JIANE
You know what's worse than having your bad day?
Having it worse you could ever imagine.
Normal.
What does it take to be normal? If I would prefer to be normal, will I have more friends? Nah. Okay na ako sa isa lang. I love my best friend and I'm contented with her.
If I am normal, does it mean I need to have an average IQ? I do have an average IQ pero bobo ang tingin nila sakin.
If I am normal, I should have a pleasing personality.
But in my case, I dont.
" Miss Chen, could you recite the formula of Relativity?" tanong ng teacher namin ngayon na nakabusangot ang mukha. I looked around my classmates dahil nagtataka ako kung bakit nya ako kinakausap. Ako ba tinatawag nya? Then I remember, ako lang pala ang may pangalang Chen.
" Ahh. Why would I?" tanong ko sa kanya. She wriggled her brow at my question.
" Umayos ka Miss Chen, you are dealing with a teacher. Tumayo ka rin bago ka magsalita." she said calmly but not concealing her annoyance towards me. Makikita sa kanyang mukha na naiinis sya sa akin, hindi lang sya kundi pati na rin ang mga kaklase ko. I just gave them my infamous rolling eyes na palagi kong ginagawa.
Everybody knows what's the formula of Relativity. Why would she bother asking me that? At kung makatingin sila sakin ay parang ako lang ba ang may ayaw sa klase nya. Knowing them ay ayaw din nila magturo ang teacher pero kasi plastic lahat ng kaklase ko kaya ang sarap nilang ipalutang sa gitna ng pacific ocean.
" I don't care. Bakit pa ba kayo nagtatanong kahit alam nyo na ang sagot?" I said to her. She glared at me. Sari saring irap ang natatanggap ko sa mga kaklase ko. Sobrang sama ng mga tingin nila na parang sobrang sama ng ginawa ko.
I'm used to this kind of situation. Ganito naman palagi, pinakabobo ang turing nila sakin. Ako kasi ang palaging ayaw sumagot sa kahit na anong tanong ng teacher. I don't like the way they asked the students as if hindi nila alam ang mga bagay na tinuturo nila. Instead why don't they just give us the questions and let us find ourselves the answers?
Biglang napatayo ang class president namin at hinarap ako.
" Can't you see were discussing it right now? Huwag ka ng sumagot kung wala kang alam." he looked at me with disgust.
Vladimir Tendan
The so-called GENIUS in our section. Not just in our section but in our school. I do agree that he's a genius, he's handsome and an ideal man of every girl, but his attitude is a big issue. As big as my attitude.
" Students are not allowed to talk unless being asked Mr. Nerd. So just shut up." sagot ko kay Vlad after rolling my eyeballs. Para syang pinaglihi sa sama ng loob dahil sa sama ng ugali. Ako na lang palagi ang nakikita dahil hindi 'daw' ako matalino. Masama din ugali ko but with class. Kahit hindi ako kasing talino nya pero hindi naman ako bobo.
" Stand before you speak. What you did can be considered disrespecting, you Brat."
Like what-the-fudge. See? He just called me 'Brat'. Not even my surname, just 'brat'. Ang sarap pakinggan, grabe. ( insert sarcasm here). Pero sabagay tinawag ko din kasi syang nerd. I guess that's fair.
I took a deep breathe and did apologize. Kahit labag sa kalooban ko ay ginawa ko parin.
" I'm sorry for disrespecting you. Hindi na po mauulit, MAAM." diniinan ko talaga ang salitang MAAM para malaman nyang sa teacher ako nag aapologize hindi sa kanya. He don't deserve my apology dahil wala naman akong kasalanan sa kanya.
" You're not going to apologize to me?"
" I didn't disrespect you. I just shut you up. Sumagot ka kasi kahit hindi kita tinanong. It can also consider as disrespecting, like duh. So quits lang." I stuck my tongue out at umupo na. " You may proceed to your lecture maam," I said at nagpatuloy na ang klase. Magdamag akong tinitigan ng masama ng kaklase ko because I disrespected their sole role model of the school.
If only glares could kill siguro kanina pa ako nakabulagta sa harap nila. Ay mali. Siguro matagal na akong patay dahil matagal na nila ako binibigyan ng masasamang tingin.
I am Jiane Chen, currently in Grade 10 -A. What you just read is just a small portion of how bratty I am. Behave ako sa loob ng school. Ngatitimpi 'minsan' hanggat kinakaya ko pa. Kapag hindi na, well..
They always end up in the discipline office.
That's right. THEY. Sila lang. Kahit ako ang may kasalanan bakit ko hahayaang magkaroon ang sarili ko ng offense? Like duh.
~*~
" Nabalitaan mo bang nagkasagutan na naman kanina sina Vlad at Jiane?" narinig kong sabi ng isang student dito sa cafeteria. Lunch time na kasi at wala akong kasama. Alone ako pero hindi ako loner. I hate being with plastic people.
" Ano pa bang mas bago? Palagi namang nagkakasagutan ang dalawang iyan."
" Kahit na. Ang kapal ng mukha ng babaeng yun. Kala mo naman kung sinong kalevel ni Vlad para sagot sagutin nya lang. Hindi naman sya matalino. Maganda nga ang panget din ng ugali."
Aba. Kala mo din kung sinong lait laitin ako kahit hindi ko sya kalevel. Kung mag-usap tungkol sakin hindi ko alam kung tatanga tanga ba o sinasadyang iparinig sakin.
Hindi ko tuloy naubos ang kinakain kong carbonara dahil nawalan na ako ng gana.
Tumayo ako at dumaan sa harapan ng table nila at kunyareng natisod ako. Natapon lahat ng natitirang pagkain ko sa dalawang babae pati na rin ang natitirang juice. Sapol talaga sa mukha ng isang babae ang carbonara ko. Gosh, she doesn't deserve my carbonara dahil mas masahol pa ang mukha nito kesa sa lasa ng carbonara ko.
In other words, hindi nya kalevel ang carbonara ko.
" Ano ba!" sigaw ng isang may salamin at natapunan ng juice. Yo, feeling nerd kasi hindi naman matalino. Kung bobo tingin nila sakin, at least ako nasa Section A eh sila? Last section mga bes.
" Oops. Nakalimutan ko yatang mag-ingat. " maarte kong tinakpan ang aking bibig.
" Now what have you done?! Tanga mo kasi."
"Hindi ako tanga. Mas tanga ka kasi hindi ka umilag."
" Loko ka ah." halos sugurin ako ng dalawang babae pero pinigilan ko sila gamit ng isang gesture. Tinuro ko lang naman ang ROTC officer na nagbabantay ngayon dito sa cafeteria.
" Don't you dare touch me or you will regret it later. And dear, thanks for saying that I'm beautiful. " wika ko sa kanila then I flipped my hair at iniwan sila.
BUmalik na lang ako ng room dahil wala naman akong gagawin. Why so boring kapag nasa loob ako ng school!? This school is soooooooo strict to the point na halos lahat nalang ay bawal maliban sa mag ara!
No smoking, No alcohol drinking, no dangerous weapons, No illegal drugs, No bullying , Gadgets are prohibited. Students are not allowed to bring or read any fictional books. Make ups are prohibited. Magsuklay lang ng buhok ay bawal dahil nagkakaroon daw ng kalat. Even eating chewing gums are not allowed. Like what the hell is wrong with this school? Hindi ko alam kung paano ko napagtiyagaang mag aral dito. I really hate the person who made those rules!
Sino pa ba? Kundi ang so-called GENIUS ng school, Vlademir Tendan. He is the president of Student Council since we were in Grade 8. He is my greatest nightmare! Walang ibang laman ang utak kundi aral. Everything that he likes are the things that I hate! I'm so annoyed na palagi ko syang nakikitang nag aaral. Can't he just enjoy his youth!?
Pagdating ko sa room ay nadatnan ko si Vlad na mag isang nagbabasa ng chemistry book. I nearly rolled my eyes at him. No. I did rolled my eyes at him. Masakit sya sa mata tignan at gusto ko syang sipain palabas ng room. Padabog akong sumalampa sa desk para matulog not minding his presense beside me.
Yeah. Magkatabi kami ng upuan.
Minalas ako during draw lots kung sino ang magiging katabi ko. Tinry kong makipagpalit sa iba pero takot yata ang iba kong kaklase sa kanya dahil konting galaw mo lang ay sinisita ka na.
Tss. Unfortunately hindi nya ako gayang pigilan sa mga ginagawa ko sa sarili kong upuan. Malikot ako, haler.
" It's either wala ka lang ganang kumain o wala kang kaibigan kaya ka nandito ngayon." sabi nya, kahit hindi ko sya nakikita ay alam kong ako ang kausap nya.
" Can't you just mind your own business?"
" I'll consider it both." I just rolled my eyes at him even though he can't see me doing it. Hindi ba sya titigil?
" Same as you. Wala ka ding kaibigan." I glared at him.
" But it's different from my case. I don't have friends because I don't want to. But you don't have friends because they don't want you."
" Just shut up, you Geek."
" You shut up, Brat."
Ilang segundo kaming nagkatitigan, there's invisible electric bolt between our stares. Kahit kailan hindi ako nagpatalo sa kanya pero ngayon ay wala din syang balak magpatalo.
May pumasok ang grupo ng mga babae na kaklase namin. Mga alipores ni Vlad. Palagi ko kasing nakikita na nakabuntot sa kanya. Sila din ang grupo ng mga babae na mahilig maglandi sa mga gwapong lalaki. Yuck. Sinabi ko bang gwapo si Vlad? Ew.
