas ng eskinita namin. Tiningnan ko muna siya hanggang sa makalabas siya para maiayos ko na ang pagkakasara ng gate namin pero nakita ko siyang bumabalik ng dahan-dahan na parang tanga kung maglakad. Parang may parada, diretsong-diretso ang lakad. "Sir, bukas. 2pm sa tapat ng school, bawal ang may dalang sasakyan" sabi niya sakin nung malapit na siya sa gate at binirahan niya ng takbo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD