Kabanata 01: Parcel Delivery

2777 Words
DAPHNE MADRIGAL'S POINT OF VIEW “Walang hiya ka! Ang kapal-kapal ng mukha mong lintek ka!” Nawindang ang buong pagkatao ko nang marinig ang malakas na sigaw ng kaibigan kong si Alila. Mula sa pagkakaidlip ay mabilis akong bumangon atsaka mabilis na lumabas ng kwarto. Bumungad lang naman sa akin ang kaibigan kong tomboy na mayroong hawak na kutsilyo habang kaharap ang walang hiyang lalaking nanakit sa damdamin ko bilang isang babae. Imbis na mataranta, ay kalmado atsaka seryosong naglakad lang ako papalapit sa kanilang dalawa. Bakas ang galit sa mukha nilang pareho. Mukhang napansin rin naman nila ang presensya ko kaya nabaling sa akin ang atensyon nilang dalawa. “Daphne! Gising ka na pala—pasensya na, sasaksakin ko na sana ang gagong 'to pero bigla kong naalala na ayaw ko pa lang mabulok sa kulungan,” sabi ni Alila. “Anong ginagawa mo rito, Cronus?” tanong ko sa lalaking ngayon ay masama ang tingin sa akin. Ibang-iba na ang itsura niya kesa noong huling beses kaming nagkita. Mayroon na siyang tattoo sa pisngi, leeg at braso. Malayong-malayo na sa lalaking minahal ko. “Can't you make your sh*tty friend shut the fvck up?! Bagay ka talagang sumama sa mga gan'yang klaseng nilalang 'eh 'no? Pareha kayong cheap tignan. Look at you, Daphne.” Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “You’re still the piece of trash that you used to be. Nakipaghiwalay ako sa'yo dahil makakasira sa image ko ang paraan ng pananamit mo—no, 'yang itsura at ikaw mismo. Don't you get it? You need to change to be with me, Daph.” Hindi makapaniwalang natawa ako, pumalakpak pa ako ng mabagal sa harapan niya bago ko siya dinuro. “Hoy ikaw, ang galing mo rin 'eh 'no? Sumikat ka lang, ganiyan na ang trato mo sa babaeng dahilan kung bakit nandiyan ka sa kinalalagyan mo ngayon.” Sinamaan ko siya ng tingin. “Nakipaghiwalay ka na sa akin diba? Wala na tayo, Cronus. Kung iniisip mo na aabutin ko ang standard mo sa babae at maghahabol ako sa'yo, pwes, nagkakamali ka.” Nilingon ko si Alila bago ay inagaw ang kutsilyo na hawak niya. Tinutok ko 'yon kay Cronus. “Manang ako manamit? Mukha akong tomboy? Lalaki kung umakto? Hindi ako magbabago para sa isang lalaking kagaya mo. Eh ano naman ngayon kung sikat ka na, huh? Wala ka pa nga sa kalingkingan ng mga pinsan mo, pero mayabang ka na. Ang mga taong gaya mo ay hindi nananatili sa itaas!” Umakto ako na sasaksakin ko siya kaya mabilis siyang napaatras. “Kaya umalis ka na rito at huwag ka nang magpapakita sa akin kung ayaw mong masaksak kita!” Nanlilisik ang mga mata na banta ko sa kaniya. Mukhang effective naman ang pananakot ko dahil unti-unti siyang umatras. “B-Baliw ka na! Magsama kayo niyang tomboy mong kaibigan!” sigaw niya pa na akala niya ay matatakot ako sa sinabi niya. “Che! Ang pangit mo na lalo, g*go!” sigaw pabalik din naman ni Alila bago ay padabog na sinarado ang pinto ng apartment namin. Napahilamos na lang ako ng mukha ko bago ay binitawan sa sahig ang kutsilyo. “Sorry, boi! Akala ko kasi 'yung order ko nang pagkain kaya pinagbuksan ko ng pinto,” aniya habang hinahabol ako papunta sa kusina. Nginitian ko naman si Alila. “Ayos lang boi, ano ka ba? Magiisang buwan na rin naman magmula nang iwan ako ng g*gong 'yon. Masakit, oo—pero anong magagawa ko? Eh sa gan'to nga ako. Hindi ko babaguhin ang sarili ko para lang maabot ko ang standard niya ngayong nakakangat na siya. Dahil in the first place ay siya naman talaga ang nagbago.” “Tama ka diyan,” tumatango na pagsangayon ni Alila. Pumasok na rin naman ako sa banyo para maligo. Matagal akong nakatayo lang sa ilalim ng shower atsaka nagisip-sip. Ako si Daphne Madrigal, twenty-nine years old. Hindi ako mayaman, pero hindi rin naman ako mahirap. Nakahiwalay ako sa pamilya ko, malayo ako sa kanila dahil pinalaki nila akong independent o malayo ang loob sa kanila. Ang lintek na lalaking nambulabog kanina na Cronus ang pangalan ay ang ex boyfriend ko, we're college sweethearts. Pero sabi nga nila, wala talagang permanente sa mundo. Dahil nang makaangat na siya sa music industry, ay tila kinalimutan niya nang mahal niya ako. Gusto niya akong baguhin, gusto niyang ma-reach ko ang standard ng publiko para raw hindi siya mapahiya. Pero hindi ko gagawin 'yon, dahil mahal ko ang sarili ko. Hindi naman kasi ako tomboy. Sadyang 'di tulad ng ibang babae ay ayaw ko ang mga makeups o ano mang disenyo sa mukha. Hindi rin ako nagsusuot ng mga sexy na damit, puro oversized shirt lang, maong pants, trousers at iba pa. Minahal ako ni Cronus na ganito ako noon, kaya masakit sa akin at halos hindi ko rin talaga matanggap na ito rin ang dahilan kung bakit hindi niya na ako mahal ngayon. He's done using me afterall, nakaangat na siya tulad ng gusto niya kaya siguradong humahanap na lang siya ng paraan naitapon ako in a way na hindi siya masyadong lalamunin ng konsensya niya. Demonyo, right? Lintek talaga! Kahit kailan talaga ay lintek ang mga lalaki! Nakakainis! Edi sana nag-tomboy na lang ako kung gantong sasaktan lang din naman ako ng lalaki, diba? Hindi naman na ako nagtagal pa sa banyo dahil may pasok pa ako sa trabaho ko. “Alila, tara na!” aya ko sa kaibigan ko. Tumayo naman na siya mula sa pagkakahiga niya sa sofa. “Bagal mo, nag-emote ka pa ba sa banyo?” naiinip na tanong niya sa akin. Pinakitaan ko naman siya ng middle finger ko. “Fvck you, Alila. Sinong mag-eemote? Hindi ka-emote emote si Cronus.” Tinawanan niya naman ako. “Pero maga ang mga mata mo, boi?” aniya kaya nagulat ako't napahawak sa eyebags ko. Natahimik ako. Umiiyak pala ako kanina? Bakit hindi ko man lang naramdaman. Bumuntong hininga naman siya bago ay naglakad palapit sa akin atsaka tinapik ang balikat ko. “Hindi mo kasi binigay ang gusto niya—” Pinandilatan ko siya ng mata. “College sweetheart kami, Alila. Six years na kaming magkasintahan! Hindi naman basta-basta naglalaho ang pagmamahal, diba?” “That's the problem, mah prend.” Umiling-iling pa siya. “Sa six years ba na 'yon ay nabigay mo ang gusto niya? Or gusto ng mga tulad niyang lalaki?” tanong sa akin ni Alila. Natigilan naman ako at napaisip bago ay sumagot. “We did nothing more than a few oral s*x... hindi ako handang ibigay ang sarili ko sa kaniya.” Pumitik siya sa ere. “Ayan! Isa siguro 'yan sa dahilan, Daphne. Pero alam mo? Wala naman na, matapos ng mga sinabi niya sa'yo ay wala na ring kwenta mga mga ganiyang bagay lalo na't hindi ka naman siguro tanga para balikan pa ang lalaking kung ano-ano nang masasakit na salita ang sinabi sa'yo.” Namewang siya. “Imagine? Sa simpleng oversized shirt na mga suot mo ay nile-labelan ka na niya bilang tomboy? Dahil lang hindi ka mahilig sa mga makeups and accessories? Hell nah! Ngayon na pinakawalan ka niya, ay hindi niya na talaga matitikman ang tunay mong sarap.” Natawa naman ako dahil sa huling sinabi ni Alila. “Loko ka talaga, boi!” malakas kong saad bago ay tumatawa pa rin. Pero tama naman siya, dahil sa panggagago sa akin no Cronus, ay talagang hindi niya na matitikman ang masarap na version ko. Tama... Ako naman ang humawak ngayon sa balikat ni Alila. Mas matanggap kasi ako sa kaniya. “What if... magpasarap na lang ako bilang revenge sa kaniya?” tanong ko. “Oh ‘di naman kaya ay humanap ako ng lalaki na talagang ipapalasap sa akin ang sarap? Gusto ko na siyang kalimutan, gusto ko nang alisin nag presensya niya sa isipan ko.” Napangiwi naman si Alila. “Woah, woah, woah!” With matching pagpigil pa sa akin gamit ang mga kamay niya. “Sa dami ng sinabi mo ay isa lang ang maintindihan ko—you mean hindi ka nasa-satisfy ni Cronus?!” gulat na tanong niya sa akin. Napatakip na lang ako sa tenga ko dahil dumagundong ang boses niya sa loob ng silid. “Ang lakas naman ng boses mo!” sigaw ko pabalik. “'Di nga?! Never mo pa ba naranasan mag-climax?!” Dahan-dahan akong umiling. “Hindi pa... sa anim na taon naming pagsasama ay hindi ko a naranasan 'yon sa mga daliri niya.” Napatakip naman siya kunwari sa bibig niya dahil sa labis na gulat. “Holy mother of God! Hindi mo kailangang maghanap ng lalaki, mah prend! Pwedeng-pwede na ipalasap sa'yo ng laruan ang langit na inaasam mo.” Napangiwi ako dahil sa sinabi ni Alila. “You mean, toys? Anong klaseng laruan? May ganoon ba?” Humalakhak naman siya. “Send ko sa'yo link ng online shop nila mamaya!” ani niya sabay kindat sa akin. “Pero for now, tara na muna at pumasok na tayo. Baka sisantihen na tayo ni bossing kung tanghaliin na tayo ng pasok.” HINDI na rin naman kami nagtagal pa ni Alila, agad na rin kaming lumabas atsaka hinintay saglit ang pagakin na in-order niya. Dinala na lamang namin 'yon sa coffee shop bago ay 'don 'yun kinain. Sinend niya na rin sa akin ang link ng online shop na at sinasabi niyang bilhan ko raw ng laruan. ‘Eh hindi ko naman talaga alam kung paano gamitin ang mga laruan na 'yon. Atsaka isa pa, mas mapapaligaya ba talaga ako 'non kesa ng ex kong g*go? Well, hindi ko nga naman malalaman kung hindi ko susubukan. “HAYYYYY!” Pabagsak akong humiga sa kama ko. Alas nueve na ng gabi, at kaka-out ko lang mula sa café. Miss na miss na talaga ng katawan ko ang malambot kong kama. Nasa ganoong sitwasyon ako ng marinig ko ang malakas na pag-ring ng cellphone ko. “Hello?” agad na bungad ko nang sagutin ko ang tawag. “Ano? Nakapag-order ka na ba?” tanong sa akin ni Alila. Lintek na tomboy 'to, excited na excited namang makapag-order ako ng suggestion niya. “Bakit ba mas excited ka pa sa akin ha?” “G*go! Eh paanong hindi, naka eighty percent off sila ngayon! Kaya bilisan mo na at orderin mo na lahat nang sumaya naman buhay mo.” Halos pasigaw na sabi niya na mula sa kabilang linya. Napangiwi na lamang ako bago ay bumangon atsaka umayos ng upo. “Oo na, oo na! Siguraduhin mo lang talagang mapapaligaya ako ng mga laruan na 'to, Alila!” banta ko sa kaniya. Tumawa lang lang naman siya bago ay pinatay na ang tawag. Magkasalubong ang mga kilay ko nang buksan ko na ang online shopping app bago tinignan ang shop na sinasabi ni Alila. Namangha ako sa dami ng mga laruan. Iba't-ibang hugis, sized at purpose. At totoo nga ang sinabi ni gaga, naka-sale nga sila! Sobrang laki ng discount kaya hindi ko na rin napigilan pa ang sarili ko na bilhin ang mga sa tingin ko ay maganda at effective. “And done!” sabi ko nang pindutin ko ang order button. “Magagamit ko kaya ang mga 'to?” tanong ko sa sarili ko habang nakangiti. Muli akong humiga sa kama. “Hay nako! Bahala na, pwede ko namang ibigay kay Alila nang magamit niya sa sarili at sa girlfriend niya.” Pero totoo rin naman kasi ang sinabi ko na sa anim na taong pagsasama namin ni Cronus, ay hindi ko naranasang labasan. Siguro dahil palaging siya ang inaatupag ko? Dahil hindi niya naman ako pinapaligaya? Ganoon ba talaga kahirap labasan ang babae kapag hindi pinasukan ng ari ng lalaki? “Ayyy! Ewan ko!” saad ko na lamang bago ay nilapag na ang cellphone ko. TATLONG araw ang lumipas at sa wakas ay idi-deliver na ngayon ang order ko. Nakita ko na kasing our for delivery na ang parcel, at siguradong mamayang gabi ay darating na 'yon. “Mauna na ako, Daphne!” ani ng isa sa ka-workmate ko matapos kong isara ang café. Kami kasi ang naka-duty ngayon. “Sige, Atasia! Ingat ka ha?” Tumango lang naman siya at naghiwalay na kami ng daan. Agad ko namang nilabas ang phone ko nang mag-vibrate ito. Mayroong nag-text kaya agad kong tinignan. “From: Delivery Rider Parcel delivered at Damyu Building, apartment no. sixty nine.” Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang mensahe. “A-Ano daw?! Anong Damyu? Dakyu Building ang apartment ko!” Nanlumo ako nang ma-realize ang isang posibilidad. “N-Nagkamali ba ako ng type? Damyu ba ang nailagay ko?!” “S-Sh*t!” Agad na akong tumakbo palapit sa sakyan ng mga taxi. “K-Kuya! Damyu hotel po!” agad na sabi ko sa driver. Halatang may pagmamadali sa boses ko kaya agad na rin siyang nagmaneho. Nang makarating ako sa Damyu Hotel, ay talagang mahigpit an security. May nakita akong dalawang guard na nagkakape sa gilid, pero hindi sila nakabantay sa mismong pinto. Parang seryoso kasi silang naguusap. “T*ngina! Paanong hindi mahigpit ang security, ‘eh mga bigatin ang nakatira dito! Pero wala akong pakaialam, kesa naman marumihan ang dignidad ko dahil pangalan ko ang andon sa parcel,” sambit ko sa isipan ko. Nag-sign of the cross na muna ako bago ay nag-ala Olympic runner na tinakbo ang pinto ng hotel. “Hoy!” rinig kong malakas na sigaw ng guard sa akin pero hindi ako huminto at mas kumaripas pa ng takbo. “Sorry kuya! May kukunin lang ako sa loob! Baka masira ang dignidad ko kapag hindi ko 'yon nakuha!” sigaw ko pa pabalik habang tumatakbo. Alam kong hinahabol na nila ako ngayon, pero wala akong pakialam. Kailangan kong makapunta sa fifth floor at room sixty-nine! Jusko, ‘yan kasi ang room number ng apartment ko, at 'don din na-deliver. Agad na akong dumiretso sa elevator, kaya lang ay mayroon pang gumagamit. “Bumalik ka dito!” malakas na sigaw na naman ng mga guard kaya nataranta ako. “A-Ahh! Hagdan!” sigaw ko at agad nang dumeretso sa may hagdan. Mga tabachoy naman ang guard kaya siguradong mabilis silang mapagod. Tinakbo ko ang hagdan mula first floor hanggang fifth floor. Halos kapos na ang paghinga ko nang nasa fourth floor pa lang ako. Pero sa awa ng diyos, ay mukhang sumuko na ang mga guard dahil wala na sila. “M-Malapit na, t-tangina!” kapus ang paghinga na sambit ko nang limang baitang ng hagdan na lamang ang aakyatin ko at nasa fifth floor na ako. Isa... Dalawa... Tatlo... Apat... Lima... Sa wakas! T*ngina! Kahit pagod ay hinanap ko na ang apartment no. sixty nine. Hindi naman na nagtagal pa ang paghahanap ko dahil malapit lang. Sunod-sunod kong pinindot ang doorbell. Humaharap rin ako sa cam ng pintuan. “Hello?! M-May dineliver bang parcel dito?” Humawak ako sa dibdib ko bago ay humugot ng malalim na hininga. Para na kasi akong hinihika, jusko! “H-Hello! P-Please—” “Hoy! Lagot ka samin ngayon!” Namutla ako nang lumingon sa pinanggalingan ng boses, bumungad lang naman sa akin ang dalawang guard na kalalabas lang ng elevator. “Ahh! Buksan mo! Buksan mo!” natatarantang sigaw ko sabay katok na sa pinto. Hindi ako nakatingin exactly sa pintuan, kaya hindi ko namalayan binuksan na pala ng mayari ng apartment ang pinto. Namalayan ko na lang ng mahampas ko na ang dibdib niya atsaka bigla akong hinatak papasok bago pa man ako maabutan ng mga guard. Nasubsob ako sa dibdib ng taong humila sa akin papasok. Pero agad din akong nakabawi atsaka lumayo, hinanap ko kaagad ang parcel nang lumingon-lingon ako. At halos gumuho ang mundo ko nang makita na nakabukas na ito, at nakakalat pa ang mga s*x toys sa sahig. Napatakip na lang ako sa mukha ko. “T-T*ngina...” hiyang-hiya kong pagmumura. Pero mas nakakahiya kung magtatagal pa ako dito kaya agad na akong nagsalita ulit. “P-Parcel ko 'yon... bakit mo binuksan—” hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang tumingala ako para tignan ang mukha ng taong mayari ng apartment. Natuod ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko inaakala na ganito pala kalupit ang to tadhana sa akin. Dahil ang taong nasa harapan ko at nakakita ng laman ng parcel ko ay walang iba kundi si Apollo Makriz. Isang sikat na artista, model, business man—mukhang Greek God, at pinsan ng ex kong si Cronus. At kilalang-kilaa bilang isang lalaki na mas malamig pa sa yelo. Oh lupa, lamunin mo ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD