Chapter II

2122 Words
Miguel Ashley Castro "It is composed of structures in the brain that deal with emotions such as anger, happiness, and fear as well as memories" sabi ko sa babaeng tumayo matapos kong tumawag ng number. Iyon kasi ang nakasanayan kong gawin kapag recitation, yung magbibigay ako ng number sa bawat estudyante tapos tatawag ako ng number at iyon ang sasagot sa tanong ko. Bakas ko sa mukha ng babaeng nakatayo ang kabang nararamdaman. Hindi ito mapakali at nagpapalingon-lingon sa paligid. "Limbic system.." mahinang sagot ni Jackie Trinidad. Nagpatuloy ako sa pagtawag ng mga number. Tahimik lang ang buong classroom kahit ang daming kong estudyante. Walang nagawa ng kahit anong ingay bukod sa tatlong magkakatabing nagbubulungan at pasimpleng nagpipicture. "11" muling sambit ko ng number. Nakitang kong tumayo ang lalaking sinabay ko kanina sa pagpasok. Ang pagkakaalam ko ay siya si Sean krisher Juntura. Malamit ko siyang makita sa rooftop kasama ang kanyang mga kaibigan. "Again, what is Hypothalamus?" muling pag-uulit ko sa tanong ko sa kanya. Ang tagal niya kasing sumagot at pakiramdam ko ay inuubos lang niya ang oras. Malapit na kasi matapos ang oras ko sa kanila kaya alam kong winiwili niya lang ako. "Paupuin mo na yan, sagot ko na iyan!" bigla akong napatingin sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakasandal sa gilid ng pintuan at nakatingin sa akin. "Oh bat ang aga mo?" tanong ko kay Reynier. Nilampasan ko si Sean at mabilis na lumapit kay Reynier. "Maaga kasi kaming pinalabas ni Maam" sagot niya tapos nagdiretso na siya sa table ko at kinuha ang cellphone ko. As usual para laruin yung larong mmm fingers. Gusto niya kasing lampasan ang high score ko dun na 1,390. "Ahh... Sean, Mark and Michael, antayin ko kayo sa bench after 20 mins" dugtong ko matapos kong palabasin ang mga estudyante. Nakita kong nagtatanungan ang mga ito pagkatapos kong sabihin sa kanila iyon. Dumiretso na kami ni Reynier sa bench. Wala narin naman akong klase kaya malaya ko na magamit ang oras ko para makipagkwentuhan sa mga estudyante ko. "Why are you late?" tanong ko sa kanilang tatlo nung aktong palapit na sila. Hindi sila halos makapagsalita. Halatang natatakot sakin. Ano ba naman kasi ang nakakatakot sakin? Mabait naman ako diba! "Maupo muna kayong tatlo diyan" sabi ni Reynier sa tatlo kasunod nun ay ang pag-abot ng pagkain ni Nicole sa kanila. "Huwag na kayo mahiya" dugtong naman ni Kurt. "Tanggapin niyo na. Huwag na kayong mahiya" sabi ko naman sa kanila habang inaayos ko ang monopad kong dala. Ako nga pala si Miguel Ashley Castro. Maaga akong pumasok nung elementary kaya sa gantong kabatang edad ay teacher na ako. Hindi ko naman talaga hinangad maging isang guro. Ang totoo gusto kong makapunta sa iba't-ibang lugar yung historical places ba, yun ang gusto ko. Pero dahil sa no choice na ako kaya eto naging teacher ako. Social science at Theories of personality ang hawak kong subject. Mga ayaw ko? Una, ayaw ko sa higante. Takot ako dun eh. Bakit? Kasi nagbakasyon kami dati sa probinsya, sa Mindoro. May kasiyahan doon tapos nasa labas kami ng mga pinsan ko. May lumapit samin na malaking tao na may suot na maskra, nkakatakot yung suot niyang maskra tapos