CHAPTER 2

1277 Words
Nanggagalaiti sa galit si Enaid habang pinupunasan ang kanyang mukha gamit ang tissue. Kasalukuyang nasa loob sila nang Comfort Room. "Napaka Un-gentleman nang lalaking iyon! Walang hiya!" Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na murahin nang murahin ang lalaking dahilan nang kanyang pagkabasa. Padaskol niyang tinapon sa basurahan ang hawak na tissue mula sa kanyang kinatatayuan. "Pag nagkita pa kami sinisigurado kong mapipisa ang itlog niya!" Tinampal tampal ni Rose ang kanyang likuran. "Bes kanina ka pa namin inaawat eh ayaw mo naman. Tuloy nabuhusan ka ni Mr. Hot nang tubig" Nagsalubong ang kilay nito at nakapamewang na humarap sa kanyang kaibigan. "So binigyan mo pa nang compliment ang bastos na yun? Bes ako ang biktima dito!" Hindi niya maiwasang sitahin ang sarili sa pagbibigay nang komplimento sa lalaki kanina. Kung alam lang niyang bastos naman pala ito hindi na niya dapat ito pinuri pa sa isip. looks can be deceiving.. Erica rolled her eyes heaven ward at hinila siya palabas nang Cr. "Ewan ko ba kasi sayo kung bakit nakipag agawan ka pa eh! Ang dami dami namang tubig yung kay pogi pa ang gusto mo. Naku! Bes magsabi ka nga? Tinamaan ka ba sa kakisigan niya?" Tinusok tusok ni Erica ang kanyang tagiliran at naguumpisa na ang dalawa na tuksuhin siya. "Excuse me! Ni hindi ko nga nilingon ang empaktong iyon! Teka nga! Bakit ba parang ako yung lumalabas na masama. Bat parang sinasabi niyo na sinadya ko?" Tinuro niya ang kanyang sarili sabay irap sa dalawa. Napatawa nalang sila sa kanyang sinabi. "Wala kaming sinabi ha!" Nilagpasan niya ang mga ito at nagpatiuna nang maglakad. Wala na sa konsentrasyon ang paghahanap niya ng trabaho. Parang BAD LUCK yata sakanya ang lalaki. "Oh saan tayo pupunta ngayon?" Tanong ni Erica na hindi niya namalayang nakaabot na pala sakanya ang dalawa. "Uwi nalang tayo bukas na lang ako mag-aaplay. Feeling ko kasi hindi maganda ang araw na ito" "At bakit naman aber?" Siniko siya ni Rose na nasa bandang kaliwa niya. Nilingon niya ito. "Bad Luck yung bastos na yun. Baka hindi ako matanggap sa kahit anong aplayan ko" "Uy huwag ganun! Isipin mo sayang ang araw na ito tyaka maaga pa naman" Tinignan ni Erica ang kanyang relong pambisig sabay hila sakanya. "Tara!" "Te--teka saan?" Pigil niya dito. Pero hindi parin siya nito binitawan at hinila parin. "Sa aaplayan mo" "Eh wala pa nga akong nakita. Sandali ilalabas ko yung newspaper--" "No need! May nakita kasi ako kaninang papunta ako rito sayang iyon malaking sahod doon for sure. Magugustuhan mo iyon" Wala na itong nagawa kaya hinayaan nalang niya ang kaibigan na hilain siya sa sinasabi nitong aaplayan niya. Napatingala ang magkakaibigan sa napakalaking kompanya sa kanilang harapan. "DAVIDSON PHARMACEUTICAL" malakas na pagbasa ni Rose sa malaking pangalan nang kompanya. "Eto ba ang sinasabi mong aaplayan ko?" Tinuro ni Enaid ang malaking building tyaka kunot noong napatingin kay Erica na nagkarerahan ang kilay nito sa pagtaas baba. "Bakit hiring ba talaga sila? Nabasa mo ba?" Tanong ni Rose kay Erica. Pero pinamewangan niya ang dalawa at umaktong parang nag-iisip. "Uhmm..ang totoo niyan hindi ko nabasa" Ngumiti ito nang malawak sa dalawa. "Narinig ko lang sa nakasabayan ko sa dyip kaninang umaga" Bigla siyang hinila nito at tinungo ang entrance nang building. Hindi na ito nakapagpumiglas pa hanggang sa makarating sila sa HR Department. "Good morning ma'am" Walang pigtas sa ngiti ng kaibigan ni Enaid habang matamang nakatingin sakanya ang isang babae na mas nakababata sa kanila. Pilit na ngumiti ang babae sakanila. "Ahmm ano pong kailangan nila maam?" Tanong nito sakanila. Walang sabi sabing tinulak siya ni Erica papalapit sa babae. "May kailangan siya" Pagkasabi iyon nang kaibigan nito agad siyang iniwan nang dalawa sa loob nang isang cubicle. Huminga siya nang malalim bago bumaling sa babae. "Ahh nakita ko kasi na hiring kayo--" "Ahh..ehh..mag-aaplay po kayo maam?" Kahit nagaalangan siya mariin parin siyang napatango. Dahan dahan niyang binigay sa babae ang kanyang resume na nakapaloob sa isang folder. "Sige maam..try natin ha. Baka makalusot" Napabuga nang hangin ang babaeng tumanggap sa resume niya. Napakunot noo naman ito dahil sa tinuran nang babae. "Tawagan ka nalang namin maam para sa interview" "Sige salamat" Maglalakad na sana ito paalis nang marinig niya ang pagsasalita nang babae. "Paano ba ito! Wala pang qualified na nag-aplay! Patay na naman ako kay boss neto!" Napaisip siya sa qualification na sinasabi nito. Kaya dali-dali siyang lumabas nang building ni hindi na niya pinansin ang kanyang dalawang kaibigan at sumunod na lamang ang mga ito sakanya. "Ano bang problema mo at nagmamadali ka--" "Eto! Eto naman pala ang problema!" Tinuro niya ang nakasulat sa nakapaskil na papel. Nilapit ni Erica ang kanyang mukha doon para mabasa iyon. "HIRING!" Basa nito at nagpatuloy hanggang sa pinakadulo. At doon malumanay niyang sinabi. "At least 40 years old and above--ano?! 40 years old and? Jusko! Anong gusto nilang sekretarya? Yung kulubot na? Pambihirang kompanya oh!" Inismiran niya ito. Na ikinatawa ni Rose na nakatayo sa kanyang tabi. "Oh ano ka ngayon Eca?" "At least! Nakapagpasa siya. Malay mo magbago isip ni tanda at maging bata ang maisip niyang gawing sekretarya diba?!" Pinaglalaban nito ang kanyang katayuan. Kaya napapatingin tingin ito sa kanyang likuran dahil hindi niya mapigilang sawayin ang sarili sa harapan nang dalawa. "Hay naku Eca! Ikaw talaga! Hayaan niyo na bukas nalang ulit. Sana bukas swertehin na ako. Tara na" Napanguso si Erica at mariing kumapit sa braso nang kaibigan. "Sorry na bes. Hindi ko naman lubos akalain na matanda na ang magiging boss mo diyan. Sa ambiance kasi nang building parang feeling ko bata pa yung may ari ganern!" "Tandaan mo Eca! Madaming namamatay sa maling akala" Sabay kurot nito sa ilong nang kaibigan. "NEXT!" Pinalipad ni Rhys Adam patalikod ang folder na nilapag ni Earvie sa kanyang harapan. Napakadami na nitong pinakitang mga nag-applay pero ni isa wala pang pumasa sa kanyang qualifications. "Sir eto po" Pagtingin nito sa pinakamahalagang detalye na kaylangan niyang makita agad ring lumipad ang kawawang folder sa likuran nito. Akmang ilalapag na ni Earvie ang susunod na folder nang pigilan niya ito. "Stop! Sumasakit na ang ulo ko. Pulutin muna ang mga folder na iyan" Sabay turo nito sa mga folder na nagkalat sa kanyang likuran. "Then evaporate" Hindi na nagsalita ang kanyang empleyada at nag atubiling pulutin ang mga folder. Nang matapos niya iyon agad itong nagpaalam sakanya. Napahilamos si Rhys sa kanyang mukha gamit ang dalawang palad nito. Frustrated na siya dahil wala pa itong nakukuhang kapalit nang kanyang sekretarya. Napatayo ito at lumapit sa glass window sa bandang likuran niya. Napadungaw siya doon at mula as kanyang office nakikita ang naglalakihang building at madaming sasakyan sa kalsada. Hinila nito ang kanyang kurbata at pinaluwagan iyon. Tinignan niya ang kanyang cellphone at nakita roon ang numero nang isang kaibigan. Dinayal nito ang numero para tawagan. Pero nang napayuko ito may nakita siyang isang folder na naiwan doon at nakasiksik iyon sa gilid nang kabinet. The person on the other line was about to answer his call nang bigla niya iyong patayin. Sa hindi niya malamang kadahilanan ay unti unti siyang napaupo at hinila ang folder na nasa gilid nang kabinet nito. Binuklat niya iyon at marahang binasa ang qualifications nito at pinasadahan nang tingin ang picture nito. Napa 'tsk' nalang ito at napangiwi. He is about to throw the folder nang biglang napaisip siya. Agad niyang binuklat ulit ang folder na hawak at pinakatitigan ang picture na nasa resume. Did I met this woman? Napapilig ang kanyang ulo upang alalahanin kung saan nga ba niya ito nakita dahil parang pamilyar nga sakanya ang mukha nito. Hanggang sa napangisi ito nalang ito. "Got it!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD