LAURA POV “A—ANONG ginagawa mo rito, uncle Nickel?” takang tanong ko sa kanya. “Iʼm here to see you, my baby Rosy.” Tumaas ang sulok ng kanyang labi nang sabihin niya iyon. “What? P—pero, paano ka naka—akyat sa room ko? H—hindi ka ba nakita ni ate Karla?” Nauutal kong tanong sa kanya dahil kinakabahan kasi baka mahuli na kaming dalawa. “Donʼt be nervous, baby Rosy. Nakita ko si Karla na naglilinis sa living room ninyo. Sinabihan niya akong umakyat na lang dito.” “A—are you sure, uncle Nickel? Sinabi ba niya talaga iyon sa iyo—” Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang magsalita si uncle Nickel, hindi lang iyon dahil humakbang pa siya palapit sa akin. “Like I said earlier, donʼt worry, my baby Rosy. Hindi nila tayo mahuhuli, okay?” Naniningkit ang kanyang mga mata nang mapatingin si

