ROSY POV “ROSY, are you sure na hindi na kita ihahatid sa inyo? I have a time pa naman before ko kitain ang friends ko—” Umiling ako sa kanya. “No—I mean, itʼs okay, Stephan. May pupuntahan pa rin naman kasi ako. Kaya you should go na. Ingat sa pagda—drive,” sabi ko sa kanya at pilit na ngumiti sa kanyang harapan. “Seryoso ka?” Tumango ako sa kanya. “Oo talaga, Stephan.” Umalis ka na dahil naghihintay sa loob si kuya Ali. Hindi man lang niya napansin si kuya Ali na masamang nakamasid sa aming dalawa. “Okay, Rosy. Chat mo na lang ako kapag nakauwi ka na sa inyo. Bye!” Kumaway pa siya sa akin kaya pinatili ko ang malaking ngiti ko hanggang makita kong nakaalis na sa harapan ko ang kotse niya, red car. “Wala na ang gagong iyon?” Nagulat ako nang may nagsalita sa gilid ko, nakita ko s