hinabol ako. Nakaakyat ako hanggang sa bubong ng bahay namin doon tapos nilagnat ako nung gabi. Simula noon ay takot na ako sa higante kasi pakiramdam ko habang nakikita ko iyon at kinikilabutan ako. Pangalawa, takot ako sa dugo. Nagsimula iyon nung nakita namin ng kapatid ko yung ipis. Hinahampas namin iyon ng tsinelas pero hindi naman namin matyempuhan hanggang sa tumigil yung ipis sa lababo, kinuha ko yung kutsilyo at sinaksak ko yung ipis. Dumulas yung kamay ko at nahiwa ang kamay ko. Ang daming dugong lumabas, nung tingnan ko iyon ay nakaramdam ako ng hilo. Kaya ayun simula noon ay kapag nakakakita ako ng dugo ay parang hindi ko na maigalaw ang buong katawan ko. At ang pinakahuli ay ayoko ng tinititigan ako. Ewan ko. Pakiramdam ko ay nanghihina ako kapag tinititigan ako sa mata. Yun na yata ang weakness ko. Ang haba ng introduction ko diba? Hahaha! Para alam niyo talaga. Tinanggap ng tatlo ang iniaabot sa kanilang pagkain at nakipagkwentuhan narin ang mga ito kina Kurt. Lumapit ako sa kanila at inabutan ko sila ng drinks. Nginitian ko sila at sinabi kong huwag ng matakot sakin at masasanay narin sila. "Pano Sir? Kita-kits nalang sa Monday" paalam nila Kurt sakin. "Tawagan nalang kita maya" sabi naman sakin ni Reynier. Iniabot sakin ni Reynier ang gamit ko at sumabay na kina Kurt palabas ng school. Naiwan na ako mag-isa dito ngayon sa parking lot. Umalis narin sila Sean kanina kasabay sila Mark. Ako yung tipo ng tao na hindi alam ang salitang pagod basta pagdating sa mga estudyante ko. Ewan ko pero mas gusto ko pang kasama ang mga estudyante ko kaysa sa mga kasamahang mga teacher. Sinimulan ko ng paandarin ang dala kong sasakyan. Nasa kalagitnaan na ako ng daan nang makita ko sila Sean at may kasamang babae. Pamilyar sakin ang mukha ng babae. Inisip ko iyong mabuti. Estudyante ko rin yung babaeng iyun kaso sa ibang section naman. Nilampasan ko lang sila at nakita kong kumaway sakin si Mark. Bumusina lang ako senyales ng pagbati ko sa kanila. "Beh ano pa?" sabi sakin ni Mike habang nakaupo ako sa tambayan namin. Si Mike ay isa sa mga kaibigan ko na palagi kong nakakasama. Siya rin ang umaayos kapag may mga hindi na naganang parte sa bahay namin. Hindi narin iba ang turing namin kina Mike dahil sa sobrang lapit ng pamilya namin sa bawat isa. "Tagay na!!!" sabi naman ni Robert na padating palang. Si Robert naman ay isa rin sa mga kaibigan ko ay madalas ko ring makasama. Pare-pareho na kaming graduate at may kanya-kanyang trabaho kaya tuwing biyernes ay nagkakaroon kami ng inuman session. Naupo kami sa terrace ng bahay namin. Bumili na kasi si Mike ng isang case ng redhorse at si Robert naman ay may dalang inihaw na baboy. Ayos to! Mapapasarap ang inom namin nito. Lumabas ako ng bahay para bumili ng yelo at iba pang makakain. Wala kasi akong dala na kahit ano. Saktong paglabas ko ng eskinita namin ay nakita ko si Sean. Nakaupo sa tapat ng isang malaking gate at nakasalpak sa dalawang tainga ang earphone. Nakita kong panay ang yugyog ng ulo nito at alam kong dahil iyon sa kanyang pinapakinggan. "Sean" tawag ko sa kanya. Hindi siya natingin sakin at alam kong hindi niya narinig ang pagtawag ko sa kanya. "Sean" ulit ko. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang ulo at mabilis napatayo sa kinauupuan nung makita niya ako. "S..Sir!" bigla niyang sabi sakin. Halata sa mukha niya ang pagkagulat. Nakita kong biglang namula ang dalawang pisngi niya pagharap niya sakin. "Oh bat namumula ka?" tanong ko sa kanya. "Ikaw kasi Sir eh!" bigla niyang nasabi. "Ha?" takang tanong ko. "Ay..Nagulat lang ako Sir. Bigla bigla kasi kayong nalabas" aba! Kaiba sagot nito ah! Lihim kong ikinatawa iyong sinabi niya. "Halika nga at samahan mo ako maghanap ng yelo, wala kasing tinda dito eh" sinamahan ako ni Sean. Nagkwentuhan kami habang naglalakad habang naghahanap ng yelo. Nalaman kong malapit lang pala ang bahay nila sa bahay namin. "Eh bakit nagamit ka pa ng sasakyan sir?" tanong niya sakin nung pabalik na kami. "Ayoko kasi maglakad eh, saka minsan kasi may pinupuntahan pa akong ibang lugar" mahabang sabi ko sa kanya. "Sige sir bukas maglakad nalang tayong dalawa, sayang kasi ang gasolina" napangiti ako nung sinabi niya iyon sakin. Sinama ko siya sa bahay namin at ipinakilala ko siya sa mga kasama ko. Nagkapalagayang loob na sila. Tinanong ko kung pwede ba talaga siyang uminom at umoo naman ito. Nagsimula na kami sa inuman at kwentuhang kapontoyan. Tulad ng dati ay puro kalokohan ang kwento ni Mike samin, tungkol lahat iyon sa trip niyang gawin sa pinagtatrabahuhan niyang kompanya. "Sir nagriring ang cellphone mo" tapik sakin ni Sean habang inaayos ko ang speaker ko. Pinaabot ko sa kanya ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa at mabilis ko itong sinagot. "Oh bakit Matt?" sabi ng kausap ko sa kabilang linya. "Sir sama ka sa mountain hiking namin" bungad na salita niya sakin. "Kelan?" Nalaman ko na sa isang linggo na pala ang sinasabi niyang mountain hiking. Umoo ako sa kanya. Paano ko ba naman tatanggihan ang naging estudyante ko dati. Nagtransfer nga lang itong si Matt dati kaya madalang na kami magkita. Si Matt ang pinakamalapit kong estudyante dati. Malambing at BOLERO! "Okay sige ingat. See you" sabi ko sa kanya matapos niyang ipaliwanag ang mga sinabi niya. Nagpatuloy kami sa kwentuhan at inuman hanggang sa abutin kami ng ala una ng madaling araw. Laseng na kami. Hahaha! Lalo na si Mike na panay ang sayaw sa ibabaw ng lamesa. Sumasabay na sa kanta si Sean na nakapatong ang kaliwang kamay sa ibaba ng upuan ko. Si Robert naman ay panay parin ang tagay sa alak na hawak-hawak. "Pano Ash? Uwian na! Bukas nalang ulit!" paalam sakin ni Mike matapos niyang sumayaw ng sumayaw. Ash ang nakasanayan nilang itawag sakin simula pa nung mga bata kami. Nauna na lumabas sila Robert at Mike at naiwan pa si Sean sa terrace namin. "Oh ikaw? Hindi ka pa ba uuwe?" tanong ko sa kanya. Dahan-dahan siyang tumayo at tinulungan niya akong ayusin ang mga ginamit sa pag-iinom. Binuhat niya ang basyo ng bote na ininom namin at pinunasan ang lamesang ginamit namin. "Sir uwe na ako. Goodnight" sabi niya sakin bago tuluyang lumabas ng gate namin. Tinanaw ko siya hanggang sa eskinita namin. Nakita kong tumigil siya at inangat ang kanyang cellphone. Tinawagan na siguro siya dahil madaling araw na. Maagang akong nagising dahil sa ingay na naririnig ko sa terrace namin. Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko sila Reynier kasama sila Kurt. Naglalaro sila. Itong mga taong ito nga naman ayaw na akong pagpahingahin. Pati ba naman sabado ay napunta parin dito sa bahay. Ipinagluto ko sila ng tanghalian dahil sigurado ako na mamayang gabi pa sila uuwe. Sanay na ako sa mga ito. Minsan nga kahit linggo ay ay nandito rin sila sa bahay namin. Sanay narin si mommy sa kanila. Nakikimommy na nga rin sa mommy ko eh. "Sir simba tayo bukas ha!" wala naman akong ibang maisasagot eh. Kahit humindi ako ay susunduin parin nila ako at kukulitin. Natapos ang buong araw ko na kasama sila. Wala na yata akong oras para sa sarili ko, ultimo kahit konting oras na pahinga ko nalang ay nilalaan ko pa sa kanila. Ganoon ko sila kamahal. Ansabeeeee! Hahahaha Lunes nanaman. Pasok nanaman! Halos hindi ko naramdaman ang sabado at linggo. Aktong lalabas na ako ng bahay namin ng mapansin kong may taong nakatayo sa kulay pulang gate namin. Nilapitan ko ito. "Ang tagal mo naman sir, kanina pa ako dito" sabi ni Sean habang nakaabang sa may gate namin. "Bakit? Anong meron?" diretsong sabi ko sa kanya. "Diba sir sabay tayong papasok at maglalakad lang tayo?" mahaba niyang sagot sakin. Saglit akong napatigil nung naalala ko yung usapan namin bago ako malasing. Lumabas na ako ng gate. Kinuha niyang bigla ang dala-dala kong bag at binitbit niya. Ang tanging hawak ko nalang ay ang cellphone ko. "Sige sir, pasok na ako. Ingat." Sabi niya sakin nung makapasok na kami ng gate ng school namin. Bigla nalang siyang tumakbo palayo at umakyat sa hagdanan ng building. Biglang may pumiring sa dalawang mata at para bang sinasabing hulaan ko kung kaninong mga kamay iyon. Kinapa ko ang kamay ng taong iyon. "Reynier!" madali lang naman mahulaan iyon eh. Alam ko kasi ang amoy ng pabango niya at nakapa ko ang singsing na nakasuot sa kanyang kamay. Inabutan ako ni Reynier ng cold coffee. Alam niya kasing isa ito sa mga paborito ko. "Sige sir, dinaan ko lang talaga sayo yan. Pasok na ako." Paalam niya sakin. Ako naman naupo muna sa bench dahil mamaya pa naman ang klase ko. May ilang minuto pa ako para makapagrelax-relax. Ayoko kasi tumambay sa faculty room. Nakakaboring kaya doon. This week na nga pala yung camping na sinasabi ni Matt sakin. Hindi naman ako pwedeng umurong doon kasi siguradong magagalit sakin iyon. Kailangan ko ihanda ang mga gamit ko para wala na akong problema. Hahalukayin ko yung tent namin sa bodega mamayang gabi pati narin yung ibang ginagamit namin kapag naakyat kami ng bundok. Ayos last section na. Matatapos na ulit ang araw na ito. Makakapagpahinga ako kahit kaunti. Nagsimula na akong maglakad papunta sa huling classroom na papasukin ko. Katulad ng dati pagpasok na pagpasok ko ay biglang tatahimik ang buong paligid. Nagdiscuss ako about personality. Ang dami ngang mukhang interesado eh. Ang dami nagtatanong. Lalo na nung nabanggit ko kung saan nagmumula ang pakiramdam na love. Pinaliwanag ko kasi kung paano ito napaprocess bago natin ito maramdaman. Napapatawa na nga lang ako sa twing may mga babaeng magtatanong sakin. Kapag ganito ang topic sigurado ako na lahat ng estudyante ay makikinig at lahat magiging interesado. "Sir naniniwala ba kayo sa love at first sight?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD