"Maraming salamat sa iyong tulong, Anya. Dahil sa iyo, natalo namin ang mga kaaway na sumalakay sa aming kampo," ani Sister Sylvia. "Sister, wala 'yon. Ginawa ko lang ang dapat kong gawin," sagot ko. "Sanga pala, Anya, kailangan kong pumunta sa North Kingdom para iulat ang mga pangyayari," sabi ni Sister Sylvia. Tumango ako sa kanya bago nagsalita. "Ano ang susunod mong plano, Sister?" tanong ko. "Sa ngayon, hindi ko pa alam. Marami sa ating mga tauhan ang nalagas dahil sa pag-atake ng grupo ni Prinsipe Collins. Kailangan nating mag-isip ng bagong paraan kung paano natin malalabanan ang Southeast nation, Anya. Nag-aalala ako tungkol sa nalalapit na digmaan." "Paano kung -" "Sister, wag mong sabihin 'yan. Naniniwala ako na kaya natin silang talunin. Makakagawa pa tayo ng paraan para m

