Chapter 6 : Can't Get Enough

872 Words
LUIS   Buong magdamag lamang siyang nakaupo sa kanyang library habang kinakausap ang sarili kung saan ba siya nagkamali sa pagpapalaki niya sa mga anak. Hindi niya ugali na maglasing buong magdamag maliban nalang sa mga oras na yon. Sa klase ng trabaho niya, he solved problems for a living, the bigger and more potentially lethal problem, and he liked it. Marami na nga siyang na resolba na mga problema sa bansa at sa ibang bansa, gaya nalang ng bomb detonation, na confiscate na mga nuclear weapons, at napakulong ang mga notoryos na assassins. Malalaking problema sa mga bansa ang hina-handle niya, kaya nga siguro napabayaan na niya ang mga anak. "Wala kang kwentang ama." sabi niya sa sarili at sinalinan ulit ang kanyang baso ng alak. Pero kilala naman niya ang mga anak at may tiwala siya sa mga ito. Hindi naman sa labag siyang magustohan ng anak si Trust, natatakot lang talaga siyang masaktan si Mati, dahil bukod sa bata pa ito, naiiba rin ito sa magkapatid. Sa mga anak niya, si Mati ang matatawag niyang fragile at walang kamuwang-muwang sa mundo. All Mati cared about was squirreling herself in that attic workroom of hers, kung wala nga itong pasok magkukulong lamang ito doon sa attic mula umaga hanggang gabi. He let the scotch burns its way down his throat and into his belly. The glow on Mati's face lingered in his mind, making him think of things he hadn't thought about in years. Love was an unruly emotion. Wala itong sinusunod na logical pattern o batas man. And sometimes believing you were in love could be every bit as powerful as the real thing itself. Sa pag-uusap kasi nila ni Trust tungkol kay Mati. Itinanggi kasi ni Trust na wala namang namamagitan sa kanila ni Mati, and he believed him. Pero ang hindi niya mapapaniwalaan na walang kababalaghang ginagawa ang mga ito at madaling araw na ang mga ito nakauwi. Sooner or later they would want more, need more, until they were in so far there could be no turning back. Hindi si Trust ang para sayo anak. His Mati needed someone who'd be around for the long time, and he knew Trust Benedicto wasn't that kind. Matapang si Trust at madaling mairita, and that made him perfect for his purpose, but a bad bet for his daughter. There had been something about Trust that touched him. Nakikita kasi niya ang sarili kay Trust. Nagmahal rin kasi siya noon ng isang babaeng katulad ni Mati, but only to lose it in the most terrible way. Maiiwan lang ni Trust ang babaeng mamahalin niya sooner or later, iiwan rin niya si Mati, kaya hindi niya hahayaang mangyari yon. -----   TRUST Palihim silang nagkikita ni Mati during the first week. Pag wala naman si Luis Aragon hayan libre ang yakap, halik at himas. Oh My! how they wanted.. Ang lahat ng iyon ay bago talaga para sa kanya. Somehow, in the blink of an eye, she'd become part of him, heart and soul. Oo, marami na siyang babaeng naikama, pero ang lahat ng iyon ay dulot lamang ng pagnanasa, nothing like this. The day after they met, binigyan na kaagad siya ni Mati ng silver ring na may asul na bato sa gitna, at ito pa mismo ang gumawa. "Heto, para palaging panatag ang puso mo." anito ng iabot sa kanya ang singsing tas may libreng halik pa sa mga labi niya. Bawat umaga sa kanyang pag gising mukha na agad ni Mati ang makikita niya. She was with him during the day as he worked in the guest house. At ang dalaga rin ang palaging laman ng kanyang panaginip sa gabi. Kahapon lang, hinila niya ito sa likod ng puno ng mangga at hinalikan ito ng buong alab at pananabik, at para sa kanya hindi pa rin yon sapat. Hinding-hindi pa talaga sapat. Nanlaki nga ang mga mata ng dalaga nang bigla nalang niya itong hinalikan at niyakap. Pumiksi ito, trying to put space between herself and intensity, pero sa halip ay mas hinawakan niya ito ng mahigpit. Gusto na sanang niyang ipagtapat sa dalaga ang lahat, pero baka hindi iyon magustohan ni Luis Aragon pag malaman nito. "Trust!" Paglingon niya si Mati kaagad ang kanyang nakita na nakatayo sa pintuan ng guest house. Nakalugay lamang ang kanyang hanggang balikat na buhok at nakasuot ito ng kulay asul na cotton dress. "Anong ginagawa mo dito?" aniya, sabay tayo sa kinaupoan niyang silya. "Akala ko ba off-limits ka pag nandiyan ang daddy mo." Napaangat naman ang isang sulok sa mga labi ng dalaga. "Ikaw lang naman ang off-limits." saad pa nito. Pagkakita palang niya sa dalaga ay nag-iinit na naman ang buong katawan niya, baka hindi pa niya matapos-tapos ang pinagawa sa kanya ni Luis. "Pwedeng mamaya nalang?" Ang ibig niyang sabihin ay mamaya nalang sila pumunta sa may malaking pond na isa sa kanilang tagpuan. Bigla namang nandilim ang mukha ng dalaga. "Hindi!" anito. "Hindi ako papayag na mamaya pa." tuloyan na itong pumasok at isinarado ang pintuan. "Bakit ayaw mo? sabihin mo lang." "Hindi naman sa ayaw ko." ika pa niya. "Sa totoo nga, gustong-gusto ko eh." "Good," malumanay na saad nito. "Yan nga ang gusto kong marinig sayo." *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD