PRINCE SAWYER'S POV: Dalawang araw na ang nakalipas, Nakaupo ako sa aking kwarto at nagsusulat gamit ang isang brush pen. "Anong nangyayari sa labas, Luki?" tanong ko sa aking pinagkakatiwalaang tao. "Young master, naghahanda na ang mga tauhan natin sa pagsalakay ng grupo ni Prinsipe Collins," seryosong sagot ni Luki. "Hindi ko alam kung tama ang mensaheng natanggap natin mula kay Young Lord Anya," "Ahh! Hindi pala kay Young lady," sabi ni Luki. Tiningnan ko siya ng nakakunot ang noo bago nagsalita. "Wala namang masama kung maghanda, Luki. Mas mabuting makapaghanda na tayo," sagot ko at saka pinagpatuloy ang aking pagsusulat. "Luki, kung maaari, huwag mo nang banggitin si Anya. Walang nakakaalam sa pagkatao niya maliban sa atin. Naiintindihan mo," sabi ko. "Yes, Young mast