" Vlad, magpapaturo sana ako about sa new topic natin sa math." malanding sabi ng isang babae na may malaking dibdib at ibinalandra nya ito sa harap ni Vlad. Halos matanggal na ang butones sa suot nitong uniform. I just rolled my eyeballs at them. Feeling mga inosente at studious type. Knowing them hindi math ang habol nila.
" Sure. Pero tatapusin ko muna ito. Susunod na lang ako sa library." sagot naman ng uto-uto.
" Thank you Vlad!. You really are a lifesaver." sabi ulit ng babae sabay kindat kay Vlad. Ni wala man lang reaction ang lalaki sa ginawa nya.
Lumabas na sila at niligpit naman ni Vlad ang mga librong nakakalat sa kanyang desk.
" See the difference?."
I rolled my eyes at him again. Like Duh! Ganyan ang tipo ng mga kaibigan nya? Kaibigan ba ang tawag sa mga malalanding yun? San ka nakakita ng kaibigan na halos hubaran na nya si Vlad sa kakatitig dito. Saksak nya sa sikmura nya. Isusuka mo rin sila, mga plastic.
Pagkatapos magligpit ay lumabas na sya. Binato ko pa sya ng lapis na dinampot ko sa kabilang table at hindi ko alam kung kanino. Pero malas dahil sa pinto tumama ang lapis at hindi sa kanya.
Hindi na ako makaidlip dahil sa inis kaya hinintay ko na lang ang teacher habang naglalaro ng soduko. Opo, marunong akong maglaro ng soduko at mahilig ako dito. I love puzzles.
~*~
Next subject namin ay History at dito ako madalas natutulog. Bakit ganun, kahit anong pilit ko ay ginagayuma talaga ako ng antok. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng teacher. Nakatitig lang ako sa kanya habang unti unting pumipikit mga mata ko.
" Ms. Chen..."
Teka, may tumatawag ba sakin?
Wala talaga akong marinig dahil dinadalaw ako ng antok. Hindi ko ito kayang labanan dahil nakakatamad ang history.
" Ms. Chen, sino ang foreigner na nagsabi na ' I shall return'?" hindi ko namamalayan na tinatanong na pala ako ng teacher. Wala akong malay kung ano ang ibig nyang sabihin pero sinagot ko lang.
" Douglas McArthur." sagot ko habang papikit pikit ang mga mata ko sa antok. Naramdaman ko ang bigat ng aking ulo kaya kusa itong nahulog at nauntog ang noo ko sa desk. Dinig na dinig ko ang hampas ng aking ulo sa mesa na halos umecho sa silid. Napasapo ako dahil sa sakit at hinarap ang teacher.
" Ano ulit ang tanong mo sir?" bigla kong tanong sa kanya pero ngumiti lang sya.
" Pwede ka ng matulog ulit, Ms. Chen." sagot ni sir and I oblique. Natulog ako dahil inaantok talaga ko.
~*~
"Miss?" I felt someone is gently tapping my shoulder kaya unti unti kong minulat ang mga mata ko. Nagising ang diwa ko nang makita ang mukha ng guard. I looked around the room para tignan ang mga kaklase ko pero wala nang tao dito sa silid maliban saming dalawa.
" Miss, kailangan mo ng umuwi. Alas sais na. Isasara ko na ang school."
Biglang nanlaki ang mata ko at tumingin sa relo ko. Alas sais?! Hindi man lang ako ginising ng mga kaklase ko. Oh well, I don't have friends in this school after all. Kaya sinong gigising sakin?
" Salamat po manong guard." sabi ko sa kanya. I caressed my temple dahil medyo masakit ang ulo ko. I stayed for a moment to calm my aches then I grabbed my backpack bago tumayo.
" Oh sya. Mag ingat ka ha."
I bowed at him as a sign of thank you and leave the room.
Gosh.! Ilang oras akong natulog? History is our first subject at hanggang alas sais tulog parin ako? What's wrong with me!? Hindi ito madalas mangyari sakin!
Palabas ko ng gate, nagulat ako ng bigla akong dambahin ni Ausie. My half Australian friend and also a brat like me. She hugged me so tightly na halos mabilaukan na ako!
" My goodness Jiane!. You had me so worried! Are you okay?" nagtataka akong nakatingin sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi nya.
" What? Why? What's wrong with me?" she checked me if I have some bruise or anything and she also check my temperature.
" Somebody told me that you had a fever. What happened to your head?" I raised my brow. Nagtaka ako sa tanong nya kaya hinawakan ko ang noo ko at meron na itong benda. Sino naglagay nito?
Fever? Wala akong lagnat. Natulog lang ako for pete's sake. But how did she know?
" Sino nagsabi?"
Tumingin sya sa likuran ko and I did the same. Nakita kong lumabas si Vlad ng gate at nagkatinginan kami. As always, we gave each others death glares. I rolled my eyes at him before I grabbed Ausie in her wrist.
" Umalis na tayo dito. Ayokong masira pa ang araw ko." Hinila ko si Ausie at pumunta na kami sa parking lot.
- CHIBICHIDII