Pagkalipas ng limang oras, binuhat ko si Lige mula sa ibabaw ng ice bed at dinala sa banyo upang linisin ang katawan niya. Habang sinasabonan ko ang buong katawan niya, napahinto ako sa aking ginagawa nang marinig ko ang mga yapak ng paa palapit sa aking kinaroroonan. Dali-dali kong tinakpan ng tuwalya ang katawan ni Lige at saka ko siya binuhat na parang bata. "Young master, the Ashes Army is here," diretsong sabi ni Luki. Tiningnan ko lang siya at saka muling nagpalakad papasok sa loob ng kwarto at saka ko siya nilapag sa ibabaw ng kama at binihisan ng damit. Pagkatapos kong gawin iyon, lumabas ako sa kwarto at hinarap ang grupong Ashes Army. "Your Highness, where is Prinsesa Arranya? Gusto namin siyang makita. Kumusta ang kalagayan niya?" sunod-sunod na mga katanungan sa akin ng i

