Chapter 9

3126 Words
CHAPTER NINE Matapos mahatid ni Kenneth si Therese nagmamadali siyang bumalik sa pinanggalingan niya. Kailangan niyang mahabol at makausap si Joey. Gusto niyang mayakap ito. Higit sa lahat nais niyang ipaliwanag ang tungkol sa kanila ni Therese. Hindi niya naman gusto ang kasal na mangyayari. Si Joey ang gusto niyang makasama at kung maari ito rin sana ang nais niyang ihatid sa harap ng altar. Napatingin siya sa wrist watch niya. Quarter to nine pa lang mahahabol niya pa ito. Mas diniinan niya pa ang tapak niya sa silinyador. Hindi siya makakapayag na makaalis ito na 'di niya man lang nakakausap. Hindi na niya nagawang i-park ng maayos ang kotse niya. Tumakbo siya papasok ng airport. Panay lingon niya sa paligid ngunit wala siyang nakita. Magtatanong pa sana siya ngunit nagulat siya ng may makabanggaan siya. "Kenneth," bumungad sa kanya ang mukha ng father ni Joey. "Sir," hindi niya gaanong kilala ang stepfather ng fiancee niya. Hindi naman kasi sila palaging nagkikita. Mas malapit siya sa biological father ni Therese. "Anong ginagawa mo dito?" nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Bakit nga ba siya nandito. "Ah may ka-business partner kasi akong susunduin, sir." tumingin siya sa wrist watch niya. "Ten-thirty ang arrival niya." tumango ito sa sinabi niya. "Ah, sige mauna ako sayo." ngumiti ito saka siya nilagpasan. "Sir," pagpipigil niya dito. Tumigil ito at humarap sa kanya. "May kailangan ka ba?" "Iyong anak niyo po nakaalis na po ba?" tumango ito. "Malapit na baka nakasakay na 'yun." "Ah sayang hindi sila gaanong nagkausap ni Therese." "Yeah. Kung ano kasing gusto niya ginagawa niya agad." tumaas-baba ang dibdib nito. "Saan po siya sa States?" "Los Angeles, she currently work as teller sa isa sa mga bangko doon." "Good for her." tumawa ito. "I have to go Ken, until next time." ngumiti siya. "Take care sir." marahan siya nitong tinapik sa balikat bago umalis. Napabuntong-hininga siya habang tinatanaw ang ginoo na papalayo. Hindi na siya makakapasok sa loob. Hindi na niya makakausap ang dalaga. Ngunit sisiguraduhin niyang hindi ito ang huling pagkikita nila. Kung kailangan niyang halughugin ang buong Los Angeles gagawin niya. Si Joey lang ang gusto niya. Nagbanggaan ang ngipin niyang umalis ng airport. Gagawa na lang siya ng paraan para makasunod sa dalaga. Babalik na muna siya sa trabaho. Kailangan niyang pagplanuhan ang gagawin niyang pagpunta sa Amerika. Kung pupunta siya ng Amerika malaya silang makakagalaw doon. Malaya niyang makakasama ang dalaga. Ngunit ang labis na pinangangambahan niya ay kung gusto rin ba siya nitong makasama. Kahit ano man ang magiging sagot handa siyang tanggapin iyon ang mahalaga mabigyan sila ng pagkakataon nitong mag-usap. "Joey!" puno ng tuwa ang boses ng filipina na katabi ng apartment ng dalaga. Agad siya nitong niyakap at hinalikan sa magkabilang pisnge. "I miss you joey." "Na-miss din kita, hirap akong ubusin ang isang pakiti ng sigarilyo ko dahil wala ka." she pouted. Napataas ang isang kilay niya sa ginawa nito. "Heh! Hindi ka na bata." nagtawanan silang dalawa. Sinabayan siya nito patungo sa door niya. "Hi joey girl, your back." bati sa kanya ng isang black-american na si Suzie. Kakalabas lang nito sa unit nito nang makita siyang paakyat ng hagdan. "Yeah." "Let's some drink later, huh?" nginitian niya ito. "Sure." sabay silang napatingin ni Natalia sa isa't-isa. "Lasinggera talaga 'yung negra na 'yun." napahagikgik siya sa sinabi nito. "Tumigil ka nga, baka may makarinig sayo." saway niya dito. "Who cares? Tayo lang naman may royal blood dito, noh." "Royal blood talaga ha?" "Naman. Kahit pagsasabihan pa natin sila na buang sila at walang hiya hindi naman maiintindihan ng mga iyan." napapailing na lamang siya sa kaibigan. Ito ang mundo na kinalalagyan niya. Prangka at walang paligoy-ligoy ang tao. What you see is what you get at gan'un siya. Hindi niya kailangang itago ang tunay niyang pagkatao dahil naiiba siya sa iba. Ito ang mundo na kahit sino ay malaya na kumilos. Kahit mga taong nasa third s*x nakakagalaw ng gusto nila. Dala niya ang luggage niya patungo sa second floor kung nasaan ang unit niya. Kasama niya si Natalia. Nag-aaral pa lang siya sa kolihiyo kapit-bahay niya na ito. Mas matanda ito sa kanya ng limang taon. Nagtatrabaho itong nurse. Ito lang palagi niyang nalalapitan, maliban sa mabait ito kababayan pa sila. Mas matanda ito sa kanya pero ayaw nitong tawagin niyang Ate. Daig pa ang teenager nito kung mag-isip. "Bakit nga pala napaaga ang balik mo?" usisa nito nang makarating sila sa tapat ng unit niya. "Ano namang gagawin ko doon? Nakakaboring sa Pinas." binuksan niya ang pinto ng unit niya. "Kung sa bagay. Babalik ka na agad sa trabaho mo?" tumango siya sa untag nito. "Joey papasok muna ako sa kwarto, duty hours na naman." nginitian niya ang kaibigan. "Hoy pasalubong ko ha?" natawa siya dito. "Oo. Ibibigay ko mamaya pag-uwi mo." ngumiti ito pumasok sa kabilang unit. Bumuntong-hininga siyang pumasok sa unit niya. Napangiti siya nang makapasok siya. Bumalik na din siya sa tahimik at mapayapang buhay. Nag-iisa at hindi umaasa sa ibang tao. Hila niya ang luggage papasok sa silid niya. Dumerecho siya sa paghiga sa kama niya. Na-miss niya ito. Iginapang niya ang kamay niya sa side table niya. Binuksan niya ang drawer at kinuha ang remote ng aircon at ini-on iyon "Sa wakas tahimik na uli ang buhay ko." Napapadpad sa kisame ang paningin niya. "Kenneth," bulalas niya sa pangalan ng binata. Napangisi siya. Anong magagawa niya sa kanyang sitwasyon ngayon? Wala. At wala na siyang ibang dapat gawin. Nasa amerika na siya ngunit ang kanyang isipan ay nasa Pilipinas at kay Kenneth. Kailangan niyang kalimutan si Kenneth lalo na't ito ang mapapangasawa ng stepsister niya. Marami pa namang lalaking darating sa buhay niya. Pilit ang ngiti niya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Magpapahinga na muna siya. Ilang milya pa naman ang ibinyahe niya. Hindi maipinta ang mukha ni Kenneth matapos siyang suntukin ni Freddie. Nakipagkita siya sa papa ni Joey at inamin niya ang tungkol sa pagkahumaling niya sa anak nito. Nagalit ito sa nalaman nito. Ngunit kailangan niyang harapin ang galit nito kung gusto niyang makita uli ang dalaga. Hindi na rin maaring sila lang dalawa ni Joey ang nakakaalam ng lahat. Lalo na't wala siyang planong itago ang tungkol sa nararamdaman niya. Kaya niyang ipagtanggol ang dalaga. Paninindigan niya ang kanyang nararamdaman. "Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin sa aking gusto mo ang anak ko." matigas ang boses nito. "Sir, gusto kong maging tapat sa inyo." pinunasan niya ang dugo sa kanyang labi. "Hindi sinasadyang nagkita kami at nagustuhan ko siya." umiling ito. "At si Therese?" "Sir alam niyo naman pong ipinagkasundo lang kami. Ayaw ko po siyang pakasalan." ngumisi ito sa kanya at umiling. "Kenneth, isang malaking g**o itong gusto mo. Pamilya na kami ni therese, Kenneth." namaywang ito. "Itigil mo na ito Mr. Lee." naging pormal ang boses nito. "Pero sir mahal ko na po ang anak niyo. I want to be with here." ngumiti ito. "Alam mo Kenneth kung gusto ka rin ng anak ko, sinabi niya na 'yun sayo. Si Joey ang klase ng taong gagawin ang kung anong naiisip niya. Sasabihin niya kung anong gusto niya. Kaya kung ako sayo 'wag ka na magsayang ng oras. Huwag mong gawin kasangkapan ang anak ko para makatakas ka sa pagkakatali mo." aalis na sana ito ngunit lumuhod siya sa harap nito. "Sir seryuso po ako. Mahal ko po si Joey. Please sir gusto ko pong malaman kung anong address niya sa Amerika." bumuntong hininga ito. "Pag-iisipan ko." Hindi na ito nagpapigil at mabilis na umalis. Napapikit siyang tumayo sa pagkakaluhod niya. Lumabas siya sa restaurant na pinagkitaan nila ni Freddie. Sumakay siya sa kotse niya na nakaparada sa labas. Napabuntong-hininga siya sa nangyari sa kanya. Sana naman mapapayag niya ang papa ni Joey na puntahan niya ito sa Amerika. Sigurado na siya na mahal niya si Joey. Laglag ang balikat ni Joey habang paakyat ng apartment niya. Dalawang linggo na mula nang makabalik siya mula sa Pilipinas. Hindi niya pa rin magawang kalimutan ang mga nangyari. Lalo na si Kenneth. Hindi niya maintindihan kung bakit hanggang ngayon ito pa rin ang laging laman ng isip niya. Bawat detalye tungkol dito ay naaalala niya. Ang matamis nitong ngiti, mabango nitong amoy, mapang-akit nitong mga mata, ang mainit nitong yakap at maingat nitong halik, lahat ng iyon ay naaalala niya bawat sandali. Hindi niya alam kung nami-miss niya ito o nangungulila sa isang lalaki. Pero hindi naman siya ganito noon. "Joey," napalingon siya kay Natalia na kalalabas lang sa unit nito. "Nakauwi ka na pala?" untag niya dito. Lumapit ito sa kanya. "Oo. Joey, may naghahanap sayo." kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Sa akin? Sino naman maghahanap sa akin? Wala akong utang, ano." pagbibiro niya. Inikutan siya nito ng mata. "Niloloko mo pa ako. Alam mo kung hindi lang kita kaibigan kanina ko pa ni-r**e 'yung bisita mo." mas lalong gumulo ang isip niya. Sino naman bibisita sa kanya? Kahit nga mga katrabaho niya hindi niya niyayaya dito sa pad niya. "Sino naman bibisita sa akin?" ngumiti ito bigla at sinundot-sundot ang tagiliran niya. "Hindi mo sinabi sa akin na may boyfriend ka pala sa pilipinas ha?" salubong ang kilay niyang hinarap ang dalaga. Boyfriend? Hindi naman siya nagkaroon ng nobyo sa Pilipinas. Ni hindi niya nga alam kung nagka-nobyo siya buong buhay niya. Lahat naman ng pinapasukan niyang relasyon palipas oras lang. Halos hindi niya na nga maalala ang mga lalaking naka-date niya. Maliban na lang kay Kenneth. Hirap na hirap siyang kalimutan ito. Pero tulad ng iba hanggang kama lang ang kaya niyang ibigay dito. Kahit gustuhin niya pang mahalin ito hindi rin naman maari dahil ikakasal na ito at sa babaeng malapit sa kanya. "Anong boyfriend? Tumigil ka nga." humakbang siya palapit sa pinto niya. Hinanap niya ang susi sa sling bag niya. "May bisita ka nga galing daw siya sa Pilipinas. Hinahanap niya daw ang babaeng mahal niya at ikaw 'yun." inilingan niya ito. "Ewan ko sayo." kinuha niya ang susi at binuksan ang unit niya. "Kenneth Lee daw pangalan niya." natigilan siya sa sinabi ng kaibigan. Nilingon niya ito. "Ano 'yun?" pagkaklaro niya. "Kenneth Lee." hindi niya alam kung anong isasagot. Seryuso ba ito? Sumunod si Kenneth sa kanya? Paano nito nalaman ang address niya? "Sabi niya nga pala, babalik daw siya mamaya. Magche-check in na daw muna siya sa hotel." "Hindi ko siya kilala. At pwede bang huwag mo na siyang kausapin? Pasasabihan ko ang security na huwag na siyang papasukin dito sa building." "Ano? Pero bakit--." hindi na nito nagawang tapusin ang sasabihin nito dahil sa mabilis siyang pumasok ng silid niya at ini-lock ang pinto. Agad niyang hinuli ang landline sa sala at tinawagan ang security na nasa entrance ng building. Sinabihan niyang huwag magpapasok ng lalaking Kenneth Lee ang pangalan. Hindi niya na dapat pang kausapin ang lalaking iyon. Tapos na sila. Wala nga naman pala talagang sila. Dapat hindi na ito pumunta dito. Okay na ang lahat. Unti-unti na niyang natatanggap na ikakasal ito kay Therese. "Hinahanap niya daw 'yung babaeng mahal niya at ikaw daw 'yun." Napailing siya nang maalala ang sinabi ni Natalia. Mahal? Nababaliw ba siya? Malinaw naman ang tungkol sa kanila. It's just for fun. Supposedly. Pero pareho silang ginugulo ng bawat isa. Hindi pwede ang gusto nito. Ayaw niyang maging karibal ang stepsister niya. Ang laki ng tiwala at ang bait nito sa kanilang mag-ama. Pinaaral pa siya ng Mommy nito. Ano pang mukha ang ihaharap niya kung papatulan niya si Kenneth. Alam niyang mali ang mga nangyari sa kanila. Pero kung nalaman niya lang na si Kenneth ang fiancee nito, hindi aabot sa ganito ang lahat. Ayaw niyang masira ang bagong pamilya na mayroon silang mag-ama. Ayaw niyang masaktan ang mag-ina, ayaw niyang magkagulo silang lahat. Hindi na importante kung anong nararamdaman niya o ng binata. Kailangan niya mapauwi sa Pilipinas si Kenneth. Ayaw niyang malaman pa ni Therese ang tungkol sa kanila. "Pagbibigyan kita sa gusto mo Kenneth. Pero oras na sinabi ng anak ko na layuan mo siya, layuan mo na siya. Ayaw kong magkagulo ang pamilya ko." Napasinghap si Kenneth nang biglang lumitaw sa isip niya ang sinabi ng Papa ni Joey. Nasa labas siya ng building ng apartment ng dalaga. Gusto niyang pumasok pero pinagbawalan daw siya mismo ni Joey.Kung gan'un ayaw nga siya nitong makausap. Nakita niyang lumabas ang babaeng pilipina na nakausap niya kanina sa loob. Hinaranagan niya ito. Ngumiti ito nang makita siya. "Hi, do you remember me?" usisa niya dito. Mas lalong lumawak ang ngiti nito. "Of course. Ikaw 'yung boyfriend ni Joey, right?" nagaalangan siya sa sinabi nito. Sinabi niyang mahal niya si Joey pero hindi naman siya nito nobyo. "H-hindi." napataas ang kilay nito. "Pero mahal mo?" tumango siya. "So kung hindi ka niya boyfriend, suitor?" "Parang gan'un." tumango ito sa sinabi niya. "Pwede mo ba akong tulungan na makausap siya?" umiba ang timpla ng mukha nito. Mukhang alam na niya ang isasagot nito. "Pasensya ka na kenneth, hindi kita matutulungan diyan. Magkaibigan kami ni Joey pero hindi ko pinapakialaman ang personal niyang buhay at gan'un din siya sa akin." napakamot ito sa ulo nito. "Isa pa kapag sinabi kasi ni Joey na ayaw niya, ayaw niya talaga. Gaya ngayon pina-block ka niya sa security. Pasensya na talaga, ha?" "O-okay lang. Sorry din naistorbo kita." aniya. Ngumiti ito. "Maiwan na muna kita Ken may pupuntahan pa kasi ako." tumango na lamang siya't ngumiti. Nang mawala ito sa paningin niya napasinghap na lamang siya. Napatingin siya sa entrance ng building. Kailangan niyang makapasok sa loob at kausapin si Joey pero kapag nagpumulit siya baka makulong naman siya. Mahirap na, nasa ibang bansa pa naman siya. Hindi siya babalik ng pilipinas na hindi ito nakakausap. Kung kailangan niyang abangan ito bente-kwatro oras gagawin niya. "Hindi ako mapapagod na hintayin ka, Joey." aniya sa sarili. Maagang nagising si Kenneth kinabukasan. Nagbihis siya at umalis sa hotel na tinutuluyan niya. Sumakay siya sa taxi at dumerecho siya sa apartment ni Joey. Papasok ito sa trabaho nito kaya siguradong makikita niya ang dalaga. "Thanks," aniya sa taxi driver nang ihinto siya nito sa tapat ng building. Bumaba siya at tumayo malapit sa bulwagan ng building. Habang naghihintay siyang lumabas ang dalaga, iba't-ibang tao ang nakikita niyang lumalabas ng building. Iba't-ibang kulay at lahi. Bawat kilos ng mga ito parang nagmamadali at hinahabol. Natawag ang pansin niya nang marinig ang boses ng security guard na tinawag ang pangalan ni Joey. "Good morning beautiful Joey." "Good morning too, Mack." "Hey it's my daughter's birthday, Joe. There's a simple celebration and I would be glad if you gonna be there." narinig niyang wika ng security sa dalaga. "I won't promise, Mack. But I'll try. Oh, anyway, thank you for the favor last night , Mack." "No problem baby, it's my duty as security guard. Wait that chinese guy, is he your boyfriend?" umiling ito at tinapik sa balikat ang security guard. "No. And I don't want to have a boyfriend." nakaramdam siya ng kirot sa puso niya nang marinig iyon. Pero ano namang aasahan niya. Gan'un naman talaga, hindi naman sila. Nang makalabas ito mabilis niyang hinarang ang sarili niya sa dadaanan nito. Bakas ang pagkagulat nito nang makita siya. Hindi nito inaasahang makikita siya nito. "Kenneth," nginitian niya ito. "Hi," "Anong ginagawa mo dito?" "Gusto kong makausap ka." ngumisi ito. "Tumigil ka na, Kenneth. Umuwi ka na ng Pilipinas." iniwasan siya nito at mabilis na naglakad. Hinabol niya ito. Nakipagsabayan siya sa paglakad nito. "Joey please, mag-usap naman tayo. Gusto kong klaruhin ang lahat." derecho ang tingin nito sa daan. "Anong kaklaruhin mo?" "Tayo." huminto ito paglakad at humarap sa kanya. "Tayo? Teka lang Kenneth wala akong maalalang may tayo pala. At kahit minsan hindi nagkaroon ng tayo." umiling siya. "Mahal kita, Joey." tinawanan siya nito. Tawa na tila isa siyang tanga sa mundo na nabubuhay. "Seryuso ako. At sana sabihin mo ding mahal mo ako." tumingin ito sa mga mata niya. "Mahal? Hindi ako marunong n'un, Kenneth." "Pero iyon ang naramdaman ko nang magkasama tayo." "Bakit mo nasabing mahal kita? Dahil hinalikan kita, dahil nagkayakap tayo, dahil nakipag-siping ako sayo?" ngumisi ito. "C'mon Kenneth, hindi dahil nakipag-s*x sayo 'yung tao, mahal ka na niya." "Joey," "Nakakatawa ka, Ken. Tingnan mo ang mga taong nandito? Having s*x with strangers in this country is not a big deal. Laro na lang para sa mga tao dito ang pakikipagtalik, Ken." "And you adopt that kind of attitude?" "What do you think? Hindi naman ako virgin nang makipag-s*x sayo. Umuwi ka na Kenneth nagsasayang ka lang ng panahon dito. And don't worry hindi ko ikekwento kay therese kung gaano ka kagaling sa kama." kinindatan siya nito. "Bye." dumerecho ito sa paglakad. Nang tingnan niya ito nakatawid na ito sa kabilang lane. Masama ang pakiramdam ni Joey buong araw. Hindi siya gaanong makapag-isip sa trabaho niya. Nasa loob nga siya ng bangko pero wala naman doon ang isip niya. Hanggang sa naglabasan na lang sila sa trabaho. Dumerecho na siya pauwi ng apartment niya. Naglakad lang siya. Hindi uso sa mga tao ang sumakay ng taxi. Mas maraming naglalakad mula sa bahay hanggang trabaho. Na mas nakakabuti naman sa katawan ng tao. Araw-araw naglalakad siya ng twenty-minutes mula apartment niya hanggang sa bangko na pinapasukan niya. Kahit noong nag-aaral pa siya gan'un din ang daily routine niya. Ten-minutes nga lang ang lalakarin niya mula sa apartment hanggang sa univirsity na pinag-aaralan niya noon. Marami na din siyang naging kaibigan at kakilala sa loob ng walong taon niyang pamamalagi sa Amerika. Naging malapit na rin nga sa kanya ang mga security guards ng apartment nila. Para niya na ring kuya ang mga iyon. Bago niya nga pala makalimutan bibili na muna siya ng regalo para sa anak ni Mack. Napadaan siya sa isang department store. Binilhan niya ng dress ang three years old nitong anak. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Napasinghap siya nang makita si Kenneth na nakatayo sa labas ng apartment. "Bakit ka pa nandito?" ngumiti ito at lumapit sa kanya. "Magpapaalam lang ako. Mamayang madaling araw ang flight ko. Pasensya na kung naistorbo kita. Pero Joey 'yung sinabi kong mahal kita, totoo 'yun. Mahal kita." "Hindi importante sa akin kung totoo 'yun o hindi dahil wala naman akong pakialam d'un." ngumiti ito na may lungkot sa mga mata. "Sige, aalis na ako. Kakalimutan ko na ang lahat." Nang lagpasan siya nito para siyang pinana sa tapat ng puso niya. Gusto niyang hawakan ang kamay nito at yakapin ngunit pilit niyang kinokontrol ang emosyon niya. Ito ang dapat niyang gawin. Hindi siya marunong magmahal. Ngunit ang luha niya ang magsasabi ng totoo niyang nararamdaman. Iiiyak niya na lamang ang lahat. "I'm sorry, Kenneth. Natatakot akong mahalin ka."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD