ROSY POV PINAPAKIRAMDAMAN ko ang nasa likod ko kung sinusundan pa ba ako ni uncle Nickel. Ramdam kong sinusundan pa niya ako. Sumakay ako ng escalator at pa—simpleng tumingin sa likod pero wala na siya. Nakahinga ako nang makitang hindi na niya ako sinusundan, pero bakit parang sumakit naman ang puso ko? Umalis na ako sa escalator at tumingin pa ako sa ibaba saglit, pero walang uncle Nickel na nakasakay roon. Nasaktan ba siya sa sinabi ko? Totoo namang 37 years old na siya, ʼdi ba? Bakit siya nasaktan sa sinabi ko kung totoo naman talaga? Huminga akong malalim at naghintay pa ako na baka sumakay rin siya ng escalator pero wala talaga. Kaya lalakad na sana ako nang may marinig akong boses sa gilid.“Sino ang hinihintay mo, Rosy? May hinihintay ka ba?” Nanlaki ang aking mga mata nang mar

